Carla Abellana almost fell off a horse while taping Makapiling Kang Muli

(From left) Sarah Lahbati, Mark Anthony Fernandez, Carla Abellana and Richard Gutierrez will topbill GMA-7's upcoming primetime series Makapiling Kang Muli.


Malaki ang pasasalamat nina Carla Abellana at Sarah Lahbati sa malaking proyekto na ito na ibinigay sa kanila ng GMA Network, ang Makapiling Kang Muli.

Bukod kasi sa malaking primetime teleserye ang kanilang gagawin, makakasama pa nila sa drama series na ito sina Richard Gutierrez at Mark Anthony Fernandez.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sina Carla at Sarah sa presscon ng Makapiling Kang Muli kahapon, May 29, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Annex Building sa Timog Ave., Quezon City.

Kung si Carla ay sanay na sa ganitong klase ng mga drama series, ito naman ang unang primetime show ni Sarah at talagang “challenging” daw ang kanyang role.

“Lahat ng nagawa ko o gagawin ko sa Makapiling Kang Muli is first time ko pong gagawin, at hindi ko pa nagagawa before sa past roles ko.

“A, talagang challenging, honestly, dahil si Graciela, she comes from a broken family and kumbaga may pagka-cold hearted somehow.

“But, ‘yon nga, ang dami kong mabibigat na scenes, but I’m thankful na ang huhusay ng mga kasama kong artista, magaan sila katrabaho at hindi nila pinapabayaan ang isa’t isa.

“Well, it’s a challenge, of course.

“But I love challenges, I love being challenged, ayaw ko na parang nandyan lang ako sa straight line, hindi nage-effort.

“Gusto ko laging may progress, laging may bago, laging may bagong challenge.”

WORKING WITH RICHARD. Ang Makapiling Kang Muli ang comeback ni Richard Gutierrez sa paggawa ng mga teleserye.

Ito rin ang unang pagkakataon na makatrabaho nina Carla at Sarah ang aktor.

“First taping day, first eksena ko, kissing scene kaagad!” bulalas ni Carla nang kamustahin namin ang working relationship nila ni Richard.

“Na-ano lang na, ‘Ano ba ‘yan, kissing scene agad!’ Pero ‘yon nga sabi ko ice breaker nga, at least tapos na, gawa na, at least comfortable na kami sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, okay naman, wala namang ilangan.”

Pinuri din ni Carla ang pag-arte ng Kapuso actor.

“Ay, magaling, in fairness!

“A, makikita mong sobrang seryoso siya sa craft niya, ‘tapos magaan katrabaho.

“He’s very gentleman, he’s a gentleman and sobrang bait, magaan kasama at katrabaho.”

Samantala, kinuwento naman ni Sarah kung paano siya tulungan ni Richard sa kanilang mga eksena.

“‘Yon nga po, sa scenes namin sa story, magme-meet kami na pareho kaming broken hearted, and hindi talaga ako maka-relate dahil hindi pa naman nangyayari ‘to sa akin sa totoong buhay.

“But I’m thankful because hindi naman niya ako pinapabayaan, tinutulungan niya din ako sa scenes, and he’s very professional.

“He’s also a gentleman na na-appreciate ko talaga dahil siyempre, 2012 na, di ba? Kulang tayo sa mga gentleman.

“But aside from that he’s professional, nice and magaan din na kasama, katrabaho.”

HORSEBACK RIDING ACCIDENT. Samantala, hangang-hanga naman si Carla sa ganda ng Calatagan, Batangas kung saan nila kinunan ang teleserye.

Para na rin daw sila nagbabakasyon habang nagta-trabaho sa ganda ng view sa lugar na iyon. Nagkaroon ang mga cast members ng horseback riding lessons bilang preparasyon sa action drama series na ito na set sa isang ranch.

Ngunit, bukod sa magandang view, isa sa mga hindi makakalimutan ni Carla sa lugar na iyon ay kamunti-muntikan na niyang pagkahulog sa kabayo.

Kuwento ng aktres, “‘Yong kabayo natapilok kasi may lubak do’n sa field.

“So, nasubsob siya sa harap, tumama ako paharap, napakapit ako sa leeg niya. Buti nakabawi siya, pagbangon niya, bumangon na din ako.”

Mula daw nang mangyari ang aksidenteng iyon ay lalong naging mahigpit ang buong production team sa paggawa ng mga eksena.

“Pero after that event mas naging careful na kami, lagi kaming nire-remind ni Tito Ricky [Davao] na safety first, kung talagang hindi kaya ‘wag pilitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Our safety and our health is number one priority, ‘tapos siyempre nandyan ang production at si Tito Ricky [Davao] para suportahan kami.

“Pero siyempre, you also look after yourself.”

THE STORY. Ang Makapiling Kang Muli ay kuwento na iikot sa pag-ibig, kapangyarihan, pamilya, at paghihiganti.

Sina Martin (Richard Gutierrez) at Leilani (Carla Abellana) ay matalik na magkaibigan simula pa ng kanilang pagkabata.

Dating magkaibigan naman sina Martin at Louie (Mark Anthony Fernandez), ngunit nagkaroon sila ng alitan na siyang dahilan upang masira ang kanilang pagkakaibigan.

Ngunit sa pagbabalik ni Louie, makikilala niya si Leilani at magkakagusto dito, ngunit hindi siya papansinin ng dalaga.

Makikipag-ayos si Louie kay Martin upang gamitin itong mapalapit siya kay Leilani, at dahil sa kagustuhan magkaayos sila’y papayag si Martin.

Ngunit sa gagawin niyang iyon ay aaminin na ni Leilani na si Martin ang mahal nito, at doon din mapagtatanto ng binata na umiibig na siya sa kanyang matalik na kaibigan.

Ang pagkakaibigan nila’y masisira nang pumanaw ang ama ni Leilani, at ang sinisisi ng dalaga ay si Martin dahil siya lamang ang pinagsabihan niya ng sikreto ng kanyang ama.

Aalis ang pamilya nina Leilani, at doon makikilala ni Martin si Graciela (Sarah Lahbati) na kasintahan ni Louie na taga-Maynila.

Pareho silang bigo sa pag-ibig, dahilan upang mahulog ang loob sa isa’t isa. Ngunit bago pa man nila maamin ito’y gagawa na ng paraan si Louie upang tuluyan ilayo si Graciela kay Martin.

Matapos ang ilang taon ay makakalaya si Martin, magkaka-ayos sila ni Leilani, at muli silang babalik sa rancho ng mga Valencia upang maghiganti.

Sa kanilang pagbabalik, maharap kaya ni Martin si Graciela na kasal na kay Louie? Maamin kaya ni Leilani na si Martin pa din ang mahal niya bagamat may kasintahan na siya? Ituloy pa kaya ni Martin ang paghihiganti niya sa pamilya Valencia kapag nalaman na niya ang kanilang lihim?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga tanong na ito’y masasagot sa pagsisimula ng Makapiling Kang Muli sa June 6, Lunes, pagkatapos ng Luna Blanca sa Primetime Telebabad ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN