Paulo Avelino plays a mute character; co-stars with Jewel Mische in MMK

In Maalaala Mo Kaya, Paulo Avelino portrays a mute character who was maltreated by his own relatives.


Pipi ang role ni Paulo Avelino sa Maalaala Mo Kaya episode na mapapanood ngayong Sabado (June 6). Ayon kay Paulo, espesyal para sa kanya ang panibagong MMK niya dahil first time niyang gaganap bilang isang pipi.

"Sobrang challenging po ng role ko bilang si Apaw. Born mute po kasi siya na pinagmamalupitan ng mga sarili niyang kamag-anak," pahayag ni Paulo kaugnay ng episode kung saan kasama niya ang Walang Hanggan co-actor na si Joem Bascon na gumaganap naman bilang ang best friend ni Apaw na si Dante.

"Ibang-iba ang kwento ni Apaw kumpara sa una kong MMK na love story kung saan nakasama ko si KC Concepcion. Ito naman ay istorya kakaibang tapang at malalim na pagkakaibigan," dagdag ni Paulo. "Hindi lang po siya simpleng kwento ng may kapansanan. Sa pamamagitan po nina Apaw at Dante, mare-realize natin ang halaga ng pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan na sa kabila ng maraming pagsubok ay hindi ka iiwan."

Kasama nina Paulo at Joem sa upcoming MMK episode sina Jewel Mische, Alma Concepcion, Ismael Clavero, John Vincent Servilla, Glenda Garcia, Tom Olivar, Jamila Obispo, Jerome Ventinilla, at Brace Henry Aquiza. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alex Martin, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Raz De La Torre.

Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong Sabado, 7:30 pm, pagkatapos ng Wansapanataym, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN