Party Pilipinas will end this Sunday, May 19

Magtatapos na ang Sunday noontime variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas ngayong Linggo, May 19. Pero siniguro naman ng GMA Network OIC for Entertainment TV na si Lilybeth Rasonbale na, “the new musical variety show will have more fun and thrilling elements that viewers must definitely watch out for.”


Magtatapos na ang Sunday noontime variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Naibalita na sa PEP Alerts noong May 12 na ang last episode ng Party Pilipinas ay ie-ere ngayong Linggo, May 19.

Ayon sa text message na ipinadala ng GMA network OIC for Entertainment TV na si Lilybeth G. Rasonable, sinabi nitong “In a few weeks, there will be exciting changes in the Sunday noontime offering of GMA.”

Tatlong taon din ang tinagal ng Party Pilipinas, na nagsimula noong 2010 bilang kapalit ng defunct Sunday noontime variety show na SOP.

Ilan sa mga original hosts at performers na nanatili ay sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs, at Jaya.

Magtatapos man ang Party Pilipinas, ipinangako naman ni Ms. Lilybeth na “the new musical variety show will have more fun and thrilling elements that viewers must definitely watch out for, still with the biggest and brightest Kapuso stars.

“More information on the show will be announced soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN