Ano ba ang pinagkaiba ng mga old-school singers sa mga mang-aawit sa henerasyon ngayon?
Sagot ni Dulce, kilalang belter singer, “Noon kasi wala kaming masyadong tools, so matiyaga kaming mag-aral.
“So, ang mga kanta matagal ring malimutan.
“Ngayon it’s so available, parang ang daming disposable, di ba?
“So, napansin ko lang parang ang bilis ng turnover, ang bilis magpalit, ang daming uso, ang daming bago.
“Siyempre, naturally, lalo na yung mga kabataan, siyempre nandun yung natsa-challenge ka na, 'Ahh, ito ang bago.'
“These are mga bagay na dapat gawin which is yun ang takbo ng mundo.
“Pero siyempre, dahil ako nga ay old school, old world, old soul, nanatili ako doon sa kakayanin ko lang.
“Ito yung kaya kong gawin at ito yung tinanggap sa akin, so ito rin lang din ang isi-serve ko.
“After all, when I tried doing something beyond what I used to do, hindi rin naman gusto ng tao.
“Ramdam mo yun, kasi it’s not true. It’s not real sa puso mo.”
Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dulce sa book launch ng Doc Rob’s Guide to Better Health and Wellness noong February 9. Ginanap ito sa mismong clinic ni Dr. Rob Walcher sa Tomas Morato, Quezon City.
Kabilang si Dulce sa mga invited guests sa book launch.
DOWNSIDE OF GOING WITH LATEST TRENDS
Sa paniwala ni Dulce, nakaapekto sa Pinoy music industry ang global influence ng mga singers ngayon sa paghina ng Original Pilipino Music (OPM).
Bumuntong-hininga muna si Dulce bago nagsalita, “Well, kasi nga napakalakas noon.
“Noon, nandun sa puso yung pagmamahal sa bayan, pagmamahal sa sariling atin.
“But with globalization, nagiging very powerful yung influence ng mundo, yung advance ng mga countries sa atin.
“Kasi ang tao nagmamadali, e.
“Spirit kasi ng kabataan yun na, 'Ay, kailangan mauna ako rito kung ano ang uso, kung ano ang bago.'
“Nakakaapekto din yun.
“But we cannot tell them na wag niyong gawin yun, di ba?
“We can only do so much as parents and we can only remind our children, but hindi mo maku-control yun, e.
“Yun talaga ang ikot ng mundo, e.”
SINGERS WITH DISTINCTIVE VOICES
Base sa karanasan ng maraming music aficionados, halos lahat ng singer ngayon ay magkakatunog at magkakatimbre ang boses.
Hindi ito katulad noon na madaling makilala kung sino ang mang-aawit kapag pinatutugtog na ang kanilang mga kanta sa radyo.
Umayon sa usaping ito si Dulce, “That is exactly what is happening.
“That is why ang ano ko... you have to find your own voice, that they can find their own voice.
“Kasi honestly, ang gagaling ng mga singers natin.
“Yun nga lang I have to see the face to know whose voice it is, who the voice belongs to.”
Tinanong namin si Dulce kung sino sa tingin niya ang mga singers na may distinct voice.
Sagot niya, “Si Bituin Escalante has a unique voice.”
Kung sa mga millennial singers naman, sino ang masasabi niyang may kakaibang boses?
Nag-isip muna ito at saka sumagot, “Ahhmm, kailangan muna nilang maging butterfly from the caterpillar.
“Kasi ang gagaling na, e.
“Si Bituin kasi ang maririnig mo na iba. Well, Rachel Alejandro. Kasi nga distinctive ang boses nila.”
Hindi na raw niya mababanggit si Regine Velasquez dahil meron na itong pundasyon sa industry.
Lahad niya, “Of course, Regine is Regine. Siya lang yun.
“Yun na nga lang, after Regine, hahanapin mo kung hindi ba si Regine ang kumakanta, you know what I mean?
“Sorry ha? Gano'n.”
LONGEVITY IN THE MUSIC INDUSTRY
Bagamat mas maraming opportunities ang mga mang-aawit sa generation ngayon, marami din naman ang madaling nawawala.
Ani Dulce, “Of course, maraming opportunities.
“Pero sa bilis ng opportunities mag-open, ang bilis din na alam mo yung nali-lessen yung value ng ginagawa nila, because they’re just too much.
“And too much of a good thing kung minsan nagiging harmful. Yun nga, nawawala yung pagpapahalaga.”
Nabanggit ni Dulce ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo na kakaiba rin sa lahat.
Pagsasalarawan niya sa ASAP Natin ‘To mainstay, “Si Sarah Geronimo kasi merong mga nagga-guide.
“After what happened kung ano yung nagawa niya, ginawan siya ng ikot na merong….
“She’s blessed to have people around her na nari-rearrange yung some things that’s happening in her life towards a better direction.
“And with what happened recently na alam nating kumanta siya sa Pope [Papal visit to Abu Dhabi] ang ganda-ganda ng nangyari, ang ganda-ganda ng pagkakanta niya.”
Naintindihan ni Dulce ang nakaraang taong emotional moment ni Sarah sa concert nito sa Amerika.
Sabi pa ng Visayan singer, “Kasi nga parang ang nangyari what happened before na parang nagkaroon ng overworked siya, na-stress siya nang husto, bumigay siya.
“I really feel for her na naging ganin yung sitwasyon.
“Siguro sa sobrang pressure, sa sobrang galing, ang dami na ng mga bagay-bagay.
“One person can only take so much, natural na bumigay.
“But, from there ang bilis ng recovery niya, e.
“Magaling si Sarah Geronimo, oo naman.”
Isa sa mga hinahangaan na gumawa rin ng pangalan sa Asian market ay si Morissette Amon.
Pagmamalaking bulalas ni Dulce, “Ay, magaling si Morissette, Visayan 'yan, e.
“Yun nga ang sabi ko, si Morissette, mas gagaling pa lalo pag nakita niya yung voice niya.
“Meron pa siyang ibibigay, napakagaling niya, alien ata, hahaha! Grabe nakakatakot.
“Pero yun nga, I really believe that given the time pa... Hay naku!
“Saka you cannot imagine what she can do pa.
“Ngayon pa lang nga yung nagagawa ng bagets... what more pa pag nahanap niya yung voice niya.”
Iba rin daw ang quality ng boses ni Julie Anne San Jose, ayon kay Dulce.
“Meron siyang quality na maganda siya for recording,” sabi niya.
MALE SINGERS
Hindi magawang pagkumparahin ni Dulce ang mga male singers ngayon dahil sa kani-kanilang mga katangian.
Pahayag niya, “Well, may iba-iba namang quality sila, e.
“Jed Madela, monster namang kumanta yun.
“Christian Bautista has the quality na talagang para kang...
“Alam mo yung kiligan, saka yung soothing na voice, yung simply confident singing na walang ire na magyayabang siya sa kanta niya.
“Si Erik Santos naman nakita ko siya talaga kung paano siya nag-develop through the years dahil napakasipag na tao.”
Hindi magawang pumili ni Dulce sa mga male singers.
Rason niya, “Ang hirap, e.
“Kasi ang dami nilang iba-iba ang kanilang talent, e.
“Like for example, puwede kong sabihin na si Nyoy Volante napakagaling.
“Pero not in the liga na bumi-belting.
“Pero iba yung Nyoy kasi nakakasama ko sa entablado at iba yung...
“Alam mo, iba ang respeto ko sa teatro.
“E, mag-ina kami sa Hairspray [stage musical, 2008] at nakita ko kung paano magsayaw, mag-dialogue.
“He can adapt doon sa character, magaling talaga siya.
“Pero he’s not the type na matatawag mong malakasan.
“So, tulad niyan, may mga magagaling pero hindi siya yung tipong tumitili.”
ATTITUDE VS. TALENT
Ano ang dapat gawin ng mga singers sa generation ngayon para tumagal sila sa industry?
Nag-isip muna si Dulce bago nagsabing, “Alam mo kasi, laging sinasabi, yung attitude talaga ng tao.
“More than the talent, it’s really the attitude.
“Sometimes kasi talo ng masinop ang magaling.
“Kasi yung mga magagaling kadalasan lalo na nandun na yung fame, nakakalimot, nawawala na sa kanilang wisyo.
“Tandaan mo na bago ka nakarating sa top ang dami mong pinagdadanan na tumulong sa 'yo.
“Parang yung sa pyramid na nasa tuktok ka, pag nawala yung mga nasa ilalim, babagsak ka kasi ikaw yung nasa taas.
“Before na tumuntong ka sa taas, ang daming nakapaligid sa ‘yo.
“Huwag mong kalimutan yun kasi pag naging ano ka, ‘Ay, ako na ‘to,’ naku wala talagang tumatagal.
“Because we always need the people who supported you from the very beginning up to the end.
“Kailangan sila rin yung nakasuporta sa 'yo.”