Marian Rivera, Lorna Tolentino, Kris Aquino, Michael V. score nominations at Asian TV Awards 2013

Kabilang sa mga nakakuha ng nominasyon sa 18th Asian Television Awards sina (mula kanan) Marian Rivera, Lorna Tolentino, Kris Aquino, Michael V. Sa kabuuan, siyam na nominasyon ang nakuha ng Pilipinas.


Siyam na nominasyon ang nakuha ng Pilipinas sa Asian Television Awards 2013—apat para sa performance o hosting at lima para sa buong programa.

Magtutunggali para sa kategoryang Best Actress In A Leading Role sina Marian Rivera at Lorna Tolentino.

Nominado si Marian para sa pagganap niya bilang isang martir na asawa na naghiganti sa huli, sa GMA primetime series na Temptation of Wife.

Si Lorna naman ay napansin para sa pagganap niya bilang isang publisher na nagkarelasyon sa boyfriend ng kanyang anak, sa GMA primetime series na Pahiram Ng Sandali (Chasing Moments).

Makakalaban nina Marian at Lorna sa kategoryang ito sina Jade Chou (Falling, Taiwan); Debbis Goh (Mining Magnate, Malaysia); Kate Tsui Tsz-shan (Highs and Lows, Hong Kong); at Wen-Lin Fang (Go, Hula!, Taiwan).

Nominado naman bilang Best Entertainment Presenter/Host si Kris Aquino para sa daily morning talk show niya sa ABS-CBN, ang Kris TV.

Ang mga kalaban ni Kris sa kategoryang ito ay sina Oli Pettigrew (Kids vs Film, Singapore); Krit Sripoomseth (Fan Pan Tae, Thailand), Phanya Nirunkul (Ching Roi Ching Larn Sunshine Day, Thailand); at Bryan Wong (Jobs Around the World, Singapore).

Muli namang na-nominate si Michael V. sa kategoryang Best Comedy Performance By An Actor/Actress, para sa GMA gag show na Bubble Gang.

Ang iba pang nominado ay sina Alaric Tay (The Noose Season 6, Singapore); Cyrus Broacha (The Week That Wasn't, India); Jan Chin (Love Compulsory, Malaysia); Jack Yap (Love Compulsory, Malaysia); Chua Enlai (Random Island, Singapore); at Chua Enlai (The Noose Season 6, Singapore).

Dalawang beses nang nanalo si Michael V. sa kategoryang ito—noong 2005 at 2006. Ngunit halos taun-taon ay nanu-nominate siya.

Parehong nominado bilang Best News Programme ang 24 Oras at Saksi (Eye-Witness) ng GMA.

Napansin ang dalawang news programs ng Kapuso network para sa kanilang coverage ng Bagyong Pablo.

Ang iba pang nominees for Best News Programme ay ang mga sumusunod: CNN Newsroom Live from Hong Kong (CNN International, Hong Kong); News Magazine: October 1 Maritime Tragedy (TVB, Jade Channel, Hong Kong); Squawk Box Asia (CNBC Asia Pacific, Singapore); at Newsday (BBC World News, Singapore).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang naman sa nominees for Best Current Affairs Programme ang Reporter's Notebook ng GMA, para rin sa coverage nito ng Bagyong Pablo.

Makakalaban ng Reporter's Notebook ang 101 East: Everest 60th Anniversary (Al Jazeera English TV, Malaysia); Witnessing The World From Taiwan - An FTV Exclusive From Within North Korea (Formosa Television, Taiwan); Okinawa and Guam: Islands Seeking Their Own Destiny (NHK, Japan); GET REA! China's Ailing Healthcare Industry (Channel NewsAsia, Singapore); at Asia's Underworld – Illegal Gamblers (Crime & Investigation Network, Singapore).

Kabilang naman sa mga nominado sa kategoryang Best Natural History or Wildlife Programme ang Born Impact: When Wales Strand ng GMA.

Ang ibang nominees: Malaysia From Below (FOX International Channels Asia / National Geographic Channel, Hong Kong); Panda's Wild Move (FOX International Channels Asia / National Geographic Channel, Hong Kong); War of the Whales Orca Attack! (NHK, Japan); The Great Flight (KNN, Korea); at The Attack of 1.5 Degrees, The Sea of Jeju (MBN, Korea).

Ang huling nominasyon ng Pilipinas ay para sa Best Reality Show, na nakuha ng The X Factor Philippines ng ABS-CBN.

Makakalaban nito ang What Not to Wear (TLC, Singapore); Community Hero (CCTV-12, China); The Big Break (Asian Food Channel, Singapore); Mission Covershot (National Geographic Channel, India); The Master Season 5 (RCTI, Indonesia); at Hot Guys Who Cook Season 2 (NBCUniversal / DIVA Universal, Singapore).

Sa kabuuan, pito ang nakuhang nominasyon ng GMA at dalawa naman sa ABS-CBN.

Kahapon, November 13, inanunsiyo ng organizing publication na Television Asia Plus ang listahan ng finalists para sa annual awards na kumikilala sa mga natatanging trabaho sa telebisyon ng iba't ibang bansa sa Asya.

Iaanunsiyo ang mga nanalo sa 18th Asian Television Awards, sa pamamagitan ng awards/gala ceremony na gaganapin sa Singapore, sa Resorts World Sentosa, Compass Ballroom, sa December 5, 2013.

For the complete list of nominees, clik here: http://ata.onscreenasia.com/ata2013/nomination-list.asp

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN