Ronnie Liang will perform at the Metro Bar on Nov 14


Ronnie Liang’s talent fee for his November 14 concert titled My Ballad, My Music will be donated to Aetas in Pampanga. The singer is currently hosting a Studio 23 show titled Travel to Culinary Adventures.


Isa si Ronnie Liang sa mga artista ng ASAP na napabilang na maging semi-regular along with Sheryn Regis, Jay-R Siaboc and others. Pero sa kabila ng hindi na pagiging regular sa nasabing variety show, napapanood naman si Ronnie sa isang travel-cooking show ng Studio 23, ang Travel to Culinary Adventures.


"I have a new show, actually it’s a travel show titled Travel to Culinary Adventures. Ipinapalabas siya every Sunday, 10:30 am, at Studio 23 and it started last September pa. I’m with a chef, she’s Chef Nico Aguillar.


"I’m so happy to be part of this show kasi nakakapag-travel ako like Taal Volcano, Bohol and other places then naa-appreciate mo ’yong ganda ng nature dito sa atin na di mo na kailangang mag-abroad coz ang ganda na ng bansa natin. Niluluto namin ’yong specialty ng iba’t-ibang probinsya tapos fini-feature namin ’yong iba’t-ibang tourists attraction nila. First time kong nakakakain ng piniritong palaka, sinampalukang palaka, adobong palaka, ng dagang bukod, tipaklong and camaron," kuwento pa ng former Pinoy Dream Academy Season 1 contestant.

After ng success ng concert niyang Ronnie Liang: Revealed at the Metro Bar, may concert uli ang singer sa Metro Bar titled My Ballad, My Music on November 14 kung saan ang talent fee pala niya ay mapupunta sa mga Aetas na na-meet niya nung i-feature niya ang Sapang Bato sa Angeles, Pampanga.


"I have a concert in Metro Bar titled My Ballad, My Music and guests ko sina Laarni Lozada at Sheryn Regis.


"Bale na-feature namin ’yong Sapang Bati in Angeles Pampanga for Travel to Culinary Adventures, na-meet ko ’yong mga Aetas, mga kababayan ko, nabagyo din sila nung Ondoy at nakakalungkot dahil wala man daw nagbigay ng support o tulong sa kanila kasi nasa remote area sila. Ang sabi sa akin nung baranggay captain kailangan nila ng gamot lalo na sa mga batang nagkakasakit saka pagkain. Kaya ’yong talent fee ko sa concert na ito, ilalaan ko sa kanila, parang pang-advanced kong pamasko sa kanila. Alam kong magiging masaya na sila doon, advanced noche Buena ko na sa kanila ’yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kung dati ay medyo sexy ang tema ng Revealed concert ni Ronnie, ngayon naman ay puro ballads ang repertoire ng kanyang hinahandang show.


"This is more of ballad songs, from the title itself, puro mga kanta nina Basil Valdez, Rey Valera, Dingdong Avanzado saka ’yong mga hits songs ko like ’Ngiti,’ ’Iingatan Ka.’ Dun sa Revealed kasi, may kaunting ballad ako na talagang nagustuhan ng tao kaya ito ang kakantahin ko sa My Ballad, My Music. This is produced by Metro Bar."

Supposed to be ay may album din dapat na ilalabas this year si Ronnie pero di nga ito natuloy na ilabas dahil na rin sa mga nakaraang bagyo.


"I have a new album and it’s a good thing na di siya na-release this time because sa bagyo. Siyempre di ka makakapag-promote masyado tapos ang mga tao, di yan bibili dahil nabagyo sila kasi imbes na ibili nila ng album, ’yung pangangailangan na lang nila ang uunahin nila. Ire-release na lang ang album ko first quarter of 2010."

Kumakailan ay nag-guest sa ASAP ’09 si Ronnie. He admitted to PEP (Philippine Entertainment Portal) na na-miss niya ang nasabing show pati na rin ang mga kasamahan niya dito.


"I miss them. Last Sunday, November 1, nag-ASAP ako, na-miss ko ’yung stage nung nag-perform ako. Pagdating ko dun, binati agad ako ng mga kasama ko dun, iba ang buhok mo, you have a new hair," nag-thank you naman ako. Na-miss ko ang ASAP, na-miss nila ako so nung nag-perform ako, I was so happy tapos nag-hosting pa ako."

When God closes a door, he opens a window...ganito ang nangyari kay Ronnie na kahit di na siya regular na napapanood sa ASAP ngayon ay may bagong show and trabaho naman na pumasok sa kanya.


"I can say na di naman na-decrease ’yung income ko, I would say that, di rin naman naapektuhan ’yung career ko kasi mas maraming concerts, mas maraming shows at maraming TV guestings pa rin. Si God binigyan niya ako agad ng bagong blessings, nagkaroon ako ng bagong show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN