Marco Sison returns to the recording scene via Hindi Ko Akalain


Marco Sison’s 10-track album Hindi Ko Akalain is exclusively distributed by Star Records.


Ang singer-balladeer na si Marco Sison ang latest artist na pumirma ng kontrata sa Star Records for a distribution deal ng kanyang bagong album titled Hindi Ko Akalain, which he recorded in the United States.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marco sa contract signing na ginawa sa Dulcinea Morato last April 16 kung saan nagpahayag ang singer ng excitement sa paglulunsad ng kanyang bagong album. Huli siyang nag-labas ng album for Universal Records in 2003 although he has made the rounds of various recording labels in his long and checkered career as a balladeer.

Love songs ang nilalalaman ng album ni Marco, which includes compositions by Bodjie Dasig and Odette Quesada, the husband-and-wife-team that created countless hits such as "Sana Dalawa ang Puso," and "Friend of Mine," among others.

"Ibang klaseng love songs ang laman nito. May seryoso, may pa-cute ng konti, may ibang tempo, may mabagal, may parang bossa nova ang beat, may jazz at may pop," kwento pa ng singer.

"Excited ako kasi pag napatira ka sa ibang bansa, nahahawa ka sa energy ng bansa na iyon, especially when it comes to music. Kumbaga, hindi ako na-trapped sa pagiging balladeer lang sa album na ito."

Nag-stay si Marco sa Amerika for quite a while. Nag-avail siya ng O-1 visa for persons with extraordinary ability so he could have an option. "I stayed there for a while, about five months, tapos nakilala ko ang sina Bodjie Dasig and Odette Quesada, who were already based in the States," kuwento niya.

Busy si Marco sa concert tour ng group nila nina Rico J. Puno, Nonoy Zuniga, Rey Valera, otherwise known as the Greatest Hitmakers. Mga concerts abroad ang kanilang madalas na pinagkakaabalahan. Nakatakda sila uli magkaroon ng U.S. tour sa September and another one in Europe by December.


FIRST TIME PRODUCER.
Excited si Marco sa kanyang bagong album dahil first time niya mag-produce, mag-package at mag-market ng album, with Star Records serving as its distributor. Nagpapasalamat nga siya sa Star Records dahil tinutulungan siya with his new album.

Hindi naman daw nawalan ng gana sa recording si Marco kundi para siyang nawalan ng momentum gawa ng piracy. "Malaki kasi talaga ang epekto sa singer ng piracy. Pinaghihirapan mo ang trabaho mo tapos pini-pirata lang. Plus the fact nga na naging busy ako sa tour ng Greatest Hitmakers. Kasi minsan, twice a year ay lumalabas kami ng bansa for a tour. Nagkaroon pa kami ng concert sa Araneta Coliseum. We even went to Australia," kwento pa ni Marco.

Basically raw ay puro shows at trabaho ang inaasikaso ni Marco sa U.S. Pero naisip daw niya na gusto na niya muling magkaroon ng album pero almost two years na raw niyang inaasikaso itong Hindi Ko Akalain album niya. Sa Amerika raw niya ito ini-record kaya naiiba ang mood ng mga kanta.

"Iba ang mood ng mga kanta tapos compositions ito nina Bodjie Dasig at Odette Quesada. The album is made of ten songs, pero may kasamang dalawang revivals namely "Till I Met You" and "Friend of Mine," which were composed by Odette. All the rest were compositions of Bodjie."

Ayon kay Marco, ang carrier single titled "May Iba Ka Ba?" ay bagay na theme song ng isang teleserye. "Kuwento ng love triangle ang song. Yung lalaki, insecure siya kasi parang nagbago ang kanyang girlfriend. So nagtatanong siya kung mayroon ng iba?


Pero magaganda rin ang ibang songs like ang title track na "Hindi Ko Akalain." Tapos there is this jazz number titled "Baby, Puwede Ba?" This is also one of my favorites.

"Mayroon din isang song na kanta ng isang tatay para sa kanyang anak titled ’Right Beside You.’"


TARGETING NEW GENERATION OF LISTENERS. How does it feel going back to recording? "Naninibago ako pero okay lang kasi medyo nasanay na ako sa mga presscon pero I have not done that for a while as a solo artist. Nagkakaroon kami ng presscon before pero as a group kami nina Rico J. Masaya ang presscon namin kasi puro kalokohan kasi andun si Rico pero as a soloist medyo naninibago ako pag humaharap uli sa presscon," ani Marco.

"Pero sobrang excited ako sa pagbabalik ko sa recording pero kinakabahan din. Hindi naman ako kinakabahan dahil pangit ang produkto na ino-offer ko. It’s not like that. Siyempre iba na rin ang generation ngayon. Iba na ang audience pero siyempre ang katwiran ko naman, music naman knows no age, walang edad na pinipili. Ang music, universal iyan. Hopefully magustuhan ng new generation of music lovers ang album ko.

"Hindi ako masyadong kinakabahan sa mga music lovers from the ’80s kasi iyon ang generation so 20 years after, tignan natin kung ano ang magiging outcome ng bago kong album. Sana tanggapin din nila. Anyway, the songs are very Filipino. It talks about life at ang mga experiences natin pero lahat iyon ay love songs."

Marco Sison’s 10-track album Hindi Ko Akalain is exclusively distributed by Star Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN