Kaye Abad and Denise Laurel will join the remake of Annaliza

(L-R) Kaye Abad, Andrea Brillantes, and Denise Laurel will star in AB S-CBN's remake of Annaliza.



DENISE LAUREL AT KAYE ABAD, SASABAK SA NAIIBANG ROLES SA ANNALIZA. Matapos ang kani-kanilang tagumpay sa mga teleseryeng Precious Hearts Romances Presents Paraiso at Angelito: Ang Bagong Yugto, handang-handa na sina Denise Laurel at Kaye Abad para sa kanilang bagong soap opera.


Makakasama sila sa family drama na Annaliza na pagbibidahan ng child star na si Andrea Brillantes.


Kung dati ay si Denise ang kontrabida, siya naman ngayon ang mapagmahal at mahabaging si Isabel na mapapalapit ang puso kay Annaliza. Si Kaye naman, na nakilala sa mga mababait na roles, ay gagampanan ang papel ng kontrabidang si Stella na siyang nakatakdang magbigay ng miserableng buhay sa bata.


Makakasama rin nina Kaye at Denise sa Annaliza ang mga co-stars na sina Zanjoe Marudo, Patrick Garcia, at Carlo Aquino, pati na ang teen stars na sina Khalil Ramos, Sue Ramirez at Kiko Estrada.

Ang Annaliza ay isang family drama tungkol sa isang batang puno ng pagmamahal sa kanyang puso at bagamat inaapi, ay patuloy na kumakapit at nananalig sa Diyos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN