Michael Roy Jornales, pinaputok ang labi ni Biboy Ramirez sa "Pinoy Mano-Mano"


Duguan at may putok sa labi si Biboy Ramirez (asul)pagkatapos nilang maglaban ni Michael Roy Jornales (pula) sa Pinoy Mano-Mano noong Sabado, November 3.



Duguanat putok ang labi ni Biboy Ramirez nang bumaba ng ring sa laban nila ni MichaelRoy Jornales sa Pinoy Mano-Mano: The Celebrity Boxing Challenge nitongnakaraang Sabado, November 3, sa ABS-CBN. Itinanghal na panalo si Michael Roy by unanimous decision.

Nagingmainit ang laban nina Biboy at Michael sa huling round dahil ibinuhos nanilang pareho ang kanilang natitirang lakas para patunayan kung sino sa kanilaang mananalo.

Peronabigo si Biboy nang i-announce na si Michael ang panalo sa kanilang match atmaluwag naman nitong tinanggap ang pagkatalo.

Saundercard ay muling lumaban ang tumalo kay Juddha Paolo last week na si JohnHall, katunggali ang six-footer na si Gerard Montes.

Katuladni Juddha, balikat din ang idinaing nitong si Gerard kaya itinigil ng refereeang laban sa round 3 ng kanilang laban at itinanghal muli na panalo si John.

Nakitarin namin na may sugat sa kanyang ilong itong komedyanteng si Gerard dahil samalalakas na natamo nitong suntok galing sa undefeated na si John Hall.

Nangin-interview ng TV crew ng ABS-CBN ay narinig naming sinagot ni Gerard angtanong ng reporter kung kumusta naman siya? Ang sagot nito ay "Okey lang naman,kaya ko naman ang mga suntok niya."

Sacrowd ay nakita naming nanood ang ilan pang mga celebrities gaya ni PoloRavales. Tinanong siya ng Pinoy Mano-Mano co-host na si Bayani Agbayanikung iimbitahan ba siya na lumaban sa Pinoy Mano-Mano ay pagbibigyan baniya. Sagot naman ng Kapuso star na okay lang.

Katabini Polo sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo, pero nang makita namin ito ay sweetna sweet ang dalawa na tila walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanila.Kung si Polo ay okay sa kanya na lumaban sa celebrity boxing match, para kayJake naman ay puwede rin pero saka na lang daw.

Presentdin ang sexy vegetarian na si Alicia Mayer, ayon dito tuwing may laban daw siJohn Hall ay lagi siyang nanonood. Ayon naman kay Bayani magkaibigan daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansindin naming full support ang rumored pregnant girlfriend ni Biboy na si JackieRice dahil present din ang kanyang beauty sa araw na iyon, pero taliwas sanababalitang buntis ay sexy at hindi malaki ang tiyan ng StarStruck Batch 3 UltimateSurvivor nang pumunta sa bakuran ng ABS-CBN.

Pagkataposng laban ay sandali naming naka-usap itong si Michael at sinabi niya sa PEP(Philippine Entertainment Portal), "Masaya ako dahil siyempre nanalo ako, kayalang nung makita ko si Biboy na nagdugo ang ilong at may tatlong bitak sa labiay nalungkot ako.

"Kasimagkaibigan kami hindi ko naman gusto na magkaganun siya, pag-akyat mo kasi ngring hindi mo na naiisip na kaibigan mo yung makakalaban mo, ang tanginginiisip mo lang ay kung paano mo siya matatalo," paliwanag ni Michael.

Sasusunod na Sabado, November 10, ay nakatakdang maglaban ang dalawang datinghousemates na sina Rico Robles at Rico Barrera. Si Rico R ay sumali sa PinoyBig Brother Celebrity Edition 1 samatalang si Rico B ay kasama sa PBBSeason 1. Sino kaya sa dalawang ito ang bibigyan ng task ni Big Brothersakaling matalo?

Abangan ang kanilang laban sa Pinoy Mano-Mano: TheCelebrity Boxing Challenge sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol Sabado.Ang reality boxing competition na ito ay ipapalabas ng 8 pm with hosts CesarMontano at Bayani Agbayani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN