Dennis Trillo and Tom Rodriguez reunite as mixed martial artists in Magpakailanman

Dennis Trillo and Tom Rodriguez are cast as MMA fighters in the “Mandirigma” episode of Magpakailanman.



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:

Ano ang kaya mong ipagpalit para sa iyong mga pangarap? Kaya mo bang isugal ang iyong pamilya? Kaya mo bang talikuran ang kinabukasan na may kasiguraduhan?

Ito ang mga tanong na hinarap nina Eduard Folayang at Mark Sangiao, dalawang athletes sa isang sport na hindi kinilala at hindi sineryoso ng mahabang panahon: ang mixed martial arts; sport na kanilang ipinaglaban, at ipinagmalaki hanggang makuha nito ang recognition mula sa mga kapwa Pilipino.



Ngunit bago makamit ang recognition na ito, ano ang mga naging kapalit sa kanilang buhay?


Paano nagawang pagsabayan ni Mark ang kaniyang pagiging coach at athlete sa kaniyang pagiging padre de pamilya? Paano niya nagawang kumbinsihin ang misis niya na maniwala sa kaniya... sa maaari niyang marating?


At paano nagawang mapapayag ni Eduard ang kaniyang mga magulang na pasukin niya ang isang sport na walang kasiguraduhan... kung saan maraming pagkakataong maaari siyang mawalan lalo ng kinabukasan?




Dennis Trillo


Itinatampok sa “Mandirigma” episode ng Magpakailanman ang muling pagsasama nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez matapos ng kanilang successful na pagganap mula sa My Husband’s Lover. Kasama rin sina Sheena Halili, Andrew Schimmer, Snooky Serna, at Mr. Bembol Roco; sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, at sa panulat ni Jules Katanyag mula sa pananaliksik nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.



Sundan ang kanilang kuwento ng paghihirap, ng pakikipagsapalaran, at ng kanilang tagumpay—ngayong Sabado, March 1, sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN