Lovi Poe on portraying a love child in Akin Pa Rin ang Bukas: "Iba ang atake ko rito. It’s very personal.”

Lovi Poe's character in Akin Pa Rin ang Bukas wants to prove that everyone deserves equal rights despite being born out of wedlock. She gets to shoot a kissing scene with Cesar Montano who is cast as a lawyer in this TV series.


Aminado ang bida ng bagong GMA Telebabad serye na Akin Pa Rin Ang Bukas na si Lovi Poe na ninenerbiyos siya.


Sinabi ito ni Lovi sa August 29 press conference ng kanyang bagong serye na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network.
Ayon kay Lovi, “I am nervous. Kanina pa ako nervous. This is just one of my dreams and I can’t believe na nangyayari na siya ngayon.”
Dugtong pa niya, “Parang dati, gusto ko lang magkaroon ng ganitong klaseng show at ngayong nangyayari na, it’s overwhelming.”
Gaano ang pressure sa kanya na sa pagkakataon na ito, siya talaga ang bida ng sarili niyang teleserye?
“Right now, as in, I’m really nervous. Noong pinapanood ko, hindi ako makapaniwala, as in, I’m really nervous.”
Pilot episode ng Akin Pa Rin Ang Bukas on September 9 at ito ang papalit sa Mundo Mo’y Akin, na siyang nangunguna sa primetime block ng Kapuso Network ayon sa AGB Nielsen data.
Mas nakakaragdag ba sa nerbiyos yun?
“Well, of course, pero ako, hopefully, magustuhan ng mga tao at yun na lang talaga ang iisipin ko.”
Tinanong din si Lovi kung nasasabi niya sa sarili na dapat noon pa siya nabigyan ng solong teleserye sa primetime?
“Well ako, I don’t think of the past anymore. Ako kasi, it’s a step by step process. Siguro, ibibigay naman sa ‘yo ng Diyos kapag alam niyang handa ka na. So, sa akin, ngayong nangyayari ito, thankful na lang ako.
“I’m not gonna say na lang things like that. Siguro nga noon, I can say na hindi pa ako handa. At ngayon, I can say that I’m ready but then, I don’t want to disappoint anybody.”
Noong inialok sa kanya ang Akin Pa Rin Ang Bukas, ano ang naging dahilan at tinanggap niya ito?
“Well, first of all, maganda talaga ang story. At saka, it’s nice to finally do something that I can open things that I kinda been through.”
Sabi pa niya, “How can I say no to something this huge, para pagkatiwalaan ako ng GMA sa ganitong klaseng proyekto. Dati, pinapangarap ko lang ‘to.”
Si Lovi ay si Lovella Villacorta na isang bastarda (love child) ng mga Villacorta sa kuwento. Ang karakter niya ay bunga ng isang bawal na pag-ibig—mayaman ang kanyang ama at mahirap naman ang kanyang ina.

Aminado naman si Lovi na medyo naka-relate siya sa karakter niya.
Hindi ba naging mahirap sa kanya yun lalo na at nangyari na sa kanya?
“Well, mas mahirap siya kasi, there are things na kino-control mo na hindi mo ano, pero, ngayon, bubuksan mo ulit.”
Kung sa serye, makikita sa trailer na tinatawag siyang bastarda, sa totoong buhay, may nangahas din ba na tawagin siyang bastarda?
Ayon naman kay Lovi, “I’m happy naman, no.”
Sabay biro niya nang natatawa, “Not in front of me ha, but no, joke lang yun.
“I’m happy, never naman.”
Sa sariling karanasan niya, gaano kahirap ang ganoong sitwasyon?
“Well, mahirap sagutin ‘yan,” natawa niyang sabi.
“Basta ako, for me, it’s so hard, e. Basta, siguro, makikita niyo na lang yun once you watch Akin Pa Rin Ang Bukas. Iba kasi. Iba ang atake ko rito. It’s very personal.”
Nakatulong naman ang mga personal niyang karanasan sa pag-atake niya sa karakter niya rito?
“All the time naman, kapag umaarte ako, all my personal experiences, nakakatulong, every time. That’s what I usually use. Hindi ako magaling sa pagpi-pretend na kunwari, patay na si ganito. I can’t. I always use personal experiences.”
Nanghihinayang naman daw si Lovi na hindi na natuloy si Ms. Helen Gamboa sa teleserye nila. Si Ms. Helen sana ang gaganap sa papel na Lola ni Lovi na ang pumalit na nga rito ay si Ms. Liza Lorena.
Ayon kay Lovi, “Nalungkot ako siyempre, but then, I’m hoping, sana in the future, magka-trabaho ulit kami.”
Hindi rin daw sila nagkaroon ng eksena noong nag-taping pa si Ms. Helen.
Ang director naman nila na si Direk Laurice Guillen ay ikalawang beses daw niyang nakatrabaho. Una silang nagkasama sa Magpakailanman.
Si Rocco Nacino naman ang leading man niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas.
Nakangiting sabi naman ni Lovi, “Of course, palagi naman akong masaya kapag siya ang ka-partner ko.”
Magkaibigan pa rin ang sinasabi ni Lovi sa mga nagtatanong sa totoong estado ng relasyon nila ni Rocco.
Kahit sabi namin dito, sa mga naging pahayag ni Rocco, parang sila na naman, pero, wala lang ngang label.
Nakangiting pahayag naman ni Lovi, “Hindi, magkaibigan pa rin kami. Ako, I’d like to maintain it that way. We get along so well, ‘di ba, sayang naman ang friendship.”
Ayon kay Rocco, naipakilala at nakapag-dinner na raw si Lovi kasama ang pamilya niya at gayundin naman si Rocco sa pamilya niya.
“Oo, matagal na,” pagsang-ayon naman niya.
“Matagal ko na silang nakasama.”
Dugtong pa niya, “Basta, magkasama kami at masaya ako na tinanggap niya ang project na ‘to.”
Sa isang banda, magkakaroon din sila ng ugnayan sa serye ng aktor na si Cesar Montano.
Looking forward na rin ba siya sa magiging kissing scene nila?
Matagal at tila nag-isip muna ito bago sumagot nang, “Yeah,” at saka natawa.
Paliwanag naman niya, “I mean, we all know that it’s gonna happen sa teleserye, so, I’m looking forward. And I’ve watched him before, talagang most of us, iniidolo siya.
“And now na katrabaho ko siya, makaka-eksena ko, talagang it’s an honor for me. Nai-intimidate ako, of course, si Cesar Montano ‘yan. But then, ipinaramdam niya sa aming lahat na hindi dapat ganun.”
Bakit naman siya mai-intimidate?
“E, kasi, magaling siyang actor. Baka I might end up watching him.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN