Isa sa pinapangarap na gawin ng former lead vocalist ng bandang After Image na si Wency Cornejo ay ang makagawa ito ng isang original Pinoy musical.
Nasubukan na raw kasi ni Wency ang lumabas sa musical theater na Side Show at na-inspire daw siyang makalikha ng isang musical balang araw.
Na-inspire rin si Wency sa success ng mga all-original Pinoy musicals na Rak of Aegis, Sa Wakas, Huling El Bimbo, at Eto Na! Musikal nAPO!
"That is one of the things na gusto kong gawin very soon. College pa lang ako, it's been a dream of mine talaga.
"I want to go back to writing new songs and to create a musical is one of the things na nasa bucket list ko," pahayag ni Wency sa mediacon ng throwback concert titled '90s Overload kunsaan tampok siya and other '90s musical artists.
May nag-suggest kay Wency na bakit hindi niya gawing musical ang mga nasulat na niyang mga awitin noong panahon na sikat ang banda niyang After Image. Puwede raw gawing original musical iyon at maibabase sa buhay niya.
"Puwede naman gawin iyon, pero gusto ko iba na lang ang gagawa at hindi ako.
"I can act sa musical na iyon pero hindi ako ang gagawa ng musical.
"I will let somebody do that. Nakakahiya naman kung ako pa ang gagawa tapos ako pa yung bibida, di ba?"
“Even my manager, David Cosico wants something like that.
"But I don’t want it do be like some sort of self-aggrandizement. I’d rather write another musical. Yung pinaghirapan ko talagang gawin.
"I’d prefer another person doing the After Image musical. If a theater company is interested in using the songs of After Image, I’d gladly give my permission. But you’ll have to go to Viva which owns the publishing rights of our songs,” diin pa niya.
Marami pa raw gustong gawin si Wency lalo na't magpapaka-busy ulit siya sa pagiging isang musician sa mga susunod na taon.
Earlier this year, pumirma ng kontrata with Star Music si Wency para gumawa ng ilang songs para sa digital platform ng naturang recording company.
Sumikat ang After Image noong early part ng '90s na naging banner decade ng OPM Alternative Rock Music. Nag-release ng apat na album ang After Image na Touch the Sun (1992); Tag-Ulan, Tag-Araw (1994); Bagong Araw (1996), at Our Place Under the Sun (2008). Kabilang sa mga hit singles nila ay "Habang May Buhay," "Next In Line," "Mangarap Ka," at "Tag-Ulan, Tag-Araw."
Noong ma-disband ang After Image noong 2001, sumabak sa isang solo career si Wency. Tumira rin si Wency sa Davao for seven years at nagtayo siya ng isang pastry business.
Noong 2015 naman ay nagtayo siya ng isang resto-cafe na pinangalanan niyang Carmela's na tunay na pangalan na GMA news anchor mom niya na si Mel Tiangco.
"The business in Davao was doing very well until naisipan ko na bumalik ulit ako sa music scene. Nag-reunite kami ulit ng After Image in 2008 and we recorded a comeback album for Viva Records."
Muli ngang mapapanood si Wency sa '90s Overload sa The Theatre @ Solaire ngayong Sabado, November 17. The event is the second installment of the '90s music concert series na '90s Live noong July 22, 2017
Makakasama ni Wency ang mga nakasabayan niyang musicians in the '90s na sina Paco Arespacochaga of Introvoys, Lei Bautista of Prettier In Pink, Jek Manuel of IAXE Band, Stephen Lu of Rizal Underground, Perf de Castro of Rivermaya, Naldy Padilla of Orient Pearl, Cooky Chua of Color It Red, Myra Ruaro of Put3ska, Glenn Jacinto of Teeth, Dodong Cruz of The Youth, at Noel Palomo of Siakol.
Magbibigay pugay sila sa tinatawag nilang grand daddy of OPM alternative rock music na si Jett Pangan of The Dawn.
“Most of us would look up to Jett Pangan as the father of this generation.
"Technically he wasn’t part of our generation. Ang ka-batch ng The Dawn was Rage band, Neocolors and Identity Crisis, ‘yang mga 'yan.
"Sila yung nag-start from mid-'80s and spilled over to our time. So kung may musician kaming hinahangaan at naging inspirasyon, it’s always been Jett,” pagtapos pa ni Wency Cornejo.