Rafael Rosell, Camille Prats, and TJ Trinidad topbill The Borrowed Wife



PRESS STATEMENT FROM GMA-7, published as is:


May sapat bang dahilan para ipahiram mo ang iyong asawa?

Ngayong January, inihahandog ng GMA Network ang pinakabagong dramang aabangan sa hapon, ang The Borrowed Wife.

Pinangungunahan ito nina Camille Prats at Rafael Rosell kasama sina TJ Trinidad at Pauleen Luna.

Ang The Borrowed Wife ay isang kuwento tungkol sa love, obsession at kung paano magbabago ang buhay ng isang tao dahil sa isang pagtataksil. Iikot ang istorya sa buhay nina Maricar (Camille Prats), Richard (Rafael Rosell), Earl (TJ Trinidad), at Tessa (Pauleen Luna).

Sa kuwento, matalik na magkaibigan sina Maricar at Tessa ngulit dahil mas malakas ang personalidad ni Tessa at mabait at simpleng babae si Maricar, naging sunod sunuran ang huli kay Tessa. Nagtatrabaho sa spa and wellness business ni Tessa si Maricar. Ngunit nalamangan niya ang kaibigan nang siya ang niligawan at pinakasalan ni Richard, ang lalakeng pinakamahal at hinangad ni Tessa.

Mas pinili ni Maricar na maging isang full time wife at mother kay Richard at sa kanilang anak. Subalit magbabago ang lahat ng maghiganti sa kanila si Tessa. Mahuhuli ni Maricar ang pagtataksil ng dating kaibigan at asawa. Hindi naiwasan ni Richard ang panunukso at pang-aakit ni Tessa at huli na ang kanyang pag-sisisi dahil nawala na lang bigla ang asawa. Hindi na siya makawala kay Tessa, lalo na’t inakalang patay na si Maricar.

Walang sino mang nakakaalam sa desisyon ni Maricar na lumayo. Ngunit isang sunog ang makapagbabago ng kanyang buhay. Pagkagising niya mula sa aksidente, wala na siyang naalala. Iba na rin ang kanyang mukha at pagkatao, siya na si Sophia, ang girlfriend ni Earl, ang estrangherong nakilala niya bago ang aksidente. Sunud-sunuran siya kay Earl sa di maintindihang mundo bilang Sophia, hanggang higit siyang nalito nang muling makaharap ang di nakikilalang asawa at anak. Samantala, mahuhulog din ang loob ni Richard kay Sophia, ang hindi niya nakikilalang asawang nawawala.

Babalik pa kaya ang alaala ni Maricar? Ano ang gagawin ni Earl kapag nalaman niya na ang babaeng pinalitan niya ng mukha at pagkatao ay ang asawa ni Richard? Ano ang gagawin ni Tessa kapag nalaman niyang buhay pa ang dating karibal, na si Sophia at si Maricar ay iisa? Magagawa pa kaya ni Richard na mabawi ang asawang inakala niyang patay na?

Makakasama rin sina Ms. Caridad Sanchez, Yayo Aguila, Sherilyn Reyes at Kevin Santos. Mula sa direksyon ni Gil Tejada Jr., alamin ang kuwento ng The Borrowed Wife ngayong January sa GMA Afternoon Prime.

Ang creative team ay binubuo nina Jun Lana, Creative Director; Roy Iglesias, Afternoon Prime Head; Des Severino, Creative Consultant; Denoy Punio-Navarro, Headwriter; Ken de Leon, Christine Novico at Angeli Delgado, Writers; at Nehemiarey Dallego, Reynaldo Leoncito at Liberty Ribay, Brainstormers.

The Borrowed Wife, created by the GMA Drama Group, is supervised by the SVP for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable; VP for Drama Redgie Acuña Magno, AVP for Drama Cheryl Ching-Sy, Program Manager Hazel F. Abonita and Executive Producer Michele Borja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN