Angeline Quinto excited to join Sharon Cuneta’s European concert tour


"Alam ko kasi mga third week po ’ata ng September kasi hanggang October ’yon, bale, siguro mga ten days kami doon, parang gano’n," paglalahad ni Angeline Quinto tungkol sa tour niya abroad kasama si Sharon Cuneta.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makasama si Angeline Quinto noong Linggo, Agosto 21.


Ayon sa singer, magiging parte siya ng six-city concert tour abroad kasama ang Megastar Sharon Cuneta at si Erik Santos.

Si Angeline ang kauna-unahang grand winner ng ABS-CBN reality show na Star Power: Search for the Next Female Pop Superstar na hosted noon ni Ms. Sharon.

"Mapapasama po ulit ako kay Ma’am Sharon para po sa Europe tour niya naman—para po sa concert po ni Mega," masayang ibinalita ni Angeline.

Dagdag din niya, "Alam ko kasi, mga third week po ata ng September kasi hanggang October ’yon, bale, siguro mga ten days kami doon, parang gano’n."

Nang maalaala niya ang eksaktong petsa, biglang bulalas ni Angeline, "September 24, oo, tama mga third week po!"

Anong pakiramdam mo no’ng unang-una kang tumapak sa ibang bansa?

"Ang una ko pong punta sa ibang bansa, sa Singapore po, e. No’ng una po talaga, hindi ako makapaniwala na, alam mo ’yon, parang kasi dati akala ko tatanda na lang ako na, hindi pa nakasakay ng eroplano, gano’n.

First time mong sumakay ng eroplano noon?

"Hindi po. No’ng Iloilo po, no’ng Star Power pa," sagot niya.

"Sa labas po ng bansa, ’yon ’yong first time ko, sa Singapore, kaya parang maiyak-iyak po ako sa tuwa, gano’n.

"’Tapos sobrang ano, hindi ko talaga makakalimutan ’yong itsura ko no’n, e, no’ng nakatapak ko sa Singapore, grabe parang sobrang saya ko talaga."

What lessons did you learn in joining Star Power?

"Kasi sa Star Power, a, ang hindi ko makakalimutan din ’yong mga advice talaga ni Ma’am Sharon sa amin.

"Kahit noong marami pa kami, si Ma’am Sharon na talaga ’yong naging mentor namin diyan, e, kaya hindi ko makalimutan ’yong isa sa mga sinabi niya na kahit anong mangyari huwag na huwag kang magsasawang mag-audition, parang gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Don’t stop auditioning’ daw, kumbaga parang ako po, ilang beses na ako sumali sa mga contest."

Inilahad din ni Angeline, "Kasi tinry ko din po sa PDA [Pinoy Dream Academy] at saka may isa pa, e, ’yong dati sa Wowowee.

"PDA, pumila po ako dyan, hindi ako natanggap. Ang balak ko nga sana if ever hindi ako natanggap din sa Star Power dapat magpi-Pilipinas Got Talent ako talaga.

"’Tapos ’yon po, ’yong pinaka-lesson na, na hindi ko makakalimutan at siyempre para din sa akin po, sa sarili ko naman ’yong, ’yong kapag lalabas ka sa stage, dapat ang ipapakita mo lagi, e, 100 percent talaga, na best mo talaga, kumbaga tuwing magpe-perform ka dapat ’yon na ’yong pinaka-the best na ipapakita mo sa tao, gano’n po.

Ano pa sa mga sinabi ni Miss Sharon Cuneta sa ’yo ang tumatak talaga sa isipan mo?

"Bukod doon, a, hindi ko makakalimutan ’yong sinasabihan niya ako na huwag kong kalimutang mag-ipon, gano’n.

"Siyempre, ’yon din naman talaga ’yong ginagawa ko ngayon, sinabi din ng nanay ko ’yon.

"Ako naman po, hindi naman ako mahilig sa mamahaling bagay, e, kaya suwerte ko lang po, di ba?"

Sa estimate mo ilang singing contests nang sinalihan mo?

"Madami po, e. Siguro mga, kung bibilangin ko, siguro mag-iisang daan, siguro mga gano’n. Pero hindi naman lahat ’yon talo ha, charing!" sabay tawa ng singer.

So ilang beses, marami bang mas nanalo ka or natalo?

"A, mas marami po ang natalo ako," pahayag ni Angeline.

"Siguro mga 50 percent po, kalahati [’yong natalo]."

Umabot ba na sumuko ka na sa pangarap na maging singer?

"Opo naman. Nangyari talaga ’yan sa akin na nawalan ako ng gana, parang sabi ko, parang hindi na yata darating ’yong time ko.

"Tuwing sasali ako ng contest, di ba, siyempre, pinaghahandaan ko naman kahit sa mga fiesta, ’tapos kahit sa third place hindi ako pumasok, parang gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta minsan may nangyari po sa akin na halos lahat, sunud-sunod hindi ako nanalo, malas ako no’n, gano’n po.

"Kaya parang nawalan po ako ng gana no’n, ’tapos ’yong nanay ko na lang ’yong parang nagsabi sa akin na ’Sige subukan mo pa, di ba? Marami pa ’yan!’"

How do you maintain your good singing voice? Meron bang do’s and don’ts na kailangan gawin?

"A, sa isang singer naman po, importante naman talaga, e, pahinga, ’yon talaga, ’yong puyat, ’yon ’yong parang pinaka-kalaban ng isang singer po, e.

"Kumbaga sa akin naman ang pinakabawal lang para sa sarili ko po ay ’yong matamis, ganyan, at saka hindi rin po kasi ako mahilig sa chocolates.

"’Tapos hindi rin po talaga ako mahilig sa malalamig talaga, softdrinks, ganyan.

"Kumbaga ’yon ’yong parang pinaka-unang-unang nakakasira ng boses, saka siyempre ’yong bisyo, sigarilyo, gano’n."

Naging successful ’yong concert mo sa Skydome, bali-balita na masusundan na daw ito, sa Araneta na daw, totoo ba ito? How do you feel about it?

"A, siyempre talagang natutuwa naman ako, kapag naririnig ko na ang dami-daming nagre-request na sa’n daw, sa Araneta na.

"Pero, a, sinasabi ko nga po sa kanila na, ayoko naman pong madaliin, di ba? Gusto ko, kumbaga, one step at a time. Parang kanta ’yon, ha."

Napakanta pa ang singer ng "One Step at a Time" ni Jordin Sparks, "One step at a time, there’s no need to rush.…"

Pagkatapos kumanta, dagdag pa nito, "Gano’n po, kumbaga parang hagdanan lang, di ba? Hindi naman agad na puwede na nasa taas kaagad.

"Kailangan bawat baitang po, e, talagang inaakyat mo, di ba? Pero sana kung matutuloy, e, mabigyan po ng chance na magkaroon ng repeat ’yong first major concert ko, ayon inaayos naman po nila."

Ano ang sikreto mo, Angeline, at hindi ka nagbabago?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sikreto? Wala naman po, kumbaga, kasi ang dami naman, ang daming nagtatanong sa ’kin kung nagbago na daw ako.

"Kung ano naman po ’yong Angeline dati sa Star Power, ayon po, gano’n pa rin naman po ako hanggang ngayon.

"Saka siguro ’yong pinaka-sikreto ko talaga, e, kahit na anong gawin ko, lagi akong magdadasal po bago ko gawin ’yong bagay na ’yon," pagbabahagi ni Angeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN