Marissa Sanchez on male singers today: "Nobody comes close to what Rico J. Puno has achieved"

by Ruel J. Mendoza
Nov 10, 2018
Marissa Sanchez (left) on the late Rico J. Puno: "Never siyang nag-take advantage sa mga female friends niya." Marissa and Giselle Sanchez (right) will push through with their supposed concert with Rico titled Music & Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko.

Isa ang singer-comedienne na si Marissa Sanchez sa sobrang nalungkot sa pagpanaw ng OPM legend at tinaguriang The Total Entertainer na si Rico J. Puno.

Ayon kay Marissa, malaki ang kinalaman ng yumaong veteran singer sa kanyang singing career ngayon.

“I was only 15 years old when I first worked with Rico. Pinag-guest niya ako sa isang show niya noon.

“Since then, ilang beses ko na siyang nakakasama at laging meron siyang mga professional advice sa akin.

“Kaya nga I am proud to say that Rico J. Puno is my mentor.

“Sa kanya ko nalaman ang maraming bagay-bagay sa business na ito.

“Yung mga advice niya sa akin noon pa ay dala-dala ko pa rin hanggang ngayon and that really helped me into becoming a more well-rounded performer," pahayag ni Marissa nang makapanayam namin siya sa media conference ng sana’y pagsasamahan nilang concert ni Rico na Music & Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Marissa, ang hindi raw alam ng marami kay Rico ay ang pagiging generous nito lalo sa mga baguhang singers.

“Yun ang hindi alam ng marami yata kay Rico. He is such a generous artist.

“He likes to share the stage with new talents. At may libreng consultancy ka pa with him.

“May mga nagtatanong nga sa akin kung hindi ba ako naaasiwa na kasama si Rico dahil medyo bastos raw ito mag-show?

“Sagot ko naman, si Rico ay image lang niya ang bastos siya sa stage, pero kapag magkakasama na kami he is one of the nicest people who will ever meet.

“Never siyang nag-take advantage sa mga female friends niya.

“I always look up to him na parang kuya or isang father figure," diin pa ni Marissa.

Forever fan daw si Marissa ni Rico dahil sa quality ng boses nito na wala ngayon sa mga baguhang male singers ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I hope people will forgive me for saying this: sa mga male singers ngayon, nobody comes close to what Rico J. Puno has achieved.

“Mga singers kasi ngayon, pataasan ng boses, biritan lang nang biritan. Wala na yung ramdam mo sa boses nila ang lyrics ng song.

“Yun ang pagkakaiba ni Rico sa lahat.

“When you hear him sing, it's like he's singing for you kasi feel na feel mo yung emotions na nilagay niya sa pagkanta ng song.

“Hindi siya technical tulad ng mga singers ngayon.

“Rico sings from the heart at sana yun ang matutunan ng mga singers ngayon.

“Make it about the song and not the singer, di ba?"

Kahit pumanaw na si Rico, tuloy pa rin ang concert na Music & Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko sa Theatre @ Solaire on November 23 kunsaan kasama rin sina Giselle Sanchez at Tosca Puno, ang anak ni Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama na rin sa concert ang isa pang anak ni Rico na si Rox Puno.

Magiging isang tribute ang naturang concert sa mga awiting pinasikat ni Rico tulad ng “May Bukas Pa,” “Buhat,” “Lupa,” “The Way We Were,” “Kapantay Ay Langit,” “Together Forever,” “Magkasuyo Buong Gabi,” “Ganyan Pala Ang Magmahal,” at “Sorry Na, Puwede Ba?”


STORIES WE ARE TRACKING



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marissa Sanchez (left) on the late Rico J. Puno: "Never siyang nag-take advantage sa mga female friends niya." Marissa and Giselle Sanchez (right) will push through with their supposed concert with Rico titled Music & Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results