Isabel Granada says KathNiel tandem reminds her of past loveteam with Chuckie Dreyfuss

Isabel Granada is part of Got To Believe, the teleserye of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.



Masaya si Isabel Granada sa pagbabalik niya sa ABS-CBN. Isa si Isabel sa bagong karakter na ipinakilala recently sa top-rating Kapamilya teleserye na Got To Believe na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ginagampanan dito ni Issa (nickname ni Isabel) ang karakter na si Tessa Zaragosa, ang nanay ng 2013 Star Magic Circle member na si Jon Lucas, na magiging karibal naman ni Daniel kay Kathryn.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Issa last October 24 sa pamamagitan ng Facebook at ipinahayag ng aktres ang kagalakan sa muling pagtatrabaho sa Kapamilya network dahil binigyan siya ng role na sa tingin niya ay angkop sa kanyang personalidad.

“I’m happy po sa role ko rito, with my Spanish accent, bagay na bagay. Kasi, Spanish speaking kami ni Mama ko [Mommy Guapa]. Kaya bagay talaga po sa character ko.

“Anak ko rito si Jon Lucas na karibal ni Daniel kay Kathryn … Kami yung happy family na hindi matapobre kahit na rich... Compared kina Mina [Carmina Villaroel] na rich, pero puro problema naman ang family nila,” panimula ni Isabel.

“Bale comeback show ko po ito sa ABS CBN at maganda ang entrance, awesome role.

“Last show ko po sa Dos ay Sa Puso Ko Iingatan Ka with Piolo [Pacual] and Judy Ann [Santos] noong 2002 pa yun,” pahabol pa niya.

Parang may reunion ang mga taga That’s Entertainment dito sa Got To Believe dahil nandito si Issa, Carmina, Manilyn Reynes, Ian Veneracion, at Jojo Alejar na pawang member ng dating youth oriented TV show ni German Moreno sa GMA Network.

“Opo, korek Kuya, hahaha! Parang reunion ng That’s ito,” nakatawang saad pa ng aktres.

Parang si Kuya Germs na lang ang kulang?

“Iyon po mismo, si Kuya Germs na lang ang kulang talaga at parang reunion na,” sagot pa ng aktres.

Mas okay bang magtrabaho kapag dati na kayong magkakasama o dati na kayong nagkatrabaho ng co-stars mo?

“Okay naman makasama ulit ang mga dati mong katrabaho, pero ang masasabi ko, hindi naman lahat ng bago ay mahirap katrabaho.

“May mga celebrities pa rin kasi na kahit baguhan sila ay okay at magalang makatrabaho. Iyong tipong may respeto at kinikilala nila iyong mas nakauna sa kanila sa showbiz… and nakakatuwa talaga kapag ganoon, e.”

Ano ang masasabi mo kay Kathryn Bernardo?

“She is a sweet girl and serious about her work. Makikita mo na dedicated siya bilang aktres, na mahal niya talaga ang kanyang trabaho at gusto niya ang kanyang ginagawa.”

Nakikita mo ba sa taping ninyo kapag off-cam kung gaano inaalagaan ni Daniel si Kathryn at kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa?

“Naku, sorry po, hindi kasi sila magkasama sa scenes na kasama ako.

“Si Kathryn pa lang po ang nakaka-eksena ko, Kuya, kaya hindi ko pa masabi kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa kapag off-cam na.”

Ano sa palagay mo ang rason kung bakit sobrang lakas ang dating sa fans sa tandem nina Kathryn at Daniel?

“I guess it’s because they are both sweet and charming and maganda talaga ang chemistry nila sa screen, e.

“I remember kami ni Chuck [Chuckie Dreyfuss na ka-love team ni Issa noong young stars pa sila], tulad namin noon, alam nila Daniel at Kathryn kung paano pakikiligin ang fans nila. Kaya nakakatuwa talaga ang mga bagets na ito.”

Dagdag pa ni Issa, “Iyong kilig factor kina Kathryn at Daniel, in the house talaga, e. Nakaka-konek sila sa masa, lalo na sa youth o mga kabataan.

“And sa nakikita ko rin, wholesome din kasi talaga ang image nila, kaya marami silang fans. Sa tingin ko ay mahalaga rin ito at nakakatulong din ito, e.”

Nabanggit din ni Issa na nagpapasalamat siya at hanggang ngayon ay active pa rin siya sa pag-arte at pagkanta.

“Of course, I’m happy at nagpapasalamat ako. I feel very blessed nowadays, kasi... nandito pa rin ako at love pa rin tayo ng viewers, ng fans natin.”

So, naniniwala ka na ang mga katulad ninyo ni Manilyn ay may ibubuga pa at kaya pang magpakilig ng fans?

Tawa muna ang naging reply si Issa. “Hahaha! Asim talaga ang peg namin, hahaha! Hmmm… well, let’s just say na nagbu-bloom pa rin naman kami, hehehe!”

Pahabol pa ng aktres, “Actually, bukod sa paging active sa TV, nagsu-shows pa rin ako. Like may show ako sa Singapore sa October 30 sa Platinum Music World Disco Bar, Lucky Plaza. Ang title nito ay Isabel Granada, Live in Singapore!

“And pasensiya ka na Kuya kung napuputol ang chikahan natin, nasa campaign kasi ako now dahil kandidato ang bayaw kong si Tom Aguas for kagawad sa Barangay Balibago at tinutulungan ko siya. So, medyo busy din po.”

At press time, binalita ng aktres na nanalo si Tom Aguas at naging top kagawad sa Barangay Balibago sa Angeles City.

May sikreto ba ang isang Isabel Granada sa pagiging active at in-demand pa rin sa showbiz, kahit iyong ibang contemporaries niya ay hindi na napapanood o retired na?

“Sikreto? I have always worked a hundred percent and I enjoyed every moment along the way.

“Being positive, importante po iyan sa trabaho at sa buhay natin as a whole. Isa pa, mahal ko ang aking trabaho at mahal ko ang mga katrabaho ko, the cast, staff and crew, ganoon po.”

Kamusta na kayo ni Geryk Aguas at gaano siya ka-supportive sa career mo?

“Okay naman kami, we support each other’s career...

“Pareho kaming busy lagi, pero I see to it na hindi napapabayaan si Hubert,” saad pa niya tungkol sa 10-year-old na anak.

Si Geryk ang mister ni Issa na naging numero unong konsehal sa Angeles City noong nakaraang halalan.

Kung sakali bang mahilig sa showbiz ang anak ay papayagan niya itong mag-artista?

“Opo naman, kung hilig niyang mag-artista ay okay lang sa amin. We will support him kung like din niyang mag-showbiz talaga.”

Lastly, 10 years old na ang kanilang anak at nag-iisa lang iyan, may balak ba kayong sundan na si Hubert?

Sagot ni Isabel: “Wala pa siguro, baka kapag may time na at saka na lang namin iisipin kung dapat ng masundan si Hubert. Hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN