Koreanovela "Hwang Jini" premieres October 8 on GMA-7


Si Hwang Jini (nasa larawan) ay isang kisaengo babaeng entertainer sa Korea na hinasa sa larangan ng agham at pagtulapero itinuturing na mababa ang katayuan sa buhay. Mapapanood ang Hwang Jini pagkataposng Marimar sa GMA Telebabad simula Oktubre 8.


Handog ng GMA-7 ang kuwento ng tunay na buhay ng isa sa kinikilalang cultural icon sa Korea. Tiyak na ang nakamamanghang TV series na ito ay tututukan ng mga Pinoy gabi-gabi.



Mapapanood na simula ngayong Lunes, October 8, ang makulay na kuwento ni Hwang Jini, isang magaling na performance artist noong panahon ng Joseon Dynasty sa Korea, na maraming hirap ang pinagdaanan dahil sa kanyang mababang katayuan sa buhay.

Gagampanan ng popular Korean actress na si Ha Ji Won, si Hwang Jini, ang susunod na mamahalin ng mga Pilipino matapos mapalapit sa kanilang puso sina Jang Geum at Jumong ng mga Koreanovelang Jewel in the Palace at Jumong, dalawang top-raters sa primetime block ng GMA-7.



Si Hwang Jini ay isang magaling na mananayaw, musikera, at makata sa Korea noong panahon ni Haring JungJong. Ngunit madalas nababalewala ang galing ni Hwang Jini dahil isa lamang siyang kisaeng, ang uri ng mga babaeng entertainers sa Korea na hinasa sa larangan ng agham at pagtula pero itinuturing na may mababang estado sa buhay.



Ang bida ng kwentong ito ay anak ng isang kisaeng sa isang lalaking maharlika. At dahil ayaw ng kaniyang ina, na nabulag dahil sa sawing pag-ibig, na matulad siya sa kapalaran ng isang kisaeng, ipinamigay siya nito sa isang templo pagkapanganak niya. Pero sadyang naakit si Hwang Jini sa kultura ng mga kisaeng nang mapanood niya ang isang pagtatanghal ng mga kisaeng sa edad na sampung taon.



Agad siyang nagpakita ng kakaibang talino sa larangan ng kisaeng performance, dahilan para mapansin siya ng kisaeng mistress na si Yim Baek Moo (Kim Young Ae), ang chief dancer sa Joseon court at tagapag-turo sa mga batang mananayaw. Kinupkop ni Baek Moo si Hwang Jini at itinira sa kisaeng house, ang Gyobang, kung saan muling nagkita si Hwang Jini at ang kanyang ina.

Sa ilalim ng matinding pagsasanay ni Baek Mook kay Hwang Jini, naging isa sa pinakamagagaling na kisaeng artist ang dalaga. Ngunit maraming hirap na pagdadaanan si Hwang Jini lalo na nang umibig siya sa anak ng isang maharlika, na mahigpit na ipinagbabawal sa mga kisaeng. At dahil sa matinding kasawiang pagdadaanan niya, lalong magpupursige si Hwang Jini hanggang sa makilala siya bilang isa sa pinakamagagaling na kisaeng artist sa Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kaiinggitan si Hwang Jini ng iba pang court dancers, lalong-lalo na ni Bu Yong (Wang Bit Na ng Love in Heaven), ang magiging matinding kaagaw ni Hwang Jini hindi lamang sa pagtatanghal kundi maging sa pag-ibig. Magiging masugid na tagahanga naman ni Hwang Jini ang kamag-anak ng hari na si Byuk Kye Soo (Yoo Tae Jun ng Love Truly).



Ngunit kahit anong gawin ni Byuk Kye Soo para maakit si Hwang Jini gamit ang kaniyang kayamanan, hindi niya pa din maaangkin ang puso ng dalaga dahil umiibig na ito sa opisyal na si Kim Jung Han (Kim Jae Won ng Romance at My Love Cindy).


Paano makakalaya si Hwang Jini sa mapanupil na kalagayan niya bilang kisaeng? Saan hahantong ang bawal na pag-iibigan nila ni Kim Jung Han? Nakatakdang nang paibigin ni Hwang Jini ang mga Pilipino gamit ang napakagandang rendition ni Faith Cuneta ng kantang "Minsan Pa" ni Zsa-Zsa Padilla bilang themesong.

Mapapanoodang Hwang Jini pagkatapos ng Marimar sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN