Carla Abellana portrays a woman afflicted with lupus in Magpakailanman



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Last Saturday, ibinahagi ng Magpakailanman ang kuwento ng buhay ni Dabarkads Wally Bayola - mula sa isang batang hindi pinalaki ng sariling pamilya hanggang sa kaniyang mga paghihirap para itaguyod ang sarili.


"Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa naturang episode ng award-winning drama anthology pagkatapos nitong makakuha ng mataas na ratings mula sa data ng Nielsen TV Audience Measurement.


"Base sa overnight household ratings data na narecord sa National Urban Phils noong February 9, nakakuha ang Magpakailanman ng average household rating na 26.3 percent kumpara sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN na may 18.8 percent. Sa Urban Luzon, nakapagtala ang Magpakailanman ng 30.1 percent laban sa MMK na may 16.1 percent at sa Mega Manila, nakakuha ang Magpakailanman ng 30.5 percent kumpara sa 14.9 percent ng MMK.


"Ngayong Sabado, inihahandog ng Magpakailanman ang isang kuwento para sa buwan ng mga puso. Ito ang love story nina Leonard at Nonyx Buela na gagampanan ng real-life sweethearts na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.


"Hindi madali ang panliligaw ni Leonard sa asawang si Nonyx. Katunayan, ilang ulit binasted ni Nonyx ang lalaki noong nililigawan pa lamang siya nito. Ganoon pa man, hindi nagpatinag si Leonard, dahil alam niyang nahanap na niya ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.


"Ngunit nang makapagtapos ng college, hindi na rin naiwasan ng dalawa ang maghiwalay. Habang nasa Maynila si Nonyx ay nasa Bicol naman ang buhay ni Leonard. Subalit, patuloy pa rin ang pagsuyo ni Leonard sa babaeng napupusuan.


"Dumating ang isang malaking pagsubok sa pagmamahal ni Leonard kay Nonyx nang malaman niyang na-diagnose ito ng Lupus, isang sakit na nakaaapekto sa utak, bato, kasu-kasuan, balat—at iba pang mahalagang mga organ. Dahil sa sakit na ito, nagbago ang itsura ni Nonyx—ngunit hindi nagbago ang pagmamahal ni Leonard sa kaniya. Hindi kasi isang taong may sakit ang nakikita niya sa tuwing tinitingnan si Nonyx, kundi isang taong nangangailangan ng sandigan.


"Nanatili si Leonard sa tabi ni Nonyx, umaasa na darating rin ang araw na susuklian ng babae ang kaniyang pagmamahal. Ngunit dahil sa karamdaman, lalong pipigilan ni Nonyx na mahalin ang lalaki. Ayaw niya kasing madamay ito sa buhay niyang puno ng sakit at paghihirap.


"Kung noon ay pumayag si Leonard na malayo kay Nonyx, bago niya malamang may karamdaman ang minamahal, ngayon hindi na niya hahayaang maitaboy muli. Ipaglalaban niya ang pag-ibig nila ni Nonyx maski laban sa kamatayan.


"Hindi naisip nina Leonard at Nonyx na ang sakit ng huli ay simula pa lamang ng matindi nilang pakikipaglaban para sa kanilang pag-ibig. Laban na magdadala sa kanila ng iba’t-ibang pasakit, paghihirap—at sa isang almost impossible search for a kidney donor para madugtungan ang buhay ni Nonyx.


"Alamin ang kinahantungan ng matinding pagmamahalan nina Leonard at Nonyx Buela ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA-7."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN