Vin Abrenica is cast as love interest of Alwyn Uytingco in Beki Boxer

“Marami kaming ‘kilig’ scenes dito ni Alwyn [Uytingco] na para sa akin, wala lang pero sa character niya, may meaning pala," says Vin Abrenica about his upcoming TV5 show titled Beki Boxer.



Pinaghahandaan na ng Artista Academy winner na si Vin Abrenica ang dalawang upcoming TV shows niya sa TV5.

Makakasama ni Vin si Jasmine Curtis-Smith sa drama show nitong Jasmine at magiging love interest naman siya ni Alwyn Uytingco sa teleserye na Beki Boxer.

Parehong eere ang dalawang shows ngayong summer 2014.

Matagal na napahinga si Vin sa paggawa ng teleserye at naging busy lang siya sa gag show na Tropa Mo ‘Ko Unli.

“Matagal din akong hindi nakagawa ng teleserye. Yung last na ginawa ko was Misibis Bay pa," kuwento ng nakakabatang kapatid ni Aljur Abrenica sa programang News 5.

“Kaya natuwa naman ako to start with not just one but two projects kaagad.”

Sa show na Jasmine, gaganap si Vin bilang isang matinee idol.

“I play Alexis Vergara, the primetime prince and love interest of Jasmine. Dito, nag-aagawan kami nina Matt Padilla and Gerald Sison kay Jasmine.

“Yung story kasi ay tungkol sa isang stalker na tinatakot at ginugulo si Jasmine. May pagka-suspense thriller ang story na ito kaya exciting na gawin,” ani Vin.

Excited din ang Kapatid leading man sa role niya sa Beki Boxer dahil hindi lang niya kailangan mag-ensayo sa martial arts sports na Muay Thai kundi magiging love interest naman siya Alwyn Uytingco na gaganap bilang isang bading.

(Read: Alwyn Uytingco downplays comparisons of Beki Boxer with My Husband's Lover)

“I play the role of Atong sa Beki Boxer.

“Isa akong probinsyano dito na may pangarap na maging isang magaling na boksingero. Kababata ko dito si Alwyn who plays Rocky.

“Pero hindi alam ng character ko na may lihim na gusto sa akin si Rocky.

“Sinabi nga sa akin na baka maglaban din kaming dalawa sa boxing ring ni Alwyn.”

May mga eksena sila ni Alwyn na pinagsisilbihan siya nito at clueless ang character niya na may lihim na pagmamahal pala ito sa kanya.

“Marami kaming ‘kilig’ scenes dito ni Alwyn na para sa akin, wala lang pero sa character niya, may meaning pala.

“Kaya abangan nila ito kasi iba siya at matutuwa sila kay Alwyn dito,” ngiti pa niya.

Okay rin kay Vin na mapaghiwalay muna sila ng kanyang ka-loveteam na si Sophie Albert.

Minsan pa lang nagkasama ang dalawa sa teleserye na Never Say Goodbye.

“Magkasama pa rin naman kami ni Sophie sa Tropa Mo Ko Unli.

“Busy siya doing the Pinoy version of Pretty Little Liars. Magkahiwalay muna kami ng trabaho.

“Pero who knows na after ng dalawang shows ko ay magtambal ulit kami. Nasa management naman ng TV5 ang desisyon.”

Bukod sa pagiging artista, ang ibang hilig pa ni Vin ay ang music.

At tulad nga ng kanyang Kuya Aljur, gusto rin niyang i-explore ang talent niya pagdating sa musika.

“Music is one of my passions.

“Kapag wala akong masyadong trabaho, hilig ko ang tumugtog sa gitara at kumanta.

“Pareho kami ni kuya na mahilig sa kantahan dahil minana namin ‘yan sa daddy namin.”

Isa ring dream ni Vin ang magkaroon siya ng sarili niyang album.

“Sana matupad din ang dream kong ito.

“Gusto ko ring magkaroon ng sarili kong album balang-araw.

“Noong nasa Artista Academy pa ako, nakita naman nila na isa sa mga talents ko ay ang kumanta.

“Pinagdarasal ko na matupad naman ang dream kong maging isang singer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN