Angel Locsin found it difficult to shoot slapping scene with Maja Salvador for The Legal Wife

"Dahil nga medyo mabigat yung kamay ko, iniiwasan ko rin talaga ang mga sampalang eksena,” says Angel Locsin (right), one of the lead stars of The Legal Wife. Her slapping scene with Maja Salvador (left) spawned a meme that became viral in social media.



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN, published as is:


Kapwa masaya sina Angel Locsin at Maja Salvador sa pagiging hot topic sa mga manonood ng kanilang sampalan sa trailer ng upcoming primetime drama series sa ABS-CBN na The Legal Wife.

“Sa totoo lang, ang hirap gawin no’n para sa akin kasi little sister ang turing ko kay Maja. At dahil nga medyo mabigat ‘yung kamay ko, iniiwasan ko rin talaga ang mga sampalang eksena,” ani Angel na gaganap bilang Monica sa kwento, ang asawa ni Adrian (gagampanan ni Jericho Rosales).

Tulad ng viewers na damang-dama ang lutong ng sampal ni Angel, dama rin ni Maja ang kakaibang tapang ng kwento ng kanilang serye.

“Bawat karakter namin dito nina Angel, Jericho at JC [de Vera] ay may kani-kaniyang laban sa buhay. May mali, may tama. Pero siguradong lahat makakarelate dahil lahat tayo, minsan sa buhay natin, ay nagmahal, nasaktan at natutong lumaban,” ani Maja na bibigyang buhay ang role ni Nicole.

Ang The Legal Wife ay sa ilalim ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao. Bahagi rin ng cast ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng drama kabilang sina Joem Bascon, Ahron Villena, Rio Locsin, Mark Gil at Christopher de Leon.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng The Legal Wife sa Primetime Bida ng ABS-CBN ngayong Enero na.




Angel Locsin and Jericho Rosales play Monica and Adrian in The Legal Wife




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN