Maja Salvador shares thoughts on love: "Kahit sobra kang magmahal, may ititira at ititira ka sa sarili mo."

Sinabi ni Maja Salvador na bago pa man i-take ang sampalan scene nila ni Angel Locsin ay sinabihan na sila ni Direk Rory Quintos na itodo na ang pag-arte.

“So good girl naman kami ni Angel, ginawa naming take one,” paliwanag ni Maja, isa sa lead stars ng The Legal Wife.


Agaw-atensiyon ang trailer ng upcoming ABS-CBN teleserye na The Legal Wife na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Jericho Rosales, JC de Vera, at Maja Salvador.

Ang eksenang pinag-usapan ng husto ay ang confrontation scene nina Angel at Maja kung saan may sampalan din.

Sa nasabing eksena, nagharap ang asawang babae at ang other woman ni Adrian, na ginagampanan ni Jericho.

Ang asawa ay si Monica (Angel) at ang other woman ay si Nicole (Maja).

Sa eksena, may linya si Maja na, “Mahal ko si Adrian, akin siya, akin lang siya!”

Sumunod na eksena ay ang pagharap ni Angel kay Maja at sinampal ito at binitawan ang mga katagang, “Walang sa ‘yo, Nicole! Akin lang ang asawa ko!”

Nagmarka nga ang eksenang ito, at patunay ang mga nilikhang memes ng mga netizens.

Ayon sa Wikipedia, ang meme ay ang panggagaya sa nagiging popular na idea, action o style.

TAKE ONE. Sa press conference ng The Legal Wife noong January 21, Martes, ikinuwento ni Maja na isang take lang ang sampalan scene nila ni Angel.

Ani Maja, “Bago kasi i-take ‘yon, sabi ni Direk Rory [Quintos], ‘Gusto ko ibigay n’yo na lahat,’ kasi kung hindi, mag-iilang takes kami.

“So good girl naman kami ni Angel, ginawa naming take one,” nangingiting pagbabahagi ng aktres.

Inusisa si Maja kung nasaktan ba siya sa sampal ni Angel.

Sumagot si Maja nang patanong. “Meron bang sampal na hindi masakit?

“Syempre masakit.

“Napag-uusapan naman nang maigi ‘yan.

“Tsaka mas magandang ibigay na nga naming lahat ng emosyon sa unang take kesa sa paulit-ulit pa.”

MAJA PLAYS THE OTHER WOMAN. Sa teleserye, isang mang-aagaw ang ginagampanan ni Maja, pero paglilinaw niya, ang kanyang role bilang si Nicole ay may lalim din.

“First time ko hong gumanap ng ganitong role,” paglalarawan ng aktres.

“Kung mapapanood n’yo ang character ni Nicole maiintindihan n’yo siya. Mamahalin n’yo si Nicole.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ang paksa ng teleserye ay tumatalakay sa pag-ibig, tinanong ang mga bida kung paano ba sila mag-move on pagkatapos ng isang nabigong relasyon.

“Sa isang relasyon, [kapag] hindi kayo nag-grow… kunwari ako sa character ko, nararamdaman ko na yung ka-partner ko okay, tapos ako di ako naggo-grow, siyempre kahit papano kahit sobra kang magmahal, may ititira at ititira ka sa sarili mo.

“Dapat magtira ka pa rin para sa sarili mo,” lahad ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN