Dennis Trillo and Tom Rodriguez will not have kissing scenes in My Husband's Lover

Dominic Zapata (left frame) talks about the stars of My Husband's Lover namely (L-R, right frame) Tom Rodriguez, Carla Abellana, and Dennis Trillo.


Excited ang TV series director na si Dominic Zapata nang ibigay sa kanya ang GMA-7 project na My Husband’s Lover.

Nakilala kasi si Direk Dom sa pagdirek ng mga telefantasya tulad ng Mulawin, Sugo, Darna, Super Twins, Captain Barbell, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Pilyang Kerubin, Zorro at Grazilda.

Hinawakan din niya ang comedies tulad ng Ako Si Kim Samsoon, Diva, LaLola, Jejemom at Comedy Bar.

Ikatlong serious drama ni Direk Dom ang My Husband’s Lover. Nauna rito ang My Beloved at sumunod ang remake ng Koreanovela na Temptation Of Wife.

Inamin ni Direk Dom na big adjustment nga ang kanyang ginawa dahil nasanay nga siya sa pagdirek ng mga fantasy-themed series at comedies.

Iba raw talaga ang straight drama, lalo na kung seryoso ang tema ng naturang series na kailangan ay tutok na tutok siya sa bawat pag-arte at pagbitiw ng dialogue ng kanyang mga artista.

“It’s a really a big difference. Ako kasi, coming from doing a number of telefantasya series for GMA-7, nakasanayan mo na—may comfort zone ka na kasi.

“Kapag fantasya or comedy, kaya na natin ‘yan kahit na siguro inaantok na ako, matatapos ko pa rin ang mga eksena.

“But when they gave me my first serious drama which is My Beloved, doon na tayo nag-adjust kasi iba na ito.

“Then came Temptation of Wife which is a lot heavier than My Beloved.

“Diyan ay medyo nagiging metikuloso na tayo sa mga eksena. Ibang-iba when you do telefantasyas. Concern mo noon ay mga special effects, ngayon ang concern mo ay ang impact na ibibigay ng mga artista mo sa eksena.

“Now with My Husband’s Lover, I guess parang ultimate na ito—ito na ‘yung magte-test na sa akin kung kaya mo pa.

“The theme itself is very sensitive kaya kailangan gano’n ka rin.

“But I am happy to accept this challenge. Hindi lang ang mga artista ng series ang masusubukan kundi pati na rin ako,” sey pa ni Direk Dom nang makapanayam siya ng PEP.ph sa press launch ng My Husband’s Lover last June 4 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Tungkol sa issue of homosexuality ang My Husband’s Lover at kung paano maapektuhan ang ilang mga tao sa relasyon ng dalawang lalake.

Sensitive na issue nga ang homosexuality, lalo na kung ginagawan ito ng kuwento for television or movies.

Sa American television, madalas na mga stories about gay ay nagiging topic ng mga comedy series tulad ng Will & Grace, The New Normal and Glee.

Bihira nga na gawan ito ng seryosong istorya dahil baka maraming magkaroon ng iba’t ibang reaksyon.

Pero ang 2005 gay film na Brokeback Mountain na dinirek ni Ang Lee ang masasabing biggest breakthrough in conveying a gay relationship on the big screen. At the same time, nakakuha ito ng maraming recognition mula sa iba’t ibang international film festivals.

Buong tapang ngang ginawa ng GMA ang kauna-unahang “gay-serye” na ito na ang pinakasentro ay ang relasyon ng mag-asawang Vincent at Lally (played by Tom Rodriguez and Carla Abellana) na biglang magugulo dahil sa paglabas ng gay lover ni Vincent na si Eric (played by Dennis Trillo).

Ayon kay Direk Dom, malawak na research ang kanyang ginawa bago niya sinimulan ang pag-shoot ng naturang serye.

Gusto raw kasi niyang maging fair sa mga males, females at gays. Kailangan daw kasi ayu balanse para walang magkaroon ng anumang hindi kagandahang reaction.

“After I did Temptation of Wife which is a serious drama about infidelity, dito naman I want to show a different love story—between a man and woman and between a man and man—from a point of view of a heterosexual.

“Sa tinagal ko na kasi sa business na ito, I’ve met and worked with all types of gays.

“May mga loud, tahimik lang, mga sinasabi nilang pamhinta, mga mujerista, mga pa-girl, drag queens, all types of gays kaya I want to have this specific research about them and their relationship with men,” aniya.

Dahil mas napi-picture nga ang gays in society sa mga sitcoms, kahit na sa mga serious dramas, nagiging comedy relief lang ang mga gay characters.

“Yun nga ang nagiging roles lang ng mga gays sa mga TV shows. Kumbaga, type-casted na sila. Kailangan nakakatawa sila at kailangan very outlandish ang look nila. They become the butt of jokes.

“But this time, we want to take a serious look at gays. Ano nga ba ang mga nararamdaman nila? When it comes to love, do they get hurt tulad ng mga babae?

“Those are the questions na kinailangan ko ng mga sagot bago kami nagsimula.

“At least, may mga baon na akong mga sagot in case may mga magtanong sa akin or kuwestiyunin ang mga eksenang gagawin namin sa series.”

Base raw sa script na binasa ni Direk Dom, love and romance ang tema ng My Husband’s Lover.

“Wala namang pagkakaiba sa magkarelasyong babae at lalake meron ang My Husband’s Lover.

“Nagkataon lang na pareho silang lalake—love is still the universal language of this story.

“Tayong lahat ay may karapatang magmahal. Kahit sino at ano ka pa. The question is, how will it be accepted by other people?

“Alam naman natin na in our society, meron pa rin nagdi-discriminate sa mga gays, mapa-lalake or babae.

“May mga hindi pa rin tanggap ang ganitong klaseng relasyon.

“Sabihin na natin na very ‘70’s or ‘80s ang paniniwala nila, wala tayong magagawa. We cannot please everybody.

“But it’s that old school belief that will be the take off of our series. The series represents different people in society and their take on homosexuality.

“Paano ba nila huhusgahan ang mga tulad nila Vincent and Eric sa makabagong panahon na ito?”

Naging maingat si Direk Dom sa execution ng mga eksena nila Tom at Dennis. Ayaw kasi raw niyang masabihan sila ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na hindi sumusunod sa mga rules nila.

“We made sure na wala silang makikitang offensive or derogatory sa mga episodes na ginawa namin.

“From the language to the scenes, iningatan namin.

“Hindi lang talaga puwede ang halikan between two men on television. Rule nila iyon at sumusunod kami.

“Naging careful kami sa pag-mold ng mga characters dito nila Dennis, Tom and even kay Carla kasi may mga love scenes din sila ni Tom rito.”

Kumportable na nga raw si Direk Dom sa pagdirek niya kay Dennis Trillo. Ilang shows na raw kasi ang napagsamahan nila at alam niya kung gaano ka-dedicated si Dennis sa mga ginagampanan nitong mga papel.

“Diyan naman ako bilib kay Dennis because he really gets into character.

“There’s one scene here nga na sinabi ko na I want him to look tough, yung lalakeng-lalake ang asta, pero ramdam mo pa rin ang pagiging malambot niya.

“Hindi sa nagdududa ako kay Dennis, pero that’s my test for him sa role niya as Eric.

“Alam mo, ginulat ako ng taong ‘yan. Nagawa niya. A big part of his body was astig, pero makikita mo in his little movements ang pagiging soft niya.

“He really blew me away sa eksenang iyon. Kaya wala akong magiging problema with Dennis talaga,” sabi pa ni Direk Dominic.

With Tom Rodriguez, dumaan pa raw ito sa isang open audition. Nakasabay nga raw nito ang ilan pang mga actors at si Tom ang nag-standout.

“We were looking for an actor na magku-compliment sa looks nila Dennis at Carla.

“But first, we want someone who can act and give us a fresh take on the role of Vincent, a man torn between his love for his wife and his love for an old flame who happens to be a man.

“Of all the actors who auditioned, si Tom ‘yung nag-standout. Not just because he’s good-looking, but he has this raw attack on the role.

“Makikita mo na he’s not trying so hard to impress us. Pinakita lang niya ‘yung makakaya niya and we were impressed by that. Marami pa kaming mahuhugot mula sa kanya.

“Tom did not just portray Vincent, he understood the role. Kaya he was the perfect actor for the role.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN