Ping Medina will feature Filipino record-holders on his new program, Philippine Book of Records

Ping Medina (left) and Bernadette Herrera-Dy (right) will host the magazine-reality TV program Philippine Book of Records, which will air on GMA News TV starting September 29.


Pinoy record-holders ang nais ibida ng pinakabagong magazine-reality TV program ng GMA News TV, ang Philippine Book of Records.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang mga miyembro ng media ang mga hosts na sina Ping Medina at Bernadette Herrera-Dy sa press conference ng kanilang programa sa Pivo Bar and Restaurant sa Pasig City.

Ayon kay Ping, wala siya masyadong experience pag dating sa hosting kaya naman ikinagulat niya nang kunin siya ng mga producers para mag-host ng isang TV program. “Naisip ko, ‘Ano bang kinukuha ng mga to para maghost? Bakit ako?’

“Parang ever since gusto ko na rin, I guess yun.”

Dagdag pa ng aktor, dalawang beses lang siya nakasubok maging TV host, “Dati may show sa channel 2 yata, nag-sub lang ako. Nag-sub lang ako, wala yung host. Tapos, yung last yung sa CNN segment. Yung sa CNNGo.

“Nagpunta sila dito tapos nag-feature sila, tapos pinalabas nila around the world.”

Gaya ni Ping, ang co-host niya na si Bernadette ay baguhan din pagdating sa hosting.

“Anything na ganitong format ngayon lang po talaga,” sabi ng Congresswoman sa press.

“Kaya hindi ko lang po alam kay Myles [Gamboa] kung anong ginawa ko kung bakit ako po ang pinag-experimentuhan.

“Dahil wala naman po talaga sa linya ko ito.

“Except yun nga, yung pag-SONA [State of the Nation Address]. Kinukuha nila ako because, yun nga, related yung topic and kaya mag-banter pag sa TV.

“Pero other than that, anything like this first time ko po talaga.”

Makakalaban ng kanilang programa ang Sunday All Stars ng GMA Network at ang ASAP 18 ng ABS-CBN. May pressure ba sa kanila ngayong dalawang mabibigat ng variety shows ang makakalaban ng kanilang programa?

Sagot ni Ping, “Sa ‘kin hindi ko na iniisip, e, kasi talagang gusto ko lang siyang i-enjoy.

“First time ko mag-host tapos ang dami kong nami-meet na mga amazing Pinoy na nakakabilib, na ang gagaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos masaya yung production, yung crew. Masaya kasama si BH [Bernadette Herrera-Dy].

“So, ine-enjoy ko lang siya kasi pag-ine-enjoy mo naman, lalabas yun sa trabaho mo, e.

“And hopefully, pag nag-translate yun sa screen, pumick-up yung audience.

“So sana magkaroon siya ng following in the coming weeks.”

Aminado naman si Bernadette na na-pressure din siya ngayong dalawang malaking variety shows ang makakabangga ng kanilang programa.

Aniya, “It’s a first stint for me. Siyempre gusto naming tumagal. Gusto namin maging successful yung episode, yung season.”



PHILIPPINE RECORDS. Ang mga record-holders na hindi mabibigyan ng pagkakataon ma-feature sa programa ay mabibigyan naman ng pagkakataong makilala sa pamamagitan ng librong balak nilang ilabas na may parehong titulo.

Ayon sa Program Producer na si Myles Gamboa, ilalabas ang book version ng kanilang programa sa susunod na taon. “The first edition of the book will be published first quarter of next year after compiling everything that we have covered from this show and from the research.”

Dagdag naman ni Bernadette, “Ang daming records dito sa Pilipinas na hindi nado-document.

“We have many attempts to join the Guinness but we fail.

“But even if we fail, it’s still a record in the Philippines and yet, it’s not documented.

“So ako talaga, I would like to see the book come into ano, parang magkakatotoo siya.”

Ayon pa host-politician, maigi nilang pinaghahandaan at niri-research ang bawat record-holder na ilalagay nila sa libro kasabay ng paggawa nila ng programang ito.

Aniya, “While we’re doing this [show], we’re compiling.

“Tapos yung mga hindi namin pwede ilabas sa TV, naka-compile din.

“So unti-unti naming kino-compile lahat kasi siyempre, kahit papa’no kailangan medyo makapal-kapal yung libro natin.

“So medyo mas matagal talaga yung preparation ng book.

“At saka yung pag-document and then print din talaga, importante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very factual and verified lahat-lahat ng ilalagay dun.”

Kabilang sa mga mauunang i-feature ng programa ay ang Guinness World Record-holder na si Herbert Chavez na bumisita rin sa press conference ng programa. Si Herbert ang naitalang may pinakamalaking Superman collection.

Ayon kay Herbert abot na araw sa 5,000 Superman collectibles ang meron siya ngunit 1,253 lang dito ang opisyal na itinala ng Guinness Book of World Records.

Si Herbert rin ay tinuturing na "Pinoy Superman" dahil nag-undergo na ito ng 19 surgical procedures para maging kamukha ng fictional character na si Clark Kent (alter-ego ni Superman).


Para naman sa programa, pumayag si Herbert na i-cover ang kanyang ika-20th surgery na ginanap nitong Miyerkules, September 25. Ang ipinagawa naman ngayon ni Herbert ay ang kanyang puwet.

Kuwento ni Herbert, “First time po ipapakita sa Philippine TV kung paano po ako ginawa kasi yung may hawak ng…

“Kasi ang National Geographic, sila lang ang kumuha na ipinakita talaga nila yung may dugo kasi yung iba, ayaw nila maniwala na ginawa ako.”

“So, nung ginawa yung ilong ko, sila yung gumawa pero exclusive sa kanila.”

Ipapalabas ang Philippine Book of Records sa GMA News TV Channel 11 ngayong Linggo, September 29, simula 2 p.m. hanggang 2:30 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN