Former TV5 actress Meg Imperial signs contract with ABS-CBN

Former TV5 actress Meg Imperial recently signed contract with ABS-CBN while KC Concepcion remains a Kapamilya star.



Mananatiling Kapamilya sina KC Concepcion at Cristine Reyes habang pumirma naman ng kontrata ang former TV5 actress na si Meg Imperial.


Ayon sa statement mula sa corporate communications department ng ABS-CBN, pumirma ng kontrata si Meg kasama sina ABS-CBN president and CEO Charo Santos-Concio, broadcast head Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, at Viva entertainment head Veronique del Rosario.

Kamakailan, ang 20-anyos na aktres na si Meg ay naging cover girl sa sikat na men’s magazine na FHM noong Disyembre 2012. Naging usap-usapan din ang pagganap nito bilang high school student na nakipag-relasyon sa kanyang guro sa pelikulang Menor De Edad ng Viva Films nitong Enero.

Noong February 16, naging bida si Meg sa long-running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala mo Kaya katambal si Ketchup Eusebio. (CLICK HERE to read related article)


Ayon sa statement mula sa ABS-CBN, masayang-masaya diumano ang young star sa bago nitong tahanan.


Isa sa huling proyekto ni Meg para sa TV5 ay ang The Sisters na ipinalabas noong 2011.


KC AND CRISTINE REMAIN KAPAMILYA STARS. Samantala, muling sasabak sa pag-arte ni KC sa teleseryeng Against All Odds kung saan makakasama niya sina Judy Ann Santos at Sam Milby. Matatandaang taong 2009 pa noong huling napanood umarte si KC sa Pinoy version ng Lovers in Paris. Bukod pa riyan, may nakapila ring hosting projects para sa kanya.

Si Cristine naman ay huling napanood sa primetime teleseryeng Dahil Sa Pag-Ibig kasama sina Piolo Pascual at Jericho Rosales. Para sa kanyang susunod na TV series, makakasama niya sina Dawn Zulueta, Gerald Anderson, Dina Bonnevie, at Diana Zubiri sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin na malapit nang mapanood sa Kapamilya Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN