Jamie Rivera to revive 80’s music through 80289: 80’s Music to the Max


The nostalgic concert series is slated for November 11, 18, and 19 at Music Museum, Greenhills, San Juan.


Matapos mag-release ng kanyang Inspirations album noong Abril nitong taon, nakatakda namang magtanghal ng isang retro-themed concert ang inspirational singer na si Jamie Rivera, kasama ang ilan sa kanyang mga sikat na mang-aawit noong 1980s.

Ang concert ay tinawag na 80289: 80’s Music to the Max, kung saan makakasama niya sina Lou Bonnevie, Gino Padilla, Juan Miguel Salvador, Chad Borja, at Ella May Saison.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Jamie kanina, Oktubre 14, sa presscon ng 80’s Music to the Max na naganap sa ’80s Café sa Sgt. Esguerra Cor. Eugenio Lopez St., Quezon City.

Para kay Jamie, refreshing ang project na ito, lalo pa’t mga 80’s hits ang kanilang aawitin.

"Na-referesh ngayon ’yong memory ko!" bulalas niya.

"Alam ko pa ’yong mga songs.

"I’m going back to the rhythm of the 80’s, it’s really nice."

TOP HITS. Nasa tatlong oras daw ang itatagal ng nasabing concert dahil na din sa dami ng kantang kanilang aawitin.

May ilang bahagi ang nasabing concert, pero dalawa sa highlights nito ay ang pag-awit nila ng mga top hits noong 80’s, at ang kanilang tribute para sa OPM songs.

Kuwento ni Jamie, "A, divided sa, for example music of the 80’s na mga theme songs, mga ganiyan, ’yong mga theme songs namin like sa Superman, from Star Wars, ’yong mga gano’n.

"Then, may mga number one hits no’ng 80’s, ’tas mayro’n din kaming OPM hits, gano’n.

"Tapos, in line with OPM hits, sa portion na ’yon dadating ’yong iba naming invited guest like sina Randy [Santiago] in-invite namin, hopefully Kuh Ledesma.

"Kasi medley-medley naman, e, hati-hati naman ’yan.

"But, we’ll be able to tackle all aspects like hits of the 80’s na nag-number one, na nag-number one sa movies, nag-number one sa charts, all number ones... all the familiar songs of the 80’s nandiyan lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga performance dates ng 80289: 80’s Music to the Max ay, Nobyembre 11 (Biyernes), 18 (Biyernes), at 19 (Sabado), alas otso ng gabi sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

Pahabol ni Jamie, kung mayroon man siyang gustong mangyari matapos ang concert, iyon ay ang mag-produce sila ng album na puro 80’s songs ang nilalaman.

"Well, depende ’yon kasi kani-kaniya kaming recording companies, ’di ba?" nakangiting sinabi ni jamie.

"So, I’m with Star Records, ’yong iba naman with Viva.

"So, hopefully if maging successful itong concert, maybe we could release an independent album."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN