Muling pumirma ng panibagong kontrata ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa Universal Records.
Kaya siguradong magri-release siyang muli ng bagong album ngayong 2019.
Karaniwan na na si Julie ang isa sa nagsusulat sa mga kanta niya.
Aminado ito na marami siyang pinagdaaanan noong nakaraang taon kaya posibleng mas maraming hugot ang mga isusulat niyang kanta.
“Siyempre naman po, mas may hugot,” natawang sabi niya.
“Kasi, ang New Year’s Resolution ko was to be a better person when it comes to my personal life, my career and everything else.”
May mga kanta na rin daw siyang naisulat para sa susunod niyang album.
“About myself and about the things that happened to me last year,” dagdag niya.
SONGS IN THE KEY OF 'EX'
Mas natawa naman ito nang tanungin kung may kanta siya patungkol sa ex-boyfriend niyang si Benjamin Alves.
“I don’t know, I don’t know,” natatawang sagot niya.
May kanta siya tungkol sa break-up at mas punung-puno ng hugot?
Lahad niya, “Siyempre po naman, at lahat naman po talaga ng mga hugot natin sa buhay, minsan nadadala na lang natin sa kanta.
“I think it’s better if you’ll write it down and make more music out of it, di ba?”
Kung sakali at isusulat niya ang sarili, anong Julie Anne San Jose ang posibleng abangan sa kanya ng mga tagahanga niya?
Deklara niya, “Stronger, wiser and fiercer, yun po.”
EXCITED ABOUT COLLABORATIONS
Nabanggit na rin ni Julie Anne kung sino ang isa sa makaka-collaboration niya sa music at sa pagpirma niyang muli sa Universal Records.
Ayon kay Julie Anne, “I have an upcoming collaboration with Gloc 9 and we actually talked last night.
“'Tapos, he told me, parang malapit na raw yatang ilabas or i-release.
“I’m very excited about it, kasi first time kong makakapag-collaborate, although maraming beses na rin kaming nag-perform.
“Pero this time, collaboration naman, as in, solid song.
“And I can’t wait for you guys to hear it.”
Magkakaroon din siya ng major solo concert sa July ng taong ito.
Espesyal daw ito para kay Julie Anne.
“I think, ito yung concert na hindi ko pa nagagawa before. So, abangan niyo po yun.”
WRITING SONGS FOR OTHER ARTISTS
Bilang isang songwriter, gusto rin daw niyang magsulat ng kanta para sa ibang artist.
“I want to try writing more, not only for myself but also for others and other artists.
“That’s my goal and hopefully that can start this year.”
May ibang singer na bang nanghingi na ng kanta mula sa kanya?
“Nagbibigay ako ng kanta. 'O, try mo ‘to.'”
Si Christian Bautista daw ay nabigyan na niya noong ikasal ito.
HEIR TO THE SONGBIRD'S FORMER THRONE?
Madalas na nababasa, lalo na sa mga komento ng netizens, na nang mawala na si Regine Velasquez sa Kapuso network, si Julie Anne na raw ang pumalit sa puwesto nito.
Mabilis niyang tanggi, “I don’t think so, Ate is just Ate.
“I just want to inspire people with my music.
“I just want to share my music to everyone.
“Singing has always been my passion.
“Hindi ko po iniisip yun.”
NO FAVORITISM
Pero nararamdaman ba niyang mas mabigat o mas malaki ang responsibilidad na naibibigay sa kanya ng network ngayon?
“Hindi naman.
“How do I say this?
“Well, there’s a lot of very, very talented singers in GMA.
“And I would like to believe na hindi lang talaga...
“There’s Kristoffer Martin, there’s Mark Bautista, there’s Rita Daniela, there’s a lot.
“Kumbaga, equal po yung distribution of work sa amin.”