Geoff Eigenmann wants to work with Jennylyn Mercado in an upcoming project



Masaya si Geoff Eigenmann sa paggawa ng primetime series na Adarna kunsaan siya ang gumaganap sa karakter ni Migo.

Malapit ng magtapos ang Adarna sa March 7.

Ani Geoff, “Masaya kami sa set, good camaraderie sa set, lahat kami masaya. Good working condition.”

Kasama na si Solenn Heussaff sa Adarna.

Anong masasabi niya tungkol dito?

“Yeah, dagdag na twist and I think, it’s something unexpected.”

Ang karakter ni Solenn ang magiging-pagsubok sa karakter naman ni Geoff kung totoo nga ang pag-ibig niya kay Ada na ginagampanan naman ni Kylie Padilla.

“It’s a final test, actually.”

Ayon sa aktor, maganda ang bonding nilang cast at kinuwento niya ang mga bonding activities na ginagawa nila.

“Yes, we go out, we play basketball, Mikael [Daez], Benjamin [Alves], kapag nasa taping kami, kung may free time kasi, we have lunch out, we have dinner out. Ganoon kami.

“Kung minsan, kapag nasa Subic kami, lahat kami magbabaon ng bike at magba-bike kami sa Subic kapag may free time. Barkada kami sa set which is fun. At nagagamit din namin sa mga eksena halimbawa may big scene, magkakasama kami, mas kumportable kami.”

Sinabi ni Mikael na kung mabibigyan naman daw ito ng pagkakataon, ang girlfriend niya na si Carla Abellana naman ang isa sa gusto nitong makatambal.

“Go, why not?” nakangiting sabi ni Geoff.

“It’s all up to management naman and eventually we’ll all be end up working together or work with each other again, so, bahala na, kahit anong mangyari.”

Dahil malapit ng matapos ang Adarna, meron naman na raw sinasabi ang manager niya na si Perry Lansigan na may kasunod na siyang serye.

“Pero siyempre, as long as hindi pa nagsisimula, hintayin na lang muna natin.”

Bilang isa sa mga leading men ng Kapuso network, sinong Kapuso actress pa ba ang gusto niyang makatambal?

“I would like to work with Jennylyn Mercado, hindi ko pa siya nakakatrabaho. I like working with new people. For me, new ideas, new conversations.

“Parang mas may nasisimulan kayo and if you’ll work again some other time, may ground na, may base na yung magkaibigan na kayo. Anyone. Actually, I’m willing to work with anyone naman. Afternoon, primetime, it's all the same for me."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN