Derek Ramsay admits receiving "many offers" from women

Just like his character in For Love or Money, Derek Ramsay admits that he gets offers from the opposite sex. How does he react to these offers? "Gaya ng sinabi niyo, pera, hindi lang sasakyan, among other things. Pero, bago ko pa malaman ang alok, sinasarado ko na.”


Ipinapanood sa ilang entertainment press ang pilot episode ng bagong teleserye ng TV5, ang For Love or Money na nasa ilalim ng direksiyon ni Mac Alejandre. Sa halip na gabi-gabi puwedeng mapanood sa telebisyon ay tuwing Huwebes ng gabi lamang ito mapapanood simula sa October 17.

Bida rito sina Derek Ramsay, Alice Dixson at Ritz Azul.

Puwedeng sabihin na mapangahas din ang tema ng drama series na ito ng TV5 kunsaan, misis ni Derek si Ritz, pero, matutukso siya sa malaking perang alok ni Alice para magkaroon ng “affair” dito. Ang karakter ni Alice ay magbibigay ng initial offer na P5 million upang magkaroon ng 10 days of "companionship" with Derek.

Ayon kay Derek, nang makausap namin siya sa ginanap na press conference ng For Love or Money sa Mario’s Restaurant sa Tomas Morato, “Marami kaming matitinding eksena na hindi ko nga alam kung paano ipapalabas yun sa TV.

“Matindi talaga, e.

“Yung character ko rito, mahal na mahal ko ang asawa ko. Pero, magbi-break din ang character ko rito, sa pressure ng desisyon na ginawa namin. Sa pressure ng hirap sa buhay, I’ll open up myself to a whole new world. Sa isang babaeng mayaman, pero, makikita ko na hindi lang siya mayaman, tao rin siya na marunong magmahal.

“Magiging malaking problema na parang pumayag sa offer, pero, mas lalong lalaki at mahihirapan ang tatlong character.”

Puwedeng ihalintulad sa Hollywood film na Indecent Proposal ang tema ng bago nilang serye. Naisip din namin ang blockbuster movie ni Derek may tatlong taon na ang nakalilipas, ang No Other Woman na parang may pagkakahawig ang tema sa bago nilang serye.

Pero, itinanggi ni Derek na magkapareho o magkahawig man lamang ito.

Aniya, “It’s very different.

“Kasi, sa No Other Woman, makikita mo ang character ko r'on, medyo weak. Makikita mo ang weakness niya nang sabihin ni Anne [Curtis] na 'kiss me, but don’t you dare fall-in-love with me.' Ang reason niya r'on, [it] wasn’t money but lust, physical attraction. I’m just gonna use you for sex.

“Dito, may temptation na pera, kailangan talaga ng mag-asawa.”
Sila naman ni Ritz ay ilang beses na raw na nagsama at nagka-trabaho sa mga naging proyekto nila sa Kapatid network.

Ayon kay Derek, “She’s the best thing. To describe her is fun. She’s always asking for information, advice and guidance. She’s so young but immersed in challenging and mature roles. Kapag nagsisigawan siya ng director o nakakagalitan, hindi siya yung nagagalit o nai-insulto.

“She does her job well.”
Kadalasan, ang mga karakter na ginagampanan ni Derek mapa-pelikula o teleserye man ay nandiyang pinagnanasaan talaga siya ng mga babae o pinag-aagawan.

Sa totoong buhay, may pagkakataon nga ba na sa sobrang kagustuhan sa kanya ng isang babae, inalok siya ng pera o anumang materyal na bagay?

“I have many offers,” saad niya.

“Gaya ng sinabi niyo, pera, hindi lang sasakyan, among other things. Pero, bago ko pa malaman ang alok, sinasarado ko na.”

Malaking bagay kaya na nakakaya niyang tanggihan dahil alam naman ng karamihan na nanggaling siya sa mayamang pamilya?

“Hindi, e, the thing is, ever since I graduated, hindi na ako humingi ng pera sa mga magulang ko. Pagkatapos nila akong pag-aralin, sila naman ang mag-enjoy. Walang-biro ang ginastos nila. Pinag-aral nilang lahat kami sa magagandang eskuwelahan.

“So ako, it’s my turn to give back. Kahit hindi nila kailangan, ayokong tumanggap ng pera sa kanila. I have to make a name for myself. I have to make my own life. I idolized my father for everything that he’s done and I wanna follow his footstep to make a name and make a life for myself.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN