Angeli Gonzales recalls lessons she learned from the late Comedy King Dolphy

“Sabi po ni Tatay, maging mapagkumbaba, rumespeto sa kapwa, at laging magpasalamat sa Diyos sa mga kaloob Niya," says Angeli Gonzales about the things she learned from her Tatay Dolphy.


Isa si Angeli Gonzales sa mga batang artista na nalungkot sa pagpanaw ni Comedy King Dolphy.

Ang LUV U ay naging malapit sa yumaong batikang komedyante nang magkasama sila sa dating sitcom na Home Along da Riles. Gumanap siya bilang si ABK, ang apo ni Kevin Cosme (Dolphy).

Sa pagkawala nga ng kanyang “Tatay,” ginunita ng Angeli ang mga masasayang alaala at pangaral na natutunan niya mula kay Pidol noong magkasama pa sila sa Home Along Da Riles.

Ayon sa teen star, may malasakit at maalalahanin si Dolphy sa kanyang mga kasamahan.

“Palagi niya po akong kinakamusta at saka yung pag-aaral ko lagi niyang sinasabing galingan ko,” sabi ni Angeli.

Ibinahagi rin ng LUV U star ang mga itinuro sa kanya ng Hari ng Komedya.

“Sabi po ni Tatay, maging mapagkumbaba, rumespeto sa kapwa, at laging magpasalamat sa Diyos sa mga kaloob Niya.

“Hindi man mayaman si Kevin Kosme, pinayaman niya naman po ng aral ang puso ko at ng bawat taong pinukaw niya.”

Samantala sa LUV U ngayong Linggo, nagbalik-tanaw ang barkadahan sa mga masasayang alaala nila noong nakaraang tag-ulan sa kanilang pagkaka-trap sa elevator.

Matagal silang matatrap sa elevator pero habang nakakulong, maiisip nila ang mga pangyayaring nagbigay-ngiti sa kanila.

Maging daan kaya ito sa pag-aayos nina April (Angeli) at Boom (CJ) na nagkatampuhan nang dahil sa pabango? Abangan ito at ang iba pang mangyayari ngayong Linggo (July 15) sa LUV U, 3:15 p.m. pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN