Nora Aunor and Tirso Cruz III start shooting for their reunion project When I Fall In Love

In When I Fall In Love, Nora Aunor is cast as a wife taking care of her husband, Tirso Cruz III, who has Alzheimer's disease.



After a day of postponement dahil sa hindi magandang takbo ng panahon, natuloy ang unang araw ng taping noong Sabado, June 22, ang reunion telemovie ng popular loveteam nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Sa isang hacienda sa Tagaytay City ginanap ang unang araw ng taping ng balik-tambalan nina Ate Guy at Pip na may title na When I Fall In Love. Ang naturang made-for-TV movie aysa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan.

Initially ay wala raw munang coverage sa taping, ayon kay Boy Palma, Nora's personal manager. Ito rin daw ang ipinagbilin ng TV5 na siyang in charge sa publicity releases at photos ng project.

Pero hindi rin napigilan ang grupo ng fans ng well-loved tandem (of the late '60s hanggang early '90s) na dayuhin ang location kaya agad ding nakapag-post ng ilang photos sa Facebook.

Nagbahagi si Boy Palma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kaunting impormasyon tungkol sa naging takbo ng unang araw ng taping.

"Smooth naman... masaya sila ni Pip sa reunion nila," Boy says of the tandem.

Ikinatutuwa ng masugid na tagahanga ng dalawa kapag nababanggit ni Ate Guy ang tungkol kay Pip na aniya'y "first love" niya.

Noong 1969, nagkapareha sina Guy at Pip sa D' Musical Teenage Idols na siyang nagsilbing launching ng phenomenal loveteam.

Sa nakaraan niyang 60th birthday celebration noong May 21, binanggit ni Ate Guy ang masasabi niyang dalawa sa "greatest loves" niya.

"'Yung 'first love' ko, si Pip [Tirso Cruz III]..." pagtukoy ni Ate Guy at ang isa pa ay "ang lalaking pinakasalan ko, si Boyet [Christopher de Leon, na ama ni Ian de Leon]."



DURABLE LOVETEAM. Sa When I Fall In Love ay gumaganap bilang couple sina Nora at Tirso, with Ate Guy taking care of her husband (Tirso) na nagkaroon ng Alzheimer's disease.

Kasama nila sina Nadine Samonte, Edgar Allan Guzman, at Artista Academy runner-up Akihiro Blanco, among others.

Ayon sa TV5 Business Unit Head, JoAnn Banaga, posible ring mai-release in commercial theaters this year ang obra na gagamitan ng high-definition cameras.

"We're looking into the possibility na mai-release din commercially ang project; kung lalabas na magandang-maganda ito [and fit for theatrical release], siyempre, Guy and Pip yan!" sabi ni Ms. JoAnn.

Ito ang unang collaboration ng Nora-Tirso tandem with Joel Lamangan.

Sa first taping day, Nora and Tirso had scenes with Felix Roco, Marc Abaya, Menggie Cobarrubias, at Jerry O'Hara.

Kasama rin sa cast ang isa sa mga anak ni Tirso na si Bodie Cruz. "Bad news is I won't have a scene with them together," ayon kay Bodie sa kanyang Twitter account.

Medyo sumama raw ang pakiramdam ni Ate Guy noong dakong gabi kaya maaga ring na-pack up ang taping.

Tungkol sa pagkakasakit ni Ate Guy in the past, na nababalitaan niya, sabi ni Pip, "E, lahat naman ng tao nagkakasakit.

"Nagkakaroon din ako ng ubo, minsan. Kung minsan, siyempre, pag maraming trabaho, kulang ka sa pahinga.

"Normal naman yon sa tao... lalo na yung weather kasi natin ngayon, so that's natural," sambit ni Pip.



PIP's PREFERENCE. May naunang interview ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa leading man ni Ate Guy na si Tirso Cruz III who is currently seen on the new ABS-CBN teleserye Huwag Ka Lang Mawawala.

Pip denied earlier talks that he was offered by TV5 na maging leading man ni Nora sa natapos nitong teleserye, ang Never Say Goodbye, pero tinanggihan niya iyon.

Pip says, "Hindi puwede [noon] dahil naka-kontrata ako [sa ABS-CBN]. Ngayon, Kapamilya ako.

"Bago pa naman sila nag-offer, naka-kontrata na ako; nakapirma na ako sa Dos."

Hindi raw sa inayawan niya na maka-trabaho uli ang kanyang perennial ka-loveteam.

"Trabaho lang ako... depende sa project," paglilinaw pang muli ni Tirso.

At lalong hindi raw TF, o talent fee, ang naging dahilan ng unang "naudlot" na pagbabalik-tambalang Guy and Pip.

Sa huling nabanggit, kung issue mang masasabi, ay pag-iling lang ang naging tugon ng premyadong aktor.



MESSAGE TO GUY & PIP FANS. "Ano pa ba ang ime-message ko?" natatawang sabi ni Pip.

"Sa mga fans, siyempre, salamat sa support.

"Thank you for being there and, sana, kahit papa'no, nakakapagdulot ako ng konting kaligayahan sa kanila sa pamamagitan ng pagganap ng iba't ibang katauhan sa TV at sa pelikula," pagtatapos ni Pip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN