Sidelights of PMPC’s 1st Star Awards for Music


Jim Paredes (left) and Danny Javier (right) of APO Hiking Society received the Lifetime Achievement Award during the 1st Star Awards for Music held at SM North Edsa Skydome last October 29. Buboy Garovillo was unable to attend because of a conflict with his schedule.


Matagumpay na naidaos ang 1st PMPC Star Awards for Music sa Skydome, SM North Edsa last Thursday, October 29. Itinaguyod ito ng Philippine Movie Press Club, produced by the National Press Club and Alyansa ng Filipinong Mamamahayag, and directed by Arlene Tolibas.


Ang magkasintahang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang nakakuha ng major awards. Dalawa ang napanalunan ni Regine at dalawa rin ay Ogie bilang singer at composer. Si Regine ang tumanggap ng tropeyo ni Ogie dahil nasa Japan ito at nagti-taping ng Bubble Gang.

Nakadalawa rin si Rachelle Ann Go (Best Revival Album and Female Star of The Night), ganoon din sina Billy Crawford at ang bandang Kamikazee. Bagamat first solo album ni Rico Blanco ang Your Universe, nakuha naman niya ang major award na Album of the Year.


Layunin ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na bigyang-halaga at gawad-pagkilala ang mga natatanging artists sa mundo ng musika kung kaya’t naitaguyod ang 1st Star Awards for Music. Noong Mayo, ginanap ang 25th PMPC Star Awards for Movies at sa darating na November 29, gaganapin naman ang 23rd PMPC Star Awards for TV.

Hindi naging madali para sa PMPC ang pagpaplano at pagbuo sa minimithing pagkakaroon din ng 1st Star Awards For Music. Lalo sa panahon ngayon ng krisis, malawakang problemang pang-ekonomiya, at sunod-sunod na hagupit ng kalamidad. Pero ang ganitong adhikain ay naging isang napakalaking hamon sa PMPC at sinuportahan ng NPC President na si Benny Antiporda at AFIMA Pres. Jerry Yap.


Nagkaroon pa ng tension dahil last minute ay nag-back out si Janno Gibbs nang magsisimula na ang awards night. Mabuti na lang magaling na hosts sina Toni Gonzaga at Billy Crawford kaya nakahinga nang maluwag ang mga organizers kahit biglaan ang pagbabago ng script.


Heto ang text ni Janno na forward ng kanyang manager na si Tita Malou Choa-Fagar. "Nag-ready na nga ako for the show, e! Medyo masama na kanina ang pakiramdam ko. Lumabas na ang lagnat after I tuk a bath. So sori tita! Di ko talaga kaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nakatanggap din ang PEP ng text mula kay Mr. Noel Ferrer sa pagkakapanalo ng MYMP bilang Duo / Group Artist of the year. "Napag-utusan ako ng kaibigan kong manager ng MYMP na tanggapin ang kanilang Star Award for Music kung sakaling manalo. At nanalo sila sa pinakamataas na award for duo and group artist of the year. Pagkatapos, itinawag ko sa kanila ang kanilang pagkapanalo. Heto ang sagot: "Congrats sa album natin Noel pero ’yan na ang last nina Juris at Chin as duo and group. Solo na si Juris. Si Chin, naghahanap ng new member ng MYMP. Nalungkot ako! Pero at least, kasama ko sila sa award winning project together."


Nakaka-touch naman ang presentation para sa 1st recipient ng Lifetime Achievement Awards para sa Apo Hiking Society. Nag-trio sina Jed Madela, Richard Poon at Jay-R para sa tribute sa APO, isang medley ng APO songs. Bongga rin ang hinandang video presentation na kung saan ay bumati sina Roderick Paulate, Leah Navarro, Bing Loyzaga, Agot Isidro at Amy Perez. Dumating sina at Jim Paredes Danny Javier minus Buboy Garovillo dahil may taping daw ito ng teleserye.


Isang special production number ang ihahandog ni Dingdong Avanzado, singer-composer ng awiting "Panahon Na (Awit Ng Pagkakaisa)" kasama sina Bayang Barrios, Faith Cuneta, Eva Castillo, Jan Nieto, Chris Cayzer, Laarni Lozada, Julie Ann Bautista, Geoff Taylor, Francheska Farr.

Kasabay nito, napanood din ang video footages na namimigay ng relief goods ang mga artista natin sa mga biktima ng Ondoy at Pepeng sa pangunguna ni Angel Locsin.


Mas nagningning ang gabi ng Star Awards sa pagdating ng Pop Princess na si Sarah Geronimo. Nagbigay naman ng solo spot number si Jolina Magdangal, Rachelle Ann Go, at finale number si Regine Velasquez. Opening naman sina Allan K, Sexbomb at Mocha.


Kaaliw naman sina Bugoy Drilon at Jmore [Jerome Pagaduan] nang mag-tie para sa New Male Recording Artist. Sandali lang nahawakan ng Pinoy Dream Academy alumnus na si Bugoy ang tropeyo dahil pinahiram niya kay Jmore noong mag-acceptance speech ito. Hindi na ito ibinalik ng Fil-Australian singer na si Jmore. Padadalhan na lang ng trophy si Bugoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nagpapasalamat din ang PMPC sa magandang tribute ng Wowowee sa Star Awards for Music kung saan inabot ni Vehnee Saturno ang tropeyo ni Willie bilang artist ng Pop Album of the year para sa Ikaw Na Nga noong Friday, October 30.


Ang recipients ng Special Awards ay ang sumusunod:


Female Star of the Night - Rachelle Ann Go
Male Star of the Night - Myrus
Nesvita Beautiful Inside & Out - Toni Gonzaga


CLICK HERE
to view the list of winners in the 1st Star Awards for Music.


CLICK HERE
to view photos taken during the event.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN