JC de Vera says Lokomoko U staff are conscious about not offending people through their jokes


Limang taon na ang gag show ng TV5 na Lokomoko U at ang Kapatid actor na si JC de Vera ay tatlong taon na raw sa naturang programa. Limang taon na rin si JC bilang isang Kapatid. Hindi naman itinatanggi ng aktor na isa ang comedy show na ito sa nagpapasaya sa kanya talaga.
Tuwing Linggo ng tanghali napapanood ang Lokomoko U sa TV5.
Bago ang presscon para sa show ay nagkaroon ng thanksgiving mass sa Broadway Centrum.

Sa pagkakataon na ito, naitanong ng PEP.ph kay JC kung ano ang bago sa show nila ngayon.
Sabi naman niya, “Ano kasi, for the longest time, since nag-start kami, noong mag-reformat sila, never kami—well, hindi naman never, pero, hindi lang kami masyadong napi-pressure na magpataas ng rating na kailangan, makipaglaban, wala kaming masyadong ganun.
“At tulad nga ng sinabi ni Sir Perci [Intalan, TV5 creative and entertainment production head] nag-stop production siya for a while, mga two months na hindi kami nag-taping. Puro replay ang mga pinapalabas namin and that time, biglang tumaas ang rating niya na nagre-replay.
“So, na-alarm sila na, wow, maganda naman pala ang ginagawa nila.”
Nagulat din daw sila na kung kailan mga replay na ang pinapalabas nila, saka pa raw dumami ang viewership.
“Sugal to, e, hindi rin namin ine-expect na mabibigyan kami ng recognition, mabibigyan kami ng pansin. Hindi rin naman kami yung tipong Bubble Gang na naka-poste na talaga...na ang gagaling na talagang mga tao.
“I mean, kami, tulad din ng sinabi ni Tuesday [Vargas] nag-e-enjoy lang din kami sa taping. Para lang kaming naglalaro.”
Bilang gag show ang tema ng kanilang programa, hindi ba sila na-pressure rin sa nangyari kay Vice Ganda kamakailan lang?
At may “conscious effort” ba sila sa mga binibitawan nilang joke dahil nakabantay ang Movie Television Review and Classfication Board (MTRCB)?
Ayon naman kay JC, “Nakabantay na mabuti ang creative namin pati ang director pagdating sa mga ganoong klaseng joke. Well, siyempre, hindi naman namin sinasabi na perfect kami. SPG [Strict Parental Guidance] nga kami. Nagkakamali rin kami.
“Pero, binabantayan nila ng mabuti ang script. Mas gusto nila na kami-kami na lamang ang naglolokohan. Kung gusto niyong gaguhin ang isa, dito na lang sa circle natin. Huwag na tayong mag-ano ng ibang tao.”
May nangyari na ba na may joke sa script na hindi niya sinabi o ginawa dahil sa palagay niya, puwedeng maka-offend?
“Hindi sa hindi ginagawa,” saad niya.
“It’s either ire-rephrase mo lang siya or hindi mo na nga siya gagawin. Pero most of the time, nire-revise kapag medyo offending nga. Hindi mo maiiwasan, minsan ang mga viewers, natutuwa naman talaga sila sa ganoon.
“Natatawa sila, ginagaya nila.”
Dugtong pa niya, “Nagkataon lang yung kay Vice, siya yung na-put on the spot, may nag-react kaagad. Kami, medyo binabantayan lang talaga.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN