PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Josh Santana promotes Fil-Hispanic songs in new album Eres Tu

Released by Polyeast Records, his album offers ten songs with Spanish/Latin flavor.
by Kate Borbon
Published Mar 22, 2009
Josh Santana makes a musical comeback with his ten-track album called Eres Tu. Hear his version of Fil-Hispanic songs as well as an original composition titled "Estar Contigo," with English and Spanish lyrics.

Kasikatan pa ng Meteor Garden ay kilala na si Josh Santana dahil siya ang kumanta ng Tagalized version ng theme song ng nasabing chinovela na napapanood noon sa ABS-CBN. Nakilala rin siyang aktor nang maka-tandem nito si Carol Banawa sa teleserye na Bituin na pinagbidahan ni Ms. Nora Aunor.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nagbabalik na mang-aawit sa kanyang self-titled album launching, ang Josh Santana...Eres Tu na ginanap kagabi sa Techno Wave ng El Terrazo along Tomas Morato Avenue sa Quezon City. Napag-alam ng PEP na kaya siya nawala sa limelight ay dahil mas binigyan nito ng prayoridad ang kanyang pag-aaral. Ngayong nakatapos na siya ng kursong Bachelor of Arts Major in English Language ay muli niyang binalikan ang music industry.

Mahirap ba para sa 'yo ang pagsabayin ang pag-aaral at pagkanta? "Kasi po I choose to be a regular student at ayaw kong isipin na gagawin kong sideline yung school. Kaya, I chose to be in school, kumbaga, fully present."

Inamin ni Josh na medyo nakaramdam siya ng panghina-yang sa kanyang desisyong iwanan muna ang pagkanta para ituon ang sarili sa pag-aaral.

"Nanghinayang po, na for the first few months noong nararamdaman ko na this is my decision and this is the result. Nararamdaman ko na unti-unti na akong nadi-detach sa aking being an artist."

Pero iba naman ang kanyang naramdaman nang nagtapos na siya ng kanyang pag-aaral dahil masayang-masya siya ng makamtan nito ang kanyang minimithing diploma.

Sa kanyang pagbabalik ay marami nang nadiskubreng mga magagaling na mang-aawit na produkto ng mga reality shows na ayon sa kanya, dasal ang kanyang kailangan para makabalik sa kanyang iniwanang puwesto bago niya ipinapagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

"Well. prayers lang. Ah, I do my best all the time whenever I perform I consider it my last performance kumbaga and kahit na nga marami na talagang mga bagong singers ang nakikilala na ngayon, I'm still hoping that by performing well and knocking on the doors of my fans, I could still make it."


KAHIT MINSAN LANG. Bigay na bigay ang pagkanta ni Josh sa awiting ito noong kanyang album launch na isang komposisyon ni Marlon Silva.

"Sobrang maganda po ng melody para sa akin na kahit nagtatagalog ako kung mapapansin ninyo ang melody, very Hispanic. Hindi ko naman masasabing kopya ito sa isang Hispanic song kasi I listened to a lot of Spanish songs and so far, wala pa naman akong na-encounter and I know, this is an original."

ERES TU. Ayon sa kanya, kaya niya napiling isama sa album ang awiting ito at napili rin itong carrier single ay dahil nang gumawa siya ng research on the song, napag-alaman nitong napakasikat ng nasabing awitin noong 1970's. Nag-alaman din nito na mahigit sa isang daang mga mang-aawit ang may kani-kanilang bersyon ng nasabing awitin.

"There's really a mystery in the song na kapag naririnig mo siya, very hypnotic.. Para kanya tinatawag na kumanta rin. So, nang marinig ko 'yong song, sabi ko, dapat kasama itong song sa album."

Bakit mo pinili ang mag-record ng isang album na may Fil-Hispanic songs sa iyong pagbabalik sa music scene?

"This is my first time that I'm choosing my music without pretension. I believe that music is a universal and a very powerful language and I really want to share something I truly enjoy listening to."


FIL-HISPANIC SONGS. Josh introduces ten Fil-Hispanic songs in his new album. His carrier single, "Eres Tu" has pop and ballad version and another Spanish classic is "Historia De Un Amor."

Other revivals are Salena's "Dreaming of You," and Gloria Estefan's "Don't Wanna Lose You Now." He also recorded Rihanna's "Hate That I Love You" with some lyrics translated to Spanish. Also included are three original songs with latin flair; an upbeat song titled "Eres Mio"; two power ballads "Kahit Minsan Lang," and "Magpakailanman," and his own composition, "Estar Contigo" with English and Spanish lyrics.

Josh Santana...Eres Tu (It's You) CD album is produced by Zachary Barlahan and Dennis Arce and distributed by Polyeast Records. For inquiries and bookings, please contact Zachary Barlahan or Dennis Arce at telephone number 927-0611 (telefax) and celfone numbers 0917-8851533 or 0915-8884848.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Josh Santana makes a musical comeback with his ten-track album called Eres Tu. Hear his version of Fil-Hispanic songs as well as an original composition titled "Estar Contigo," with English and Spanish lyrics.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results