Alden Richards and Louise delos Reyes dubbed as Prince and Princess of GMA-7's primetime block

Louise delos Reyes (left) and Alden Richards (right) are dubbed as GMA-7’s newest “Primetime Princess and Prince” as they topbill the primetime soap opera One True Love. It will start airing this Monday, June 11.


Ang bagong Primetime Prince at Princess ng GMA-7 na sina Alden Richards at Louise delos Reyes ang bida sa kanilang pinakabagong primetime drama show, ang One True Love.

Ito ang unang pagkakataon na magiging lead stars sina Alden at Louise sa isang primetime soap opera ng Kapuso network.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sina Louise at Alden sa presscon ng One True Love kahapon, June 6, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

“Naiiyak ako backstage!” naluluhang kuwento ni Louise.

“Kasi para sa akin kasi para siyang dream come true. Pinapangarap ko siya talaga.

“Tapos parang mayro’n pang parang tag sa akin na next big leading lady, so sobrang pressured ako ngayon sa mga natatanggap kong papuri dahil kailangan kong i-maintain ‘yon, and kailangan ko talagang i-meet ang expectations nila para sa akin.”

Si Alden naman, hindi pa rin makapaniwala sa malaking proyektong ipinagkatiwala ng GMA sa kanilang love team.

“Sobrang unbelievable po ‘yong feeling and mixed emotions.

“Hindi ko po alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng magandang nangyari sa isang taon ko po sa showbiz. Sobrang natutuwa po ako.”

DREAM COME TRUE. Inamin ni Louise na matagal na niyang pinapangarap na mabigyan ng ganitong kalaking role.

Kaya naman ng ialok sa kanya ang proyektong ito’y hindi na niya nagawang tumanggi.

“Unang-una po, sobrang maganda ‘yong story, ‘yong outline ng story na siguro kahit sinong artista hahainan ng ganitong story, hindi nila mahihindian.

“And sobrang drama po ito, e, ‘yon ‘yong feeling kong forte ko, kaya hindi ko siya mahindian, and primetime show po siya na pagbibidahan mo, sino ba naman po ba ang tatanggi?”

Baguhan pa lamang sa industriyang ito si Louise, at gayundin ang kanyang on-screen partner na si Alden.

Hindi kaya masyadong maaga na bigyan sila ng ganitong kalalaking proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po, e,” bulalas ng batang aktres.

“Sa akin po talaga grab the opportunity agad kasi minsan lang kumatok sa’yo ang opportunity na mag-bida sa isang primetime na show.

“Kaya ginrab ko na agad siya and ang gagawin ko na lang ay paghandaan ang lahat ng taping days ko, at talagang mahalin ang soap na ito.”

PRIMETIME PRINCE AND PRINCESS. Ngayong hinuhubog na sila bilang bagong “Primetime Prince at Princess” ng GMA, parehong nakakaramdam ng “pressure” ang magkapareha.

“Ako naman po ginagawa ko lang po ang trabaho ko,” sagot ni Louise nang tanungin kung handa na siyang makumpara sa ibang tinaguriang Primetime Queen at Princess.

“Hindi ko po iniisip ang competition kung sino ba talaga tunay na primetime queen or princess, wala sa akin ‘yon.

“Basta ako nagta-trabaho ako, mahal ko ang trabaho ko. Ang kakompetensya ko lang, ang sarili ko.”

Habang si Alden naman, hindi matago ang kaba sa titolong ibinigay ng kanyang home network.

“Naku sana po magawa ko, sana po magampanan ko ‘yong title and expectation sa akin ng GMA,” nangingiting sinabi ni Alden.

“Kasi talagang sa lahat po ng binibigay nila sa akin, binibigay ko po talaga lahat, lahat po talaga ng oras, ng effort ko.

“Kasi nag-stop po ako ng schooling for showbiz, so talagang seseryosohin ko po ‘to.

“So, sana po mag-pay off po lahat ng effort na binibigay ko dito sa trabaho ko and hindi ko po bibiguin ang GMA network.”

STRONG LOVE TEAM. Limang programa na ang pinagsamahan ng love team nina Alden at Louise.

Nagsimula ang kanilang tambalan sa Alakdana (2011), sinundan Tween Hearts, at kasama rin silang nagpakilig sa My Beloved (2012).

Nakarating na rin sa pinilakang tabing ang kanilang pagsasama nang gawin nila ang horror film na The Road (2011).

Ngayong panibagong malaking proyekto na naman ang ibinibigay sa kanila ay lubos ang tuwa at pasasalamat ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Alden, “Masarap lang po sa feeling, kasi since po na nag-start po kami sa Alakdana before, kami pong dalawa.

“So, at first sabi ko, sana after nitong Alakdana magkaroon pa ako ng next na mga projects, kasi talagang mahal na mahal ko po ang acting talaga.

“Sobrang dream ko po talaga maging artista, and ‘yong kami ni Louise na project after project, kami pa rin po talaga ‘yong nagkakatrabaho makes me feel comfortable po.

“Kasi ‘yong love team namin naba-back up-an ng support ng network and from the viewers, so sana po talaga mag-work ‘yong One True Love.”

Kung tatanungin naman si Louise kung paano nagtagal ng ganito ang kanilang love team, sa palagay niya’y “sa amin po kasi sobrang matibay ang pundasyon ng friendship.”

Pagpapatuloy pa niya, “konting galaw lang ng isa alam na namin kung bakit nagkagano’n, ‘yong bawat reaksyon namin alam na namin kung saan nagmumula.

“‘Yon ang maganda sa amin, ang foundation namin masyadong solid na sa tingin ko sa ibang love team walang gano’n.”

THE STORY. Ang reel love team na sina Alden at Louise ay gaganap bilang sina Tisoy at Elize.

May mabubuong pagtitinginan sa pagitan nila buhat ng sila’y magkita. Ngunit ang pag-iibigan na ito’y hahadlangan ng lihim ng nakaraan.

Si Carlos (Raymond Bagatsing) ay nagkaroon ng kasintahan sa katauhan ni Ellen (Jean Garcia), habang siya’y kasal kay Leila (Agot Isidro).

Ang pagtataksil na ito ni Carlos ay madidiskubre ni Leila, at lalo pa niyang ikagagalit nang malamang may anak ang kanyang asawa sa kalaguyo nito.

Kaya naman nagkasundo sina Carlos at Leila na aampunin ang anak niya kay Ellen, na noong una’y sinang-ayunan ni Ellen, ngunit sa huli’y tatanggihan na nito.

Ang hindi nila alam, pinagpalit ni Leila ang anak na lalaki nina Carlos at Ellen sa isang batang babae, at ipamimigay ang batang lalaki sa ibang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa makalaya si Ellen at mapangasawa si Mayor Henry Sandoval (Bembol Roco), na siyang tutulong sa kanya na maghiganti kina Carlos at Leila.

Mahahadlangan ba ang pagmamahalan nina Elize at Tikoy ng mga lihim ng nakaraan? Mananaig ba ang paghihiganti laban sa pagmamahal ng isang ina? Pera at kapangyarihan nga ba ang magdidikta sa puso?

Alamin ang kasagutan sa mga katanungang ito sa pagsisimula ng One True Love sa Lunes, June 11, pagkatapos ng Makapiling Kang Muli sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN