Kathryn Bernardo talks about her three leading men in Princess and I

















ABS-CBN's upcoming teleserye, Princess and I, stars (top frame, L-R) Gretchen Barretto, Kathryn Bernardo, and Albert Martinez as well as (bottom frame, L-R) Khalil Ramos, Enrique Gil, and Daniel Padilla.


Nagkaroon ng kanyang big break sina Kathryn Bernardo at Julia Montes nang magbida sila sa remake ng Mara Clara. Patuloy ang kanilang team-up bilang magkaibigan sa Growing Up. Ngayon ay nagkaroon na sila nang pagkakataon na gumanap sa kani-kanilang role bilang mga bida sa kani-kanilang teleserye. Marami tuloy ang nagkukumpara sa careers nilang dalawa. Bida ngayon si Julia sa Walang Hanggan kunsaan leading man niya si Coco Martin. Ngayon naman ay patutunayan ni Kathryn Bernardo ang kanyang galing bilang princesa sa bagong teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang Princess and I na mapapanood na simula Lunes (Abril 16).


Ito ang pinakabagong Filipino fairytale drama ng ABS-CBN na tampok din sina Gretchen Barretto, Albert Martinez, Dominic Ochoa, Enrique Gil, Daniel Padilla, at Khalil Ramos. Sa presscon na ginanap kagabi, April 11, ay nagkaroon ang ilang press at ng PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam si Kathryn Bernardo tungkol sa bago niyang TV series na kinunan pa sa Bhutan.

Ano ang role mo rito at ano ang pinagkaiba nito sa ibang teleseryeng ginawa mo?

“Kasi usually lahat ng ginagawa kong teleserye puro drama po, kakaiba po ito kasi eto ay isang fairytale drama na may pagka princesa yung story. E, since nung bata ako dream kong maging princess, tapos ngayon gagawin ko na yung role na yun. More on romantic story din dun nga po sa tatlong leading men ko na sina Khalil [Ramos], Enrique [Gil] at Daniel [Padilla]. Andyan yung story about the family pero hindi darating sa point na aapi-apihin ako tulad nang sa Mara Clara na before, ilulublob ako sa drama, so very different. Tapos yung karakter ni Mikay na very positive and happy go-lucky girl siya. Nakakatuwa ang gagawin ko rito kasi nakakapanibago sa ‘kin, nung first shooting day nga medyo nahirapan akong mag adjust.”

Fan ka ba ng istorya nina Cinderella at Snow White na mga princess story din. How do you compare yung karakter mo rito at yung istorya mo sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo parang ganun din, para ding Princess Diaries din yung dating na may pagka F4 (Flower 4), kasi may leading man nga ako hindi nga lang 4 pero tatlo sila. Yun nga yung sa story niya, very light at very Koreanovela na parang ganun yung pinapanood mo.”

Ano yung matutunan nung mga manonood sa Princess and I?

“Madami, pagdating pa lang sa family, finding who you are talaga. At kung paano mo iti-treat yung tao kung prinsesa ka. Saka kung kayo yung nasa posisyon ko, ano yung pipiliin mo sa buhay mo pag nalaman mong princess ka…yung normal life mo ba or yung pagiging prinsesa mo? Marami silang matutunan at the end of the day sa show na ito.”

Anong pakiramdam mo being a princess sa teleseryeng ito?

“Masaya, sobrang saya. At nag eenjoy kaming lahat lalo na costumes namin na very princess talaga. Yung paggalaw ko bilang princesa. Atsaka pag nakita mo yung set na ginawa nila sa San Juan na mala palasyo din yung dating, parehong pareho nung sa Bhutan, ang ganda talaga.”


Very light kasi kamo yung role mo rito, at alam naman natin na halos lahat ng bagong aktres ngayon striving to do serious roles, hindi ba parang hahanapin din nila sa ‘yo yung acting na ganun kesa yung very light na role mo nga rito?

“Hindi naman siguro, kasi feeling ko, yung pagkakaroon ng role na ganito, eto rin yung mag ba balance sa primetime, kasi makikita mo na, super bigat din nung mga eksena sa primetime, eto yung magba-balance at makaka hinga sila ng kaunti pag pinanood nila ito. Feeling ko rin naman, after ng proyekto kong ito, pwede rin naman ako gumawa ng serious roles kung gusto po nila, pero ngayon dito muna ako sa teenybopper na role.”

Marami ang nagsasabi na ang haba-haba ng buhok mo sa teleserye ito dahil tatlo ang leading men mo rito. Anong masasabi mo dun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa TV show lang talaga yun, nakakatuwa kasi makikita nyo ngayon sa tweeter na may mga nabubuong fans club tulad ng KatNiel [Kathryn-Daniel], KatEn [Kathryn-Enrique], at KatLil [Kathryn-Khalil], nakakatuwa kasi nakikita mo na very excited na sila na mapanood yung mga love teams namin. Bawat karakter din kasi nung kapartner kong guy, iba iba rin kasi yung aking atake. So, makikita nila yung kay Daniel na ‘cat and dog’ fight, iba rin yung kay Enrique sa pagiging prince niya at kay Khalil na best friend ko rito.”

Sino yung may pinakamalapit sa puso mo sa tatlo?

“Sa ngayon kasi parang barkada kasi kami, nagka bonding kami ni Enrique nung nasa Bhutan, then kay Daniel nung Growing Up, tapos kay Khalil, nung taping namin ng first week. Super close kaming lahat, e, hindi ko masabi kung sino talaga yung malapit sa puso ko.”

Paano mo ide-describe yung tatlong leading man mo behind the scenes?

“Si Daniel very little Robin Padilla talaga, ganun na ganun po siya, kung ano yung nakikita nyo ngayon sa kanya, ganun na ganun din siya sa set, very totoo. Si Enrique, siya yung kakikitaan mo ng passion sa lahat ng ginagawa niya, makikita mo yung eagerness sa pag arte sa bawat scene, siya yung isa sa mga hinahangaan ko, napapa wow ako pag kaeksena ko siya kasi madadala ka talaga. At kay Khalil, makikita mo na willing talaga siyang matuto at marunong siyang makinig kung ano yung dapat. Kung magaling siya sa singing makikita mong may chance din siya sa acting, kasi madali siyang matuto.”


Anong masasabi mo na very vocal si Daniel na gusto ka niya at crush ka niya?

“Medyo naiilang ako pag ganyan na yung pinag uusapan, pero nakaka flatter kasi may ibang humahanga sa akin na hindi lang yung family ko, meron ding ibang tao na nag eeffort sa ‘kin. So, thankful din kasi na makikita mo kay Daniel na sincere naman siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May sinabi pa si Daniel sa The Buzz na mayroon daw siyang nararamdaman sa ‘yo na hindi pa niya nararamdaman sa ibang babae, anong pakiramdam mo dun?

“Ang taray! Nakuryente po ako talaga! Ako kasi, kapag kasama ko silang lahat, kung ano lang ako ngayon, yun lang rin yung pinakikita ko sa kanila. Maasahan din naman akong kaibigan, na isang tawag mo lang, mag advice-san kita. Feeling ko more on friendship muna talaga.”

Paano kung manligaw silang tatlo sa ‘yo?

“Okay lang naman po, open naman po ako kung sino sa kanila yung manligaw sa akin, basta legal saka tulad ng sabi ko friends muna talaga kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN