Who will battle for the big artista break in Protégé Season 2?

Protégé Season 2 is hosted by Carla Abellana, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, and Maxene Magalona. Serving as the mentors are Roderick Paulate, Gina Alajar, Phillip Salvador, Jolina Magdangal, and Ricky Davao. Serving as the judges this season are Cherie Gil, Bert de Leon, Joey de Leon, and GMA Films president, Atty. Annette Gozon-Abrogar.


Sa unang linggo ng Inside Protégé ng GMA-7, ipinakita ang iba’t-ibang mukha at iba't-ibang emosyon ng mga nangangarap na artista sa Protégé Season 2 auditions. Sa pagtatapos din ng bawat episode may pasilip sa kung sino ang shortlisted candidates ng bawat region.

Nakahanap ang PEP.ph ng insider sa programa at nagbigay siya ng exclusive info tungkol sa mga auditionees na malamang ay mapipili sa naturang artista search ng Kapuso Network.

Sino-sino nga ba ang pipiliin ng mga mentors? Kilalanin sila ngayong Linggo, August 5, sa kauna-unahang Gala Night ng Protege. Mapapanood ito sa GMA-7 pagkatapos ng iBilib.

Sundan ang kani-kanilang kuwento sa Tunay na Drama ng Buhay Artista, sa Inside Protégé, bago ipalabas ang One True Love.



ASPIRING PROTÉGÉ, NAPAGSALITAAN NG MENTOR!

Nagmarka ang audition ng bagets na ito dahil nakipagsagutan siya sa kanyang inaasam na mentor. In fact, napagsalitaan siya ng batikang actor, pero bilang eksena lang naman.

Maganda ang track record niya sa school, member ng basketball at volleyball varsities (take note, nang magka-sabay) at tumutugtog ng gitara among other instruments. Mapili kaya siya ng mentor na nakasigawan niya sa eksena?

HUNK, MAS PINILI ANG MAGING-PROTÉGÉ KESA MAG-BOARD EXAM

May isang hunk na tinapos ang kursong Nursing para sa kanyang mga magulang. Makapasa lang sa board exams ay registered nurse nasanasiya.

Pero matapos malaman na may auditions for Protégé ay nagdesisyon itong isantabi muna ang pagiging registered nurse at subukang abutin ang matagal na niyang pangarap na maging artista.

Likas daw itong mahiyain ngunit kapag sumasampa na sa stage bitbit ang kanyang gitara ay nagta-trasnform ito into a performer. Ang clue lang na naibigay sa amin ay nag-front act daw ito recently sa isang show ni David Pomeranz.

ASPIRING PROTÉGÉ, GUSTONG MABAWI ANG DALAWANG ANAK

Sa unang tingin ay mukhang iyaking bunso ang shortlisted contestant na ito, pero sa kabila ng kanyang kamusmusan ay siya raw ang tumatayong substitute parent sa kanyang apat na nakababatang kapatid na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw kayang alagaan ng mga magulang ang kanyang mga kapatid kaya kahit kinse anyos lang siya ay inako na niya ang responsibilidad na ito.

Sa ngayon ay “ipinahiram” daw muna ng mga magulang niya ang dalawa sa mga kapatid sa ibang kamag-anak habang siya ay nasa competition. Ultimate dream nito na magtagumpay sa artista search upang mabawi na niya ang mga kapatid na itinuturing din niyang "mga anak."

ANAK NG PRESO, GUSTONG MAG-ARTISTA


Noong nakita namin ang larawan ng ikalawang babae sa Top 40 ng Protégé, napansin namin na may hawig siya sa isang doctor-model-actress. Agad kaming na-intriga at tinanong ang kanyang background. Apparently, ang nanay niya ay nakulong na nang dalawang beses dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Naikuwento din ng naturang contestant na hindi niya raw ikinahihiya ang kanyang nanay na kasalukuyang nakapiit dito sa Maynila, dahil mahal niya ito sa kabila ng pagkakamaling nagawa. Sa pangyayaring ito rin siya humuhugot ng lakas ng loob upang makipagsapalaran nang buo ang loob sa Protégé.

BINATA, GUSTONG MAG-ARTISTA PARA MAKASAMA ANG SHOWBIZ GIRLFRIEND

Pangarap niya noon pa ang maging singer-actor, pero hindi siya nakasama sa final list of contestants sa nagdaang singing search. Sumali siya sa Season 2 ng Protégé upang magkita na silang muli ng girlfriend na isang baguhan din sa telebisyon.

Hindi pinangalanan ng aspiring protégé ang showbiz girlfriend but clues lead us to a regular cast member of Party Pilipinas.

SK OFFICIAL, MAY PINAGTATAKPAN?

Isa sa mga napipisil na mapabilang sa Top 20 ay isang Sangguniang Kabataan chairman sa isa sa mga probinsiya dito saLuzon. Mula siya sa pamilya ng mga pulitiko, at siya mismo ay nagsisilbing SK official sa kanilang barangay.

Bata pa lang ay nagkahiwalay na ang kanyang mga magulang dahil ang tatay nito diumano ay lulong sa masamang bisyo.

ISLAND PRINCESS, MAY HIDWAAN SA PAMILYA NG NANAY NIYA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nanay niya ay dating tindera ng isda sa palengke bago nito nakilala ang manliligaw na Austrian. Matapos makasal, ang finalist na ito ang pangalawang bunga ng pagmamahalan ng mag-asawa.

Lagi daw nakakadinig si Island Princess ng paninira sa pagkatao ng kanyang nanay, kaya mas minabuti daw nitong huwag na lang mapadaan sa side na iyon ng islang tinitirahan niya kaysa sa masopla niya yung mga naninira sa nanay niya.

Pero inexplain ni Island Princess na hindi siya nagmamaldita, kundi umiiwas lang na malagay sa alanganin sila ng nanay niya sa mga kamag-anak nito.

BARBIE FORTEZA LOOK-A-LIKE, ITINANGGI ANG PABORITONG KAPATID

Isang auditionee ang may strong resemblance sa Tween Hearts star na si Barbie Forteza. Sa audition niya ay napag-alaman ng aming source na kinulit niya ang kanyang younger brother na samahan siya sa auditions bilang “good luck charm.”

Pero nang maka-one on one na niya ang inaasam niyang mentor ay wala raw siyang favorite na kapatid.

Napagsabihan tuloy ito ng mentor na okay lang umamin na may favorite sibling siya, dahil si mentor mismo ay may favorite kapatid sa 101 nitong mga kapatid. Ang dami!

BATANG OFW, MATAPOS MAG-SAKRIPISYO PARA SA PAMILYA, SARILING PANGARAP NAMAN ANG PINUNTIRYA

Isang dating OFW ang nakapasok mula saLuzonauditionees. Kumuha ito ng kursong may kinalaman sa aircraft maintenance, pero hindi nito natapos ang pag-aaral dahil nang siya ay tumungtong ng 18 years old ay tumulak ito papuntangAustraliapara sa scholarship at para makakuha ng trabaho.

SaAustralia, nagtrabaho ang “Batang OFW” bilang janitor, dishwasher at construction worker.

Pero isang taon lang siya nagtagal sa Land Down Under dahil nagkasunod-sunod ang pagkakasakit nito at sa pagka-homesick, na nararanasan din ng iba nating mga kababayan sa abroad.

Ngayon na nasa Pilipinas na siya ulit, pagbibigyan daw muna niya ang matagal nang pangarap: ang maging isang sikat na artista.

PINAY NA MAGKAPATID FROM HOLLAND, NA-BULLY SA HIGH SCHOOL

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang magkapatid na Pinay ang lumaki saHollandat umuwi ng Pinas, mga limang taon na ang nakakalipas.

Dito, nag-aral sila sa isang public school. May apat na taon ang agwat ng magkapatid, kaya lalo nilang di naipagtanggol ang isa’t isa laban sa mga bully sa eskwela.

Inireklamo raw ng kanilang magulang ang pambu-bully na ito sa school, dahil pati sa Internet ay pinagtri-tripan ang magkapatid, pero wala raw diumanong aksyon na nagawa ang paaralan para protektahan sila.

Sa ngayon ay nagho-homestudy na ang magkapatid para maiwasan ang karanasang iyon.

KAMBAL NA LALAKI, MAGKAKAMBAL SA HIRAP AT KALOKOHAN

Isa sa dalawang magkapatid na kambal ang napipisil ng isang mentor bilang isa sa kanyang magiging protégé na lalaki. Maliban sa magkamukha, magka-ugali din ang magkapatid. Sila ang matalik na magkaibigang magkasama sa hirap at kalokohan. Recently ay nawalan ng trabaho ang tatay nila at ang pinagkaka-kitaan ng pamilya ay ang pagtitinda ng kwek-kwek.

Medyo kilala ang magkapatid na ito sa kanilang lugar. Sa katunayan ay naging trending topic sila Twitter, ilang araw matapos umere ang kanilang audition videos.

DATING HEREDERA, NAMUMULUBI NA?

Isa siya sa may pinaka-magagandang mukha at memorable audition videos na umere sa Inside Protégé. Sa kanilang munting isla, kilala ang kanilang pamilya dahil sa kanilang mga negosyo noon. Maliban dito ay pumasok din kasi ang tatay niya sa pulitika.

Bago mag-Pasko noong 2011 ay saka lamang nalaman ng Dating Heredera na maliban sa nauubos na ang kanyang mamanahin ay mawawalan pa sila ng tirahan at nagtatago na ang kanyang nanay sa ibang bansa, upang umiwas diumano sa kahihiyan.

Pakiramdam ng Dating Heredera ay kailangan niyang tulungan ang kanyang tatay na isalba ang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN