Roseanne of Biritera bids goodbye this Friday, May 18

Biritera is slated to end this Friday, May 18. This GMA-7 priemetime series is topbilled by Dennis Trillo (left) and Roseanne Magan (right).


Isang engrandeng pagtatapos ang hinahanda para sa primetime drama series ng GMA-7 na Biritera.


Tumagal ng tatlong buwan ang Biritera sa ere simula nang ipalabas ang pilot episode nito noong February 6, 2012.

Kamakailan ay ginanap sa isang theatre sa Pasig City ang taping ng finale concert ni Roseanne, ang batang bida ng naturang palabas.

Mapapanood din sa nasabing concert ang nakakaiyak na duet nina Roseanne at ni Dennis Trillo na gumaganap bilang kapatid niya sa nasabing programa. Abangan rin ang pagperform nina Roseanne at ang kapwa nito child star na si Barbara Miguel para sa kanta na“Just Got Lucky.”

Speaking of “Just Got Lucky,” masuwerte pala itong si Roseanne dahil ayon sa kwento niya mismo kamuntikan na pala siyang hindi makasali sa audition noon para sa lead role ng Biritera dahil wala silang pamasaheng mag-ina papunta sa GMA-7 kung saan ginanap ang audition.

Mabuti nalang at may konting naipon ang ate ni Roseanne na P100 sa alkansiya nito kaya nakapunta sa audition si Roseanne. Para sa karamihan sa atin, siguro ang isang daang piso ay hindi naman kalakihan at ginagawa lang nating pampanood ng sine o pambili ng mamahaling kape, ngunit para kay Roseanne, ang halagang yun ang naging dahilan kung bakit sikat na siya ngayon.

Nakakatuwang malaman na kahit salat man sa buhay ay pinahahalagahan pa rin ng mga magulang ni Roseanne ang pag-aaral ng mga anak nila. Hindi hinayaan ng mag-asawa na makaapekto sa pag-aaral ni Roseanne ang pagte-taping niya sa Biritera.

Nalulungkot si Roseanne na malapit nang matapos ang Biritera at ayon mismo sa kanya, ipinagdarasal daw niya palagi na mabigyan pa siya ng break at patuloy na mapanood sa TV para kahit papaano ay makatulong siya sa kanyang pamilya. Nakakabilib hindi lang ang galing ni Roseanne sa pagkanta, maging ang pagnanais niya na maiangat ang estado ng buhay ng kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong Biyernes, May 18, na ang huling pagtatanghal ng Biritera. Mapapanood ito pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN