Celebrity kin among the hopefuls for TV5 talent search show Artista Academy

Former Star Magic talent Angelo Patrimonio (left) wants to give showbiz another shot while Alvin Abrenica (middle) was inspired by his brother Aljur Abrenica to join showbiz. Kenneth Alex Anderson (right) wants to get out of brother Gerald Anderson’s “shadow.” Find out if these three boys will be part of the Top 16 finalists of Artista Academy, which will start airing on July 16.


Bawat isa ay may karapatang mangarap.

Ito ang pinatunayan ng kamag-anak ng ilang sikat na personalidad na nag-audition para sa talent search show ng TV5 na Artista Academy.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga kabataang ito kahapon, Hunyo 19, sa audition ng Artista Academy sa Smart Araneta Coliseum, sa Cubao, Quezon City.

ANGELO PATRIMONIO. Bagamat dati siyang Star Magic talent at napanood sa ilang palabas ng ABS-CBN, pinili ni Angelo Patrimonio na subukan ang kanyang suwerte sa showbiz sa pamamagitan ng pag-audition sa TV5 show na ito. Si Angelo ay panganay na anak ng sikat na basketball player na si Alvin Patrimonio.

Sumubok si Angelo na mag-audition sa Artista Academy dahil sa payo ng kanyang manager na si Neil de Guia.

“Uhm, kasi ‘yong manager na ang bahala.

“Kasi di ba may experience na ako dati sa ABS na nagka-show, youth-oriented show.

“Ang kasamahan ko do’n sina Enchong [Dee], sila Victor basa, sila AJ [Perez], ‘yon nasimulan ko na ang acting simula no’n.

“So, since tapos na ang school ko, gusto ko na bumalik.”

Kinamusta rin namin ang kanyang kapatid na si Tin Patrimonio, na isa sa mga housemates sa Pinoy Big Brother Unlimited (2012).

“Kailangan pa niya maghanda, naglu-lose pa siya ng weight,” ang maikling sagot ni Angelo.

KENNETH ALEX ANDERSON. Isa rin sa mga nag-audition ng araw na iyon ang nakababatang kapatid ni Gerald Anderson na si Kenneth Alex Anderson.

“Ever since na sumali si Gerald sa PBB [Pinoy Big Brother], I have always been in his [Gerald] shadow,” sagot ng 20-year-old aspiring actor.

“I have always been in his shadow and I think this competition will help me get out of that shadow and be the person I want to be.”

Tatlong linggo pa lamang dito sa Pilipinas si Kenneth, na sa United States talaga nakatira at nag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap niya daw ang kuya niya tungkol sa biglaang plano niya na mag-audition para sa naturang programa.

Payo raw sa kanya ni Gerald, “be yourself. ‘Yon din ang advice sa kanya ng dad ko when he joined PBB, just be yourself.”

Kanya rin ikinaila na ang pago-audition niya’y sa programa ng TV5 ay hindi para makipagkompitensya sa kanyang kapatid.

Gayunman, handa na raw siya na makumpara dito, lalo na’t nauna sa showbiz si Gerald.

“You know, it has always been a competition. Kahit saan ka naman it has always been a competition, kahit sa ABS-CBN.

“When I joined this, I didn’t think na I’m on a competition with my brother.

“Uhm, it is what it is. Pero between me and my brother, we’ll always be brothers no matter what, no matter what our work is, we’ll always be brothers and we’ll always love each other.”

ALVIN ABRENICA. Huli naming nakapanayam si Alvin Abrenica, ang nakababatang kapatid ng GMA-7 star na si Aljur Abrenica.

Kung dati’y ayaw siyang payagan ng ama na pumasok ng showbiz, ngayon ay wala na siyang problema dahil ga-graduate na siya sa darating na June 30, sa kursong Culinary Arts mula sa Global City Innovative College.

“Kasi I believe po na this is a fresh start, fresh na channel, fresh na TV show, ‘tapos fresh din po ako, starting,” tugon ni Alvin nang tanungin kung bakit niya naisipan na mag-audition.

“Then, nalaman ko po na maganda ‘yong ano, na ang AA [Artista Academy] po pala ay course. Then, ayaw ko po mag-shortcut, gusto ko po matuto in a proper way.”

Nagkausap naman daw sila ng kanyang Kuya Aljur bago ang araw ng audition, at sinabi raw nitong maging handa siya sa “maraming sacrifices” na dapat niyang gawin.

Pero nilinaw din ng binata na ang pago-audition niya sa Artista Academy ay hindi dahil gusto niyang makaiwas sa pagkukumpara sa kanya kay Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Kasi ano, iba rin naman po kasi ako, then iba din po siya.

“Gusto ko po makilala ako ng may sariling identity din po ako kaysa kay [Kuya]. Minsan po Aljur na rin pangalan ko, e, tinatawag ako, ‘O, Aljur!’

“Kasi lalo na magkasunod kami, e, so mas feel ko talaga ‘yong comparison. Pero imbes na selos, mas nangingibabaw ‘yong love sa amin as brothers.

“Kasi sobrang close namin, ‘yong damit ko ngayon, sa kanya lahat ‘to, and ‘yong mga damit ko sa kanya rin.

“So, gano’n kami ka-close, hindi ako naiinggit. When he gets something, mas masaya ako para sa kanya, kasi nga I love him and he’s my brother.”

At ang pagkakaiba nila: “A, sa personality po siguro si Kuya serious type, e, ako medyo kalog na may topak ako, e.”

Palarin kaya sina Angelo, Kenneth at Alvin sa bagong talent search show ng TV5?

Abangan kung sino ang 16 finalists na magkakaroon ng pagkakataong tanghalin na Best Actor at Actress, at mag-uuwi ng P10 million each plus ang chance na magbida sa bagong teleserye ng Kapatid Network.

Abangan ang Artista Academy kapag nagsimula itong umere sa TV5 on July 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN