Maja Salvador's character tells Kim Chiu: “I hate you! You ruined my life. Lahat-lahat na lang inagaw mo sa akin.”

What triggered the slapping incident between Celyn (Kim Chiu, left) and Margaux (Maja Salvador, right) in Ina Kapatid Anak?



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


“I hate you! You ruined my life. Lahat-lahat na lang inagaw mo sa akin.”

"Ito ang maaanghang na salitang binitawan ni Maja Salvador bago siya nagpakawala ng isang malutong na sampal kay Kim Chiu sa teaser na umeere ngayon sa ABS-CBN para sa pinakaaabangang ‘Gabi ng Pagpapakilala’ episode ng top-rating Kapamilya primetime family drama series na Ina Kapatid Anak.

"Sa ‘Gabi ng Pagpapakilala’ episode na ipalalabas na ngayong Biyernes (Pebrero 15), hindi lamang matutunghayan ng fans ng Ina Kapatid Anak ang engrandeng debut nina Celyn (Kim) at Margaux (Maja) kundi maging ang pormal na pagpapakilala sa publiko kay Celyn bilang bahagi ng pamilya Marasigan.

"Ano ang mga rebelasyong pasasabugin sa ‘Gabi ng Pagpapakilala?’ Bakit humantong na naman sa matinding sagutan at sampalan sina Celyn at Margaux? Pagkatapos ng pagdiriwang, malalaman na ba ng lahat kung sino kina Celyn at Margaux ang mas may karapatan bilang isang Marasigan?

"Huwag palampasin ngayong Biyernes ang 'Gabi ng Pagpapakilala' sa nangungunang family drama series sa bansa, Ina Kapatid Anak, 8:15pm, pagkatapos ng Juan dela Cruz sa ABS-CBN Primetime Bida."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN