Kylie Padilla reacts to those comparing Adarna to defunct fantaserye Mulawin

Kylie Padilla (in photo) has three leading men in her new primetime series Adarna, namely Benjamin Alves, Mikael Daez, and Geoff Eigenmann.



Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie Padilla kung ano ang masasabi niya sa obserbasyon ng ilan na inspired by Mulawin daw ang upcoming primetime series niyang Adarna.

Ang Mulawin ay ang 2004 fantasy drama series ng GMA Network na pinagbidahan noon nina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Ang mga karakter dito ay mga taong ibon na naglalaban-laban.

Samantala, ang Adarna naman ay tungkol sa mga taong-ibon na nakatira sa Pugad Sanghaya. Ang mga nilalang na kayang manggamot sa pamamagitan ng kanilang mga tinig ay tinatawag na Adarna.

Ayon kay Kylie, “Actually, blessing na hindi ko napanood yung Mulawin, kasi, hindi ko makukumpara. Siguro, sa mga tao na lang.

“Kasi, gusto ko fresh and fresh naman talaga, kasi, hindi ko napanood. Pero siguro, kaya nila nasasabi kasi, the first time they see it, may pakpak ako. Pero, kapag napanood na nila, maiiba.”

Tatlo ang leading men ni Kylie sa Adarna: sina Benjamin Alves, Mikael Daez, at Geoff Eigenmann.

Ngayon daw, kumportable na siya sa kanilang tatlo.

“Masaya ko kasi, kumportable na ko sa kanila, wala na yung ilangan. Kasi si Geoff, kasama ko sa gym. Si Benjamin sa [soap opera na] Unforgettable at si Mikael, sa workshop, nakasama ko na.”

Kanino siya pinaka-nailang?

“Si Geoff!” mabilis na sagot niya.

“Kasi, ang tingin ko sa kanya, brother, pare. Kasi, one of the boys ako, tapos, biglang sa kanya ako mai-in-love. Parang, 'wait lang…'”

Si Geoff ang gusto ng karakter niya. Si Benjamin naman ang best friend niya at si Mikael ang protector niya.

Sa tatlo, si Geoff lang ang “human” talaga at ang dalawa ay taong ibon rin.

“Si Mikael ang good bird, si Benjamin ang bad.”



UPCOMING MOVIE WITH BB. Naging usap-usapan na may upcoming movie si Kylie, ang kanyang ama na si Robin Padilla at ang kanyang tiyahin na si BB Gandanghari.


“Ah, ang totoo no’n, hindi siya kasama. Pero, ang story non, makukulong si Papa. Paglabas niya, BB na.”

Posibleng sabay raw sa pagti-taping niya ng Adarna at pagsu-shooting ng movie nilang tatlo ng Papa niya at ni BB.

“Sabi ko nga, ano ang gusto niyong gawin sa akin?” pabirong sabi ni Kylie.

“Pero, gusto ko ang character ko ron, boyish siya. May pagka-comedy yung movie. First time ko kaya excited din ako.”

Sa huli, tinanong namin si Kylie kung ano ang nararamdaman niya na ngayong Lunes na mapapanood ang una niyang primetime series.

“Siyempre, sobrang saya ko talaga kasi, lahat ng umaarte sa mga shows, pangarap talaga ang primetime. Pero, ayokong ilagay sa isip ko masyado. Kasi, ayokong masyadong mangyari sa akin na lalaki ang ulo ko, ayoko yun.

“At saka, ayokong masyadong isipin ang pressure.

“Magtatrabaho na lang po ako. Ang iniisip ko na lang po ang character. Galingan ko na lang bawat eksena, magugustuhan din ng tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN