Rhian Ramos talks about her diwata role on GMA-7's drama-fantasy series Indio


Sa entrada ng 2013, itinuturing ni Rhian Ramos na magandang simula ang maging bahagi ng epic-fantasy series ng GMA-7 na Indio.

“Excited na akong makita ng lahat kung ano ang pinagtatrabahuhan namin,” ani Rhian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, January 6.

Ang Indio ang sinasabing biggest project at pinagkagastusan nang husto ng GMA-7.

Patuloy ni Rhian, “Malaki iyong cast, malaki iyong set, pati iyong costumes.

"Talagang naglabas talaga ng malaking pera ang GMA para rito.

“So very confident ako na magugustuhan siya ng tao, kaya excited talaga ako na mapanood na nila ito.”



CHALLENGING. Pinaka-nahirapan daw si Rhian sa mga dialogues o linya niya sa teleseryeng ito.

Kuwento niya, “Ang daming mga salita na first time kong sinabi or nagamit dito sa Indio.

“Kasi more or less, marunong na akong mag-Tagalog, e.

“Pero yung problem lang, kapag medyo malalalim yung mga salita, kapag hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin or kung paano i-pronounce, may nagko-coach din naman sa amin sa set.

“Happy ako sa role ko bilang diwata ng mga hayop na lumilipad. So, nagiging ibon din ako.

“All throughout the story, nandoon ako.

“Kasi yung character ko, hindi tumatanda. So mula pa noong bata si Indio, nandoon ako.

“Bilang preparation sa role ko na iyon, nagkaroon kami ng mga workshops kasama ni Direk Laurice Guillen.

“Tinulungan niya kami to get into character.

“At saka may mga matutunan kaming techniques para mata-tap talaga namin yung mga emotions na kailangan.

“So far, yung mga nagiging problem ko lang sa set is hindi ako sanay na kumilos na parang ako yung boss.

“Iba kasi yung kilos ng sumusunod sa instruction kesa sa nagbibigay ng instruction.

“Usually kasi, nasanay ako kasi in real life, I take instructions and I do it, na may mga boss ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ganoon talaga ako kumilos. At saka hindi ako masyadong feminine minsan kumilos.

“Iyon lang naman ang mga nagiging problem ko.

“Pero, as for yung emotions ng character, okay lang,” saad ni Rhian.



ADJUSTMENTS. Paano siya nakakapag-adjust sa kinakailangan ng character niya na superior kailangan ang dating bilang diwata ng mga lumilipad na hayop?

“Take two!” sabay halakhak ni Rhian.

“Sa unang take, kunyari sasabihin ng director namin… ‘Okay na yung emotion. Yung kilos mo lang, dapat mas regal, kasi diwata ka, hindi ka tao.’

“Iyon yung part na medyo nakakalimutan ko.

“Kasi kapag ako medyo nagiging emotional na, padabog na yung kilos ko."

SENATOR BONG. Pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla ang Indio.

Ani Rhian, “It’s a lot of fun working with Senator Bong again. Mas malalim na ang understanding ko ng mga emotions niya.

“So parang mas natutulungan namin ang isa’t isa kapag may kailangan kaming ma-achieve na emotion.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN