David Cook and David Archuleta will perform back-to-back in Manila


David Cook (left) and David Archuleta will meet their Filipino fans during their May 16 concert at the SM Mall of Asia Concert Grounds.



Wala nang makapipigil sa David Cook & David Archuleta: Live In Manila concert sa May 16, 2009, 8:00 p.m. at the SM Mall of Asia Concert Grounds. Ang one-night concert na ito ay produced by Fearless Productions nina Jomari Yllana and the Singson brothers, Ronald and Ryan. May kumalat kasing balita na baka raw hindi ito matuloy dahil sa pagkamatay ng older brother ni David dahil sa brain cancer.

But the manager of David Cook assured his Filipino fans na tuloy ang concert nang magpadala siya ng official statement kaugnay ng pagkamatay ng kapatid ni David na si Adam.

Ito ang statement ng American Idol Season 7 winner: "David and his family would like to say Thank You for everyone's thoughts and prayers. Please don't worry, as the show will go on as scheduled. David is looking forward to seeing all his fans in Manila."

Bago pa dumating ang official statement na iyon ng manager ni David Cook, may assurance na rin si Jomari para sa mga fans ng dalawa.

"Hindi na masyadong mahirap para kay David and his family ang pagkamatay ng brother niya na siyang nag-push sa kanya para mag-join ng American Idol. Na-diagnose kasi ang brain cancer si Adam noon pang 1999 at in 2006 lamang ito na-full blown. Pero nag-cancel pa rin ng two shows si Cook dahil sa nangyari.

"They will arrive on May 12, on separate flights, Archuleta will come from London at si Cook, sa USA. There will be a press conference upon their arrival.

"This is the first time na they will perform with another artist, sanay silang mag-show alone. Hindi rin sila sanay mag-perform with a big crowd, sanay lamang silang mag-promote ng kani-kanilang mga albums, kaya first time talaga itong mangyayari na pinagsama sila."

Paano sila magpi-perform, may duet ba sila?

"Sixty minutes [one hour] each ang performance nila, with 20 minutes break, ang nasa contract nila. Mauunang mag-perform si Archuleta, then si Cook. Ayaw naming mag-expect ang mga fans, dahil hindi sila magdu-duet. But who knows baka pagbigyan nila ang kanilang mga fans. I learned na one of the songs ni David Cook na kakantahin niya ay ang sarili niyang composition ng "Permanent" dedicated to his brother Adam. Each has his own band and technicians at dalawang team natin ang makikipagtrabaho sa kanila para sa technicals."

Magpu-promote ba ang dalawang Davids?

"Yes, sa mga radio and TV shows ng GMA-7."

Ayaw sabihin ni Jomari kung saang hotel billeted sina Cook and Archuleta at ang kani-kanilang entourage para daw hindi puntahan ng mga fans nila.

Ang David Cook & David Archuleta: Live In Manila ay presented by the Metrocard Club, in cooperation with SM Mall of Asia and GMA Network.

Sa mga nagtatanong kung magkano ang tickets for the concert, here are the prices:

Titanium ticket costs P12,426; platinum ticket is P6,215; VIP is P3,625; gold is P2,075; silver is P625 and bronze is P315.

For ticket reservations, you may call Ticketnet at 911-5555, Ticketworld at 891-9999 and Metrocard Club office at 232-8906, for premium seat reservations.


Click here to buy show tickets

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN