Julia Barretto will star in ABS-CBN's remake of Cofradia



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"JULIA BARRETTO, MAGBIBIDA NA SA KANYANG KAUNA-UNAHANG TELESERYE. Sasabak na ang rising Kapamilya teen star na si Julia Barretto para sa kanyang kauna-unahang pagbibidahang teleserye ngayong opisyal nang inihayag ng ABS-CBN na siya ang magiging lead star ng TV remake ng nobela ni Dominador Ad Castillo na Cofradia.


"Bago pa man siya maging parte ng Star Magic Circle 2013, unang napansin ng TV viewers si Julia hindi lang dahil galing siya sa isang showbiz family kundi dahil na rin sa ipinamalas niyang talento sa pag-arte sa mga teleseryeng tulad ng Kokey, Palos, at Walang Kapalit.


"Para sa kanyang biggest break, bibigyang buhay ni Julia sa kanyang first teleserye ang papel ni Cofradia na ginampanan ng beteranang aktres na si Gloria Romero noong 1953 at ni Gina Alajar noong 1973. Ang Cofradia ay umiikot sa kwento ng isang babaeng natatakot umibig dahil sa kulay ng kanyang balat na magkakaroon ng kakayahan na magpalit ng anyo dahil sa mahiwagang kandila. Abangan ang kauna-unahang teleserye ni Julia na Cofradia ngayong 2013 sa ABS-CBN."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN