Two historians were tapped to ensure the accuracy of Indio

In Indio, Sarah Lahbati (left) is seen as Ynaguiginid, Diwata ng Digmaan. Indio headwriter Suzette Doctolero (right) says two historians were tapped to ensure the accuracy of the script.


Si Suzette Doctolero ang head writer ng bagong epic-serye ng GMA-7 na Indio.

Siya rin ang naging head writer ng dalawa pang malaki at matagumpay na primetime series ng Kapuso network noon—ang Encantadia at Amaya.

Sa Amaya, naging mahaba at matagal ang ginawang research bago ito nasimulang gawin.

Impressive ang Indio pagdating sa special effects at sa kuwento naman, tila puwedeng isipin na nagsimula ang kuwento nito kunsaan, nagtapos naman ang kuwento noon ng Amaya dahil sa pagpasok na ng mga Espanyol.

Ayon naman kay Suzette, mas mahaba pa rin daw talaga ang naging research sa Amaya noon.

“Hindi kasing tagal ng Amaya. Yung Amaya, one year, eh. Kasi, yung sa Amaya, mas walang available na reading materials dahil nasunog yun. Yung Indio kasi, Spanish colonization, so, ang daming reading materials.”

Nagsimula raw halos sa 1568 ang kuwento ng Indio hanggang 1600.

“Siguro ang facts dito, nasa 30-40%. The rest, fiction. Pero, fiction na ang pinanggalingan ay ang Philippine mythology natin. Yung Philippine epic. Pinag-incorporate ko ang history at literature.”

Sa pilot pa lamang ng Indio, nangibabaw na ang kuwento ng iba’t-ibang Diwata. Sina Rhian Ramos at Sarah Lahbati ay mga diwata.

Si Rhian ang gaganap bilang Magayon, ang Diwata ng mga lumilipad na Hayop at magiging tagapag-protekta ni Indio (Bong Revilla). Si Sarah naman ay si Ynaguiginid, ang Diwata ng Digmaan. Ina ni Indio.

Ang kuwento ng mga Diwata sa Indio, ayon kay Suzette ay galing naman daw sa Philippine mythology.

Masasabing may katotohanan ang kuwento ng mga Diwata?

“Yeah, pinaniniwalaan natin. Nang mga ninuno natin noon.”

Bilang si Suzette na rin ang nagsisilbing head writer ng ilang epic serye na ng Kapuso network, naitanong namin sa kanya kung hindi ba maaring makagawa ng isang epic serye katulad halimbawa sa mga epic serye ng Korea na walang kasamang pantasya kung hindi purong historical lamang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay, yung ibang historical ng Korea, may fantasy rin. Pili lang din ang wala,” saad niya.

“Ang hirap gumawa ng historical fiction na walang mythology o fantasy kapag era ng Philippine pre-Hispanic, yung wala pang Espanyol hanggang sa dumating sila.

“Kasi, ang paniniwala ng katutubo noon, may magic. Naniniwala sa engkanto, naniniwala sa Diwata, sa mga ghost. So, napaka-magical ng paniniwala natin, ang hirap ihiwalay. Kasama siya palagi.

“So, puwede tayong gumawa ng historical fiction na walang kasamang magic pagdating ng pananakop siguro ng mga Kastila from 1800 hanggang American colonization hanggang Japanese colonization kasi, tanggal na nila yung paniniwala nating yun, puwede na tayong gumawa.

“Pero, meron namang approve na ganyan. Yung kasunod ko, totally, it’s drama na walang magic.”

Dito sa Indio, meron din silang dalawang historian na nakabantay.

Tinanong naman namin si Suzette kung ang expectation ba niya para sa Indio ay katulad din nang nangyari sa Amaya o mas mahigitan pa sana?

“Sana mahigitan kasi, sa Amaya, wala akong batang audience. Medyo seryoso yun. ‘Eto, fantasy-fantasy.”

Si Senator Bong muna ba bago ang kuwento ng Indio na napili?

“Nauna na ang kuwento,” sabi niya.

“Kasi, ‘di ba, gusto naming ma-capture ang NUTAM. Visayas at Mindanao, ang lakas ni Senator Bong sa Visayas at Mindanao. Kaya walang ibang choice kung hindi siya. Mega-Manila, walang problema.

Around 30 years old daw ang edad ni Indio kapag si Senator Bong na ang mapapanood. Tatlong henerasyon kasi ipinakita si Indio. Ginampanan ni Vincent Magbanua ang batang Indio at si Alden Richards naman ang binatilyong Indio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN