Jed Madela promises fans one major concert every year

IMAGE @teamjedmadela on Instagram

Jed Madela promises fans: "May plans na. Ako, personally, I will make it a point that at least one concert every year."


Pagkatapos ng matagumpay na first major concert ni Jed Madela entitled Higher Than High na ginanap noong nakaraang November 16 sa Araneta Coliseum, siniguro niya na taun-taon na siya magku-concert sa malalaking venue.

Siniguro ito ni Jed sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung nakaraang Linggo, November 18, sa set ng ASAP Natin 'To.

Labinlimang taon din ang hinintay ni Jed bago siya nagkaroon ng concert sa isang malaking venue tulad ng Araneta Coliseum.

Ganunpaman, masasabing “worth the wait” ito dahil dito niya ipinamalas ang brilyo at galing niya bilang isang mang-aawit.

Paninigurado niya, “May plans na.

“Ako, personally, I will make it a point that at least one concert every year.

“I feel at home, I really feel at home kasi parang ano... suprisingly...

“Di ba dapat nenerbyosin ka kasi Araneta yan?

“But that time na ine-expect ko na nenerbyosin ako before the concert, pero wala.

“Nandun na ako, nakapuwesto na ako, ready na ako iakyat, walang nerbiyos.”

WORTH ALL THE HARD WORK

Sobra ang saya ni Jed sa naging tagumpay ng first Araneta Coliseum concert niya, dahil nagbunga raw ang lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan nila para sa kanyang show.

Kuwento niya, “Sobrang happy ako, everything was worth it.

“It's all worth the wait, the excitement really paid off, the hard work really paid off.

“Lahat ng pagod, lahat ng hirap pa pinagdaanan namin, sulit.

“Di pala madali ang pag-mount ng isang major concert sa Araneta.

“Pero everything was worth it nung lumabas na ako ng stage at narinig ko ang mga tao.

“Nakita ko ang mga tao, wala na, tanggal na lahat ng pagod.

“Sobrang saya ko!

“Until now, three days passed, pero until now napi-feel ko pa rin yung napi-feel kong excitement.”

PERSONAL JOURNEY

Bilib na bilib din ang mga nanood sa concert ni Jed dahil nagawa raw nitong mag-adjust sa lahat ng mga guests niya, mapa-baguhan man o datihan, at maging kung anuman ang genre ng awitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin kasi, yung Higher Than High, talagang yung concept na sinabi ko sa kanila it's going to be my journey.

“Fifteen years na people who influenced me, yung mga tao na nag-encourage sa akin at nag-push talaga sa akin na maging isang performer.

“Plus, yung mga taong natulungan ko, na kahit papaano na-impart ko yung mga natutunan ko sa industriya, kaya mix and match of different artists yung mga guests ko dito.

“Lahat nag-enjoy.

“Mapabata man o matanda, naka-relate sa lahat ng mga songs dito.”

AFFIRMATION FROM SHOWBIZ COLLEAGUES

Nagpahayag din ng pagbati at papuri ang ilan sa mga artista at singers tulad ni Lea Salonga sa husay na pinakita ni Jed.

Pagpapasalamat niya, “Sobrang grateful ako na kahit papaano I touched the hearts of even my peers, yung mga colleagues ko na they have nothing but only good words to say.

“Yun lang naman ang gusto natin, tayong mga artists, affirmation from our colleagues.”

LONGEST LOCAL CONCERT?

Bukod sa pinalakpakang production numbers, pinuna ng iba na isa rin daw ito sa pinakamahabang concerts na napanood nila, pero worth it naman daw.

Pagsang-ayon niya, “Oo, natapos kami past midnight na but then yung masaya lang naman.

“Most people yung comments nila, di nila namalayan yung oras, di nila napansin na past midnight na.

“Okay lang naman, nag-enjoy naman silang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN