Kim Chiu and Maja Salvador draw emotions from their “personal experiences” in portraying their roles in Ina, Kapatid, Anak

Sa Ina Kapatid Anak, paano magbabago ang takbo ng mga buhay nina (L-R) Margaux (Maja Salvador) at Celyn (Kim Ciu) dahil sa rebelasyon ni Julio (Ariel Rivera) tungkol sa pagkatao ni Celyn?


Mapapanood na sa susunod na linggo ang “gabi ng katotohanan” sa ABS-CBN primetime drama series na Ina, Kapatid, Anak.

Dito’y ibubunyag na ni Julio (Ariel Rivera) sa kanyang asawa na si Beatrice (Janice de Belen) at anak na si Margaux (Maja Salvador) ang tunay na katauhan ni Celyn (Kim Chiu).

Sasabihin na ni Julio na anak nila ni Beatrice si Celyn, isang sikretong matagal na itinago ni Theresa (Cherry Pie Picache) sa lahat maging kay Celyn.

“Unang pasabog pa lang po ‘yon!” bulalas ng isa sa mga direktor ng teleserye na si Don Cuaresma.

Dagdag naman ng isa pang direktor na si Jojo Saguin, “Bukod po doon sa pag-discover na anak si Celine, [expect din] kung paano ‘yong relasyon ni Celine at ni Theresa, at kung paano mag-a-adjust si Celine sa bagong pamilya.”

Naganap ang presscon ng Ina, Kapatid, Anak kagabi, Enero 8, sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

GETTING MORE EXCITING. Ang mga naging pahayag na ito ng dalawang direktor ay pinatotohanan naman ng isa sa mga cast na si Cherry Pie.

Ayon sa aktres, kakaiba ang kanilang teleserye dahil hindi natatapos sa pagkakabunyag sa tunay na katauhan ni Celyn ang pagiging “exciting” ng kuwento.

Aniya, “what's really exciting about it is normally kasi kapag soap, kapag nalaman na ang totoo, wala nang masyadong inaabangan.

“Dito po, mas excited kami after January 14 because it is the aftermath after all has been revealed. Ito po ang dami-dami pang mangyayari, may mga eksena po na nagawa na namin, ang dami-dami pong aabangan.

“So as an actor working on this kind of project, lalo na sa soap, there’s something to look forward to. E, kapag soap po di ba medyo ano, parang after a while hindi na masyadong exciting.”

DRAWING FROM PERSONAL EXPERIENCES. Samantala, tinanong naman ang dalawang lead stars ng babae ng show na sina Maja at Kim kung saan nila hinuhugot ang emosyon sa bawat eksena nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado ang dalawang Kapamilya actress na hindi madali sa kanila na gawin ang ilang eksena, lalo na at hindi pa nila napagdaanan ang mga iyon.

Pero kung si Kim ang tatanungin, “more on personal life.

“Kasi ‘yong kung saan ako nanggagaling sa personal life ko, kasi marami na akong napagdaanan, marami na akong nalagpasan, and doon ko na lang po nilalabas sa acting ko. And siyempre minsan sa character namin, parang nadadala na rin kami sa kuwento.”

Habang si Maja naman, kung wala siyang mapaghugutan mula sa kanyang personal na pinagdaanan, “nagpapatulong ako kina direk, kasi siyempre may mga hindi pa naman tayo na-experience pa na gano’n eksena.

“So kapag gano’n po, minsan hinuhugot sa totoong buhay, minsan dapat focused ka sa kung anuman ‘yong challenges na dumadating sa character mo.”

Pero pahabol ni Kim, “atsaka sa mga linya na galing kay Miss Danica [Domingo], na sobrang masakit sabihin,” pagtukoy niya sa head writer ng kanilang show.

Abangan ang “gabi ng katotohanan” ng Ina, Kapatid, Anak sa January 14, 8:15 ng gabi pagkatapos ng Princess and I sa ABS-CBN Primetime block.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN