Bugoy Carino feels sad as E-Boy comes to an end










E-Boy, starring Bugoy Cariño, is slated to end next Friday, April 13, 2012.


Simula noong January 30, napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang sci-fi drama series na E-Boy. Pinagbibidahan nina Bugoy Cariño at Deydey Amansec ang naturang palabas na tungkol sa mag-best friend na sina E-Boy (Bugoy) at Mio (Deydey). Sa unang pagkakataon, tampok na bida sa isang palabas ang isang batang robot na natutunan kung paano ang maging isang tunay na tao.


Nakilala ang E-Boy hindi lamang dahil sa computer animation effects na ginamit sa palabas, kundi dahil na din sa mga hatid nitong aral para sa buong pamilya tulad ng paggalang sa mga matatanda, pagsasabi ng totoo, pagpapatawad at pagmamahal nang walang kapalit.


Ayon sa data mula sa Kantar Media-TNS National Household Ratings, naging number 1 most watched primetime show ang E-Boy nang ipalabas ang pilot episode ito noong January 30, 2012. Natamo nito ang rating na 28.1 percent.

Sa mga huling araw ng E-Boy, makikilala na ang bagong robot na nilikha ni Gabriel (Ariel Rivera). Mabuti ba o masama ang maidudulot ng bagong robot na ito? Mabubuo pa kayang muli ang pamilya ni Gabriel ngayong patuloy na sinusuyo ni Miguel (Jomari Yllana) ang puso ni Ria (Agot Isidro)? Magtagumpay kaya sina E-Boy at Mio sa pagsagip kay Gabriel?


Nakatakdang magtapos ang sci-fi drama series na ito sa susunod na Biyernes, April 13, 2012.

Ang E-Boy ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na “Bida Best Kid” na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging ‘da best’ sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Noong March 30, nagkaroon ang PEP.ph at ilang press nang pagkakataon na mabisita ang taping ng E-Boy na ginanap saFairview. Masayang nakipagkulitan at nakapanayam ng press si Bugoy, na sa kasalukuyan ay 9 years old at Grade 3 sa kanyang paaralan. Siya ang bunso sa apat na magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong feeling mo na last two weeks na ng E-Boy?

“Nalulungkot po ako kasi halos lahat po ng tao nagustuhan at sinuportahan na yung E-Boy, tapos patapos na po pala.”

Anong feeling mo na ganun tinanggap ng mga tao ang E-Boy at ang taas ng rating?

“Siyempre masaya naman kasi ganun tinanggap ng tao ang show namin.”

Hindi ka ba nahirapang isuot yung costume ni E-Boy? Anong klaseng costume ba yung suot mo bilang si E-Boy?

“Hindi naman po. Parang fit na suit po yun na kulay blue tapos gina graphics na lang ako para mag mukhang robot talaga.”

Kung sa totoong buhay ba, bibigyan ka ng pagkakataon gusto mong maging robot?

“Opo, kasi yung robot ay hindi napapagod.”

Mahilig ka ba talaga sa robot? May mga koleksyon ka ba ng mga robot?

“Opo, mahilig po ako sa robot pero mga laruang kotse po ang hilig ko talaga i-collect hindi robot.”

Kamusta yung friendship nyo ni Deydey? Friends ba kayong dalawa?

“Okay naman po, close po kami.”

Ano talaga ang mas hilig mo sumayaw or umarte?

“Sumayaw po talaga.”

Sino ang idolo mo sa pagsasayaw?

“Sa local po si Jhong Hilario, sa international naman po yung Jabbawockeez.”

Bakit sila gusto mo sa pagsasayaw?

“Si Kuya Jhong po kasi nagagawa niya lahat, tumbling, hip hop, atbp.”

Bugoy, sino ang showbiz crush mo?

“Si Angel Locsin at si Angelica Panganiban po, kasi po maganda at sexy po sila.”

Sino yung hinahangaan mong artistang lalaki na gusto mong gayahin paglaki mo?

“Si FPJ [Fernando Poe Jr.] po kasi gusto talaga ng action. Saka po si Vhong Navarro, kasi magaling po siya drama, comedy, magaling din po sumayaw.”

Mula nang nag artista ka anu ano na yung mga nabili mo sa mga kinita mo?

“Kotse po, Grandia, kaso hulugan lang po yun.”

Hindi ba naapektuhan yung pag aaral mo sa pag aartista mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po, pag may assignment po ako, minsan dinadala ko yung libro sa taping at doon po ako nag-aaral.”

Kung papipiliin ka ano mas pipiliin mo ang pag-aartista or magtapos ng pag aaral?

“Siyempre po, ang magtapos ng pag-aaral. Kasi po pag nakatapos ka ng pag-aaral pwede ka naman bumalik sa pag aartista.”

Ano ang gusto mong maging paglaki mo?

“Gusto ko pong maging piloto.”

Mapunta tayo sa last two weeks ng E-Boy. Ano ang aabangan dito sa 2 weeks ng E-Boy? Ano yung mga mangyayari? Magiging totoong tao ka na ba?

“Marami pong kaabang abang na pangyayari. Mas maganda pa po dun sa mga una.”

Ano masasabi mo ngayon na sikat na sikat ka na at ang dami na nagpapa picture sa ‘yo?

“Siyempre po, sobrang saya kasi, di ko naman po akalain na madami magpapa picture sa ‘kin, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN