Kapamilya stars unite for Liwanag ng Pasko: ABS-CBN Christmas Special

Isang gabi na puno ng kantahan, sayawan at tawanan ang naganap noong Disyembre 11, 2012 sa Smart Araneta Coliseum para sa Christmas special ng ABS-CBN. Dito’y nagsama-sama ang mga Kapamilya stars upang magbigay saya at tuwa sa lahat bago sumapit ang kapaskuhan.


Isang star-studded event ang handog ng ABS-CBN upang paligayahin sa mga Kapamilya bago ang kapaskuhan.

Isang gabi na puno ng kantahan, sayawan at katatawanan ang inihanda nila para sa mga Kapamilya na walang sawa na sumuporta sa kanila sa isang buong taon.

Kagabi, Disyembre 11, ay ginanap ang Liwanag ng Pasko: ABS-CBN Christmas Special, sa Smart Araneta Coliseum, at isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga nakapanood nang gabing iyon.

SONG AND DANCE NUMBERS. Siyempre, unang ibinida noong gabing iyon ng mga Kapamilya talents ang kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw.

Simula pa lamang ng programa ay hiyawan na ang mga manonood sa paglabas ng mga singers na sina Christian Bautista, Martin Nievera, Jed Madela, Erik Santos, Piolo Pascual, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Toni Gonzaga, Zsa Zsa Padilla, Zia Quizon, at Yeng Constantino.

Nandiyan din ang mga "Kapamilya Rockers"— Sam Milby, Vina Morales, Nyoy Volante, Paolo Valenciano, Jovit Baldivino, Karylle, Sam Concepcion, Yeng Constantino, Aiza Seguerra, at Bamboo Mañalac.

Inawit nila ang mga hit singles ng mga bandang The Script, Coldplay, at ng mga solo artists na sina Pat Benatar, Pink, Reo Speedwagon, at Bon Jovi.

Napapaindak naman ang lahat sa inspiring song and dance numbers ni Gary Valenciano kasama ang mga kid stars ng ABS-CBN tulad nina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Mutya Orquia, Louise Abuel, Bugoy Cariño, Blythe Cariño, at ang Goin Bulilit kids.

Ilang OPM Christmas songs naman ang kinanta nina Karylle, Richard Poon, Christian Bautista, Jericho Rosales, Sitti, Princess Velasco, Juris Fernandez, Kean Cipriano, Aiza Seguerra, at Zia Quizon.

Kaya naman ang mga tao, ramdam na ramdam ang Kapaskuhan habang sinasabayan pa sila sa pag-awit ng mga Tagalog Christmas songs.

JURIS FALLS DOWN A STEP. Ang isa sa mga pinakahinangaan ng lahat ay ang pagpapatuloy ng pagkanta ni Juris kahit nagkaroon siya ng minor mishap onstage. Habang pababa ng hagdan, naapakan ni Juris ang dulo ng kanyang damit at dahil dito ay napaupo siya sa stage. Sa kabila nito, patuloy pa rin sa pagkanta si Juris at hindi itinigil ang kanyang pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman ang ginawa ng mga ka-duet niyang sina Sitti at Princess ay umupo sa tabi niya at nagpatuloy sa pagkanta.

Tila inspired naman mula sa pelikulang Step Up Revolution ang song and dance number nina Toni Gonzaga, KC Concepcion, Jhong Hilario, Young JV, Iya Villania, Gab Valenciano, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Gloc 9, at Nikki Gil.

Ang mga miyembro ng Showtime first grand winner na XB Gensan ay pumunta sa audience upang hikayatin at sabayan ang mga manonood sa pagsayaw.

At dahil ang Pasko ay mas masayang ipagdiwang kasama ang pamilya, ang mga kantang inawit nila Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, at Lea Salonga sa second to the last performance ng gabing iyon ay puro may title na “Home.”

THE DIVAS. Isang matinding biritan naman ang nasaksihan nang lahat sa naging performance nina Lea Salonga, Lani Misalucha, Sarah Geronimo, at Angeline Quinto.

Isang tribute para sa dalawang legendary singers na sina Whitney Houston at Donna Summers na pumanaw ngayong taon.

Inawit nila ang ilang hits ng dalawang mang-aawit tulad na lamang ng “I Wanna Dance With Somebody” at “No More Tears.”

Napangiti naman ang marami sa magandang duet nina Sarah Geronimo at Angeline Quinto, na noon ay ini-isyu na may “gap” dahil sa umano'y kompetisyon sa pagitan nila.

Hindi naman mapigilan ng lahat na mapapalakpak sa duet nina Lea at Lani, na hanggang ngayon ay tila hindi kumukupas ang golden voice.

SOLO ACT. Bilang kilala si Vice Ganda sa kanyang talento sa pagpapatawa, binigyan siya ng "five minutes" para kanyang stand up comedy act.


Simple jeans, white shirt at sneakers lang ang suot ni Vice nang gabing iyon bilang pagpapaalala raw na, "Sa araw ng kapaskuhan, maaaring ipagdiwang ang araw na ito na hindi kailangan magarbo, hindi kinakailangan maging engrande.

“Puwede natin ito ipagdiwang nang simple ngunit punung-puno ng panalangin at kasiyahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinuno ni Vice ng halakhakan sa ilang minuto na iyon, at maging ang mga heads ng ABS-CBN na naroon— ang Chairman ng ABS-CBN na si Gabby Lopez III, ang newly appointed CEO, President at Chief Content Officer na si Charo Santos-Concio, at Star Cinema head Malou Santos— ay walang tigil sa katatawa.

Katunayan, si Ma'am Charo pa nga ang naging sentro ng mga biro ng komedyante.

Isang hirit ni Vice Ganda: “Pinanood ko ang kauna-unahang episode ng MMK [Maalaala Mo Kaya], napatunayan ko nga na twenty years ago, hindi nagbago ang itsura ni ma’am Charo… kahit yung suot niya ngayon, ‘yan ang suot niya sa first episode!”

STAR MAGIC TALENTS. Siyempre, hindi matatapos ang gabing iyon na hindi ipinapakilala sa lahat ang mga Star Magic talents.

Ang Star Magic ang talent arm ng ABS-CBN, na pinamumunuan ni Mr. Johnny Manahan.

Ilan sa kanila’y sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, Jessy Mendiola, Kim Chiu, Erich Gonzales, Megan Young, Sam Milby, Enchong Dee, Rayver Cruz, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, at Enrique Gil.

Nagningning din ang kagandahan nina Charee Pineda, Melissa Ricks, at Maricar Reyes na rumampa nang gabing iyon.

Kasama naman ni Tippy dos Santos ang ilang mga dating housemates ng Pinoy Big Brother Teen Edition, na sumayaw ng waltz sa saliw ng kantang “I Could Have Danced.”

Bigla naman kinilig ang lahat nang kumanta na sa entablado sina Bryan Termulo, Alex Castro, Markki Stroem, JM de Guzman, at ang X Factor finalist na Daddy’s Home.

Aliw na aliw naman ang lahat nang mag-song at dance number si Jed Madela kasama ang ilang komedyante tulad nina Pokwang, Pooh, Chokoleit, Kitkat, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Jason Gainza, at Ryan Bang.

Tawanan naman ang lahat nang si Ryan Bang na ang kumanta at sumayaw ng Koren hit song na "Gangnam Style."

Bumida rin nang gabing iyon ang mga Star Magic singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa kanila’y sina Vina Morales, Angeline Quinto, Liezel Garcia, Yeng Constantino, Marcelito Pomoy, Jed Madela, Bugoy, Erik Santos, Jovit Baldivino, Carla Guevarra, K-La, at JM Rodriguez.

LOVETEAMS AND DRAMA QUEENS. Todo naman ang hiyawan nang lahat nang ipakilala na ang mga leading men na gabi-gabing pinapakilig ang lahat.

Unang lumabas ang ang teen matinee idols na sina Khalil Ramos, Daniel Padilla, at Enrique Gil.

Kinilig din ang marami sa mga afternoon leading men na sina JM de Guzman, Martin del Rosario, Ejay Falcon, at Jason Abalos.

Looking good at talagang nakakapagpakilig pa rin sina John Estrada, Richard Gomez, at Richard “Papa Chen” Yap, kahit pa 30 and above na ang kanilang mga edad.

Katunayan, hindi nagkakalayo ang hiyawan nang umakyat sa stage sina Daniel Padilla at Richard Yap.

Present din ang iba pang leading men na sina Enchong Dee, Xian Lim, at Gerald Anderson, Diether Ocampo, Zanjoe Marudo, Sam Milbey, at Jericho Rosales.

Ngunit pinakamatindi at nakakabingi ang sigawan nang sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, at Coco Martin na ang nangharana sa mga manonood.

Kung present ang leading men, siyempre naroon din ang mga magkaka-loveteam:

Kumanta naman ang love triangle ng Princess and I na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Enrique Gil.

Pati na rin ang Aryana love triangle nina Paul Salas, Ella Cruz, at Dominic Roque.

Ang mga bida ng Precious Hearts Romances Presents: Paraiso na sina Matteo Guidicelli at Jessy Mendiola ay nag-alay rin ng kanta.

Ang Ina, Kapatid, Anak loveteams na sina Enchong Dee at Maja Salvador, Xian Lim at Kim Chiu ay nagkaroon rin ng song number.

Naroon din ang isa sa Puso Man ay Masugatan loveteam na sina Jake Cuenca at Iza Calzado.

Tilian naman ang lahat nang lumabas sa stage ang Be Careful With My Heart love team nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat tapos na ang seryeng Walang Hanggan, buhay na buhay pa rin ang fans ng tambalan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez, pati na rin ang tandem nina Julia Montes at Paulo Avelino.

Tuwang-tuwa naman ang mga fans nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, nang lumabas sila sa stage para sa programang A Beautiful Affair, kasama si John Estrada.

At ang huli ay ang tambalan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban na mapapanood sa upcoming teleserye na Apoy sa Dagat.

Hindi rin nagpahuli ang tatlong itinuturing na “Drama Queens” ng ABS-CBN na sina Dawn Zulueta, Maricel Soriano at Judy Ann Santos, na naghandog ng isang song number.

NEW MOVIES AND SHOWS. Hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataon na ito upang ibida ang kanilang mga Metro Manila Film Fest entries at upcoming TV programs para sa 2013.

Una na rito ang horror film na The Strangers, kunsaan pinagsama-sama sina Enchong Dee, Julia Montes, at Enrique Gil.

Sumunod nilang pinakita ang trailer ng Sisterakas na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Vice Ganda, at Ai-Ai delas Alas.

At kinilig ang lahat nang mapanood ang trailer ng One More Try, kung saan nakasama nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo, at Angelica Panganiban ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ang mga TV shows naman na dapat abangan sa susunod na taon ay ang Kailangan Ko’y Ikaw, na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Anne Curtis, at Robin Padilla.

Isang family-oriented show naman ang pagsasamahan nina Vina Morales at Carmina Villarroel.

Nanabik naman ang lahat matapos mapanood ang trailer ng Apoy Sa Dagat na pagbibidahan nina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, at Diether Ocampo.

Tilian naman ang marami nang makita si Coco Martin sa trailer ng Juan dela Cruz, kung saan makakasama niya si Erich Gonzales.

Ang mahabang gabi ay nagtapos sa pag-awit ng lahat ng Kapamilya stars ng latest Christmas jingle nila na “Kuwento ng Pasko” at sa pagbati nila sa lahat ng isang “Maligayang Pasko!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood sa telebisyon ang Liwanag ng Pasko: ABS-CBN Christmas Special sa December 15 at 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN