Jennylyn Mercado on Rhodora X leading man Mark Herras: “Ever since, special talaga ang relationship namin."

Jennylyn Mercado is reunited with former love team partner and ex-boyfriend Mark Herras for GMA-7's upcoming teleserye Rhodora X.



Sa Rhodora X, muling magtatambal ang magka-loveteam at dating magkasintahan na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Ibinabalik ba ang loveteam nila ni Mark ng GMA Network ngayong pareho silang single?

“Ako po, single, absolutely,” natatawang sabi ni Jennylyn, na kamakailan ay nabalitang hiwalay na sa ex-boyfriend na si Luis Manzano.

Si Mark naman ay hiwalay na rin mula sa ex-gf na si Ynna Asistio.

May binalikan na ba si Jennylyn sa naging past boyfriends niya?

“Wala, wala akong babalikan at wala akong binalikan,” sabi niya.

“At saka, alam nilang lahat yun, wala naman akong binalikan. May ganung image ba ko? Wala naman.”

Posible kayang mabago ang pag-iisip niyang ito ngayong sila ni Mark muli ang magka-trabaho?

“Si Mark kasi, ever since, special talaga ang relationship namin. Maganda kaming naghiwalay, maganda ang pinagsamahan namin at ang dami naming
experiences together. Maraming memories na magaganda pa rin.

“Hanggang ngayon, talagang matibay pa rin ang friendship namin at yun ang maipagmamalaki ko sa mga tao na, tingnan niyo kami, hanggang ngayon na okay pa rin. Lalo na yung Batch 1 (referring to GMA-7's defunct artista search StarStruck).”

Ibang challenge naman daw kay Jennylyn ang bago niyang primetime series na posibleng sa pagpasok ng taong 2014 mapapanood.

Ang karakter ni Jennylyn ay si Rhodora na may split personality disorder.

Kuwento niya tungkol sa kanyang karakter, “Very traumatic yung childhood ko.”

Naisip ba niya na parang may similarity ito sa childhood niya? Noong four years old kasi si Jennylyn ay nabugbog siya ng partner ng kanyang ina noon.

“Ito, iba… kinidnap, minolestiya. Talagang very traumatic yung childhood ni Rhodora. Kaya noong time na yun, lumabas ang dual personality ni Rhodora. May naging masama, may naging mabuti.”

Dugtong pa niya, “Interesting siya. Yung lalabas na character ko, interesting siya kasi, may mabait, may hindi.

"Ako rin yun at hindi dalawang tao na magkahiwalay.

“First time rin mapapanood sa primetime sa TV. First time naming maise-share kasi, iba ang character ni Rhodora. Meron siyang personality disorder.

"Kakaiba siya, kasi, gusto naming ma-realize ng mga viewers kung gaano ba nila kakilala ang mga taong mahal nila sa buhay.

“Gusto naming itanong sa mga tao at ipakita sa mga tao kung gaano niyo ba kakilala ang mga malalapit sa inyo at mahal niyo sa buhay. Very interesting,” sabi niya.

Nang malaman daw niya ang karakter niya sa Rhodora X, naisip din daw niya kung may pagkakataon na tila nagiging dalawa rin ang personalidad niya.

Natatawang kuwento pa niya, “Inisip ko rin ‘yan. Habang pinag-aaralan ko ang character, iba. Yung on-the-spot, kausap niyo 'ko, tapos bigla na lang, iba na ko. Pero, hindi, wala namang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN