Rico Robles pinadugo ang ilong ni Rico Barrera sa "Pinoy Mano-Mano"


Dahil ambidexterous si Rico Robles (in red) maaari siyang sumuntok gamit ang kanan at kaliwa niyang kamao, isang bagayna naging advantage niya sa laban nila ni Rico Barrera (in blue). Itinanghal na panalo si Robles sa November 10episode ng PinoyMano•Mano: The Celebrity Boxing Challenge, kung kaya't pasok na siya sa semi-finals ng realityboxing show.



RefereeStop Contest (RSC) ang naging dahilan kung bakit itinigil ang laban nina RicoBarrera at Rico Robles sa November 10 episode ng Pinoy Mano• Mano: The Celebrity Boxing Challenge. Ang laban ay tinaguriang Battle of theHousemates dahil si Barrera ay naging parte ng Pinoy Big Brother Season 1, samantalang si Roblesay sumali sa first batch ng PBB Celebrity Edition.

Saloob ng Studio 10 ng ABS-CBN, nagingmainit ang bakbakan ng dalawa, ngunit sa huli ay nagwagi si Rico "The TruthBehind the Booth" Robles laban kay Rico "Sinner" Barrera. Malaki ang lamang niRobles sa puntos dahil sa dami at lakas ng kanyang mga suntok kay Barrera, nasiyang naging dahilan upang dumugo ang ilong ni Barrera simula Round 1 hanggangsa magtapos ang laban.

Itinigilng mga hurado ang laban ilang segundo bago matapos ang ikatlong round dahil sapaglampas ni Robles sa compulsary count limit, na siya nitong ikinapanalo.

Malungkotnaman si Rico Barrera nang interberyuhin ni Bayani Agbayani, co-host ni CesarMontano sa PMM. "Di ko talaga nabigayyung 100 percent ko dahil hirap akong gamitin yung kanang kamao ko. Na-sprainkasi ito for three weeks," paliwanag ni Barrera.

Sa unang round ay sunod-sunod na pinakawalanni Barrera ang kanyang kamao papunta kay Robles, pero hindi man lang kinakitaansi Robles ng pagkahilo, dahil sa mahina ang dating ng mga suntok ng kalaban.

Nang si Robles naman ang magpakawala ng mgapunches ay nakita naming naalog ang ulo nitong si Barrera sa lakas ng mgatumama sa kanya. Kaya naman sa Round 1 pa lang ay duguan na ang ilong nito atpuro galos na ang mukha.

Lalong tumindi ang pagdurugo ng ilong niBarrera sa Round 2, dahil sa halos mga solid na tinamo nitong suntok galing kayRobles. Sa kalagitnaan ng Round 2 ay nagawa pang magsayaw bahagya ni Robles ngsteps ng "Pinoy Ako," ang PBB theme song upang kutyain si Barrera. Sa ikatlonground ay napilitan nang ipahinto ng referee ang laban via RSC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, kahit natalo itong siBarrera ay nanatili pa rin ang pagkampi sa kanya ng kanyang mga formerhousemates na sina Cassandra Ponti at Nene Tamayo-Plamio, kasama ang asawanitong si Anthony.

Sa audience ay namataan din naming sabay nadumating at nanood ng laban ang loveteam partners na sina Melissa Ricks atMatt Evans, na sumusuporta kay Rico Barrera.

Nang tanungin si Robles kung ano ang kanyangsusunod na hakbang, ay lalo pa daw niyang pag-iibayuhin ang pag-eensayo.


"I'm going to work on my defense. Whatyou saw there was only a quarter of what I can do," sabi ni Robles.

Tatlo na ngayon ang kasali sa semi-finals napinagunahan ni Jordan Herrera, sinundan ni Michael Roy Jornales at ito ngang siRico Robles. Isang kalahok na lang ang kailangan at sa darating na Sabado,November 17, ay magtutuos na sina Joem Bascon at ang dating Gwapings at ngayonay konsehal na si Eric Fructuoso.

Sino kaya sa dalawaang mananalo at mapapasama sa semi-finals—si Eric kaya o si Joem? Abangan angkanilang laban sa Pinoy Mano•Mano: The Celebrity Boxing Challenge,pagkatapos ng XXX. May replay ang laban tuwing Linggo bago ang Ka Pete Na! saABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN